Thursday, December 18, 2008

Galing Kay Santa


Ano ang da best na natanggap mong regalo mula kay Santa Claus? Teka naniniwala ka pala ba kay Santa?

Kahit kasi mahirap lang kami at bulok ang bahay namin, nuong bata pa ko (at mga pamangkin ko, oo may pamangkin ako na halos kaedaran ko!) pinalaki kami sa pinaniwala kami na nagbibigay ng regalo ang Ninong ng lahat tuwing Pasko.

Kahit taun-taon eh hindi nababago ang ibinibigay niya, masaya pa rin kami na isa ang regalo ng matabang mamang nakapula sa inaabangan namin. Yun nga lang hindi naman namin siya nakita kahit isang beses.

Dyahe naman kasi siguro na pagdating sa kwentuhan eh ang bahay lang namin ang pinuntahan ni Santa gayung ang dami naming magkakapit-bahay.

Pero sa kwentuhan, syempre galing kay Santa ang mga kendi nakukuha namin sa mga medyas na nakukuha lang namin sa pagka-gising sa mismong araw ng Pasko.

Ang siste pa kamo, ang sabi ng mga dakila kong magulang kapag bisperas na, hindi raw magbibigay si Santa hanggang hindi kami natutulog.

“Kaya naman pala hindi nyo nakita eh, tulog kayo!” Ganyan ang litanya nila pag umaga ng Pasko. Walangya at kasalanan pa pala namin. Sila pa ang may katwiran ano?


Suki kami noon ng Christmas candy yata ang tawag dun, yung parang tungkod ng matanda na parang handle ng payong na may stripes na pula or green. Wag mong sabihing di ka nakatikim nun nung bata ka!

Ang nakakatawa, kaniya kaniya pa kaming gulangan. Naglalagay ako ng dalawang medyas na magkaiba ang kulay para di halatang sa akin pareho. Edi pag umaga, 2 ang regalo sa akin.

Eto ang pamatay, gumagawa pa ko ng sulat at pagkagising ko eh wala naman dun kaya ang paniwala ko eh dinala naman ni Santa. Alam mo ang nakasulat? Request yun para sa susunod na Pasko na sana ay may kasamang laruan na hindi ko lubos maisip ngayon kung paano naman kayang magkakasya yun sa medyas na pambata.

Haaay, ngayon ko lang napagtanto kung bakit di ibinigay ang truck na nagiging robot! Hindi pala kasya.

Siyempre kalaunan, nalaman din namin na yung Ate ko lang pala ang nag-uuwi ng mga regalo ni Santa. (Patay na siya ngayon)

Sa darating na Pasko, may wish ulit ako kay Santa at granted na ha! Actually nagkausap na kami (yan ang picture sa gilid tingnan mo), sabi niya for formality magsasabit daw ako ng medyas at ito ang ilalagay ko sa sulat ko sa kaniya:

Dear Santa,

Mahigit 50 po ang inaanak ko, sa 100 na lang po ang bawat isa eh 5,000 na. Pero sa ngayon daw, 200 na ang minimum kaya dun pa lang eh nasa 10,000 na.

Wish ko na lang po na tuparin ninyo ang lahat ng wish ng mga inaanak ko at bigyan nyo na lang sila sulat na yun ay ibinigay ninyo dahil malakas ako sa inyo. At dahil dun ay hindi ko na sila kaialngan pang bigyan ng aguinaldo at hindi na nila kailngang mamasko sa akin.

Sige na po para makatipid lang.


Mulong


Tuesday, December 16, 2008

Reposting Parausan


Sakit ng ulo ko. Di ako makapag isip. Ulitin ko na lang muna itong isa sa mga unang inilathala ko dito sa blog. Hindi ko nga inasahan na magkakatotoo pala yang isinulat ko. Pagdating ko kasi ng trabaho, sisimple lang ako tapos yung blog agad ang inaatupag ko.

Katulad ngayon, masakit na ulo, pero namamasyal pa rin ako hehehe

eto na ang aking PARAUSAN...

nang minsan kitang matikman
hindi ko inasahan kitay babalikan
may kakaiba ka kasing sarap na ipinatikim
hindi ko malaman kung saan hinugot
hindi sinasadya pero parang napulot
ang tikim nais ulit-ulitin

ibang klase kang bumuhay ng dugo
minsay makatindig balahibo
akala koy kiliti lang sa kuko at paa
iyun pala’y mabibigyang buhay,
magpapadaloy ng dugo
at kayang magpangilo ng bungo
mas masarap ka sa ginisang gulay


ikaw ang nagpalabas
nang nararamdamang minsa’y ikinatatamlay
pagkat wala akong parausan
na maaari sanang mapagbuhusan

naramdaman mo rin bang sobra sobra?
buo-buo ba o sago sago pa?
ipagpaumanhin mo kaibigan
sa paglipas ng araw siguro’y mababawasan

siguro ngay dapat aminin
na sa iyong putaheng ipinatikim
nakatulong ka sa muling pagpapatayo…
sa nanlalambot na paninindigan
at nakakalibog na panitikan

sige pa…malapit…lalabas na
salsalin mo pa!
tingnan natin kung papasa
sa mapanuring panlasa
ang mabulaklak kong salita
magustuhan kaya bilang isang tula?

Inaalay ko ito sa iyo blogspot. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon…ikaw ang aking naging PARAUSAN para muling makapagsulat ng walang kakwenta-kwentang tula!

Para kang banyo sa nagmamarekulyo kong tiyan!


NAKS®

Saturday, December 13, 2008

Bike Trip


Ano nga kayang masamang hangin ang umihip sa tenga ko? Kagigising ko lang nang maisipan kong mag-bisikleta. Isang mumog, konting hilamos, sibat na.

Di ko naman hilig talaga ang magbisikleta at matagal ka na rin akong hindi nakakatapak ng pedal pero iba ang bangon ko na yun. Para bang hinihila ko ng paa ko habang nagsasalita na “tara at magpapawis tayo.”

Akala mo ba may sarili siyang isip na at akala mo rin ba, katawan niya ang pinapawisan eh hindi naman. Buti na lang at siya naman ang nangangawit kakadyak. Yun nga lang dahil wala namang magkahiwalay na buhay ang paa at katawan ko, sa kabuuan eh sarili ko rin ang pagod.

Yun ang dahilan kung bakit, hindi ko talaga trip mag bike

Teka di ako yung iniisip mong todo porma na naka helmet, black and neon green tight feet shirt, cycling shorts at bakat bayag na nagbibisikleta ha. Yung tipong pasyal-pasyal lang pampalipas oras. Eh kaso alas dyes ng umaga at tirik ang araw.

Minsan lang namang ganahan kaya sige lang. Diko alam kung bakit trip ko at kung anong meron pero yosi ang partner ko sa biking. Lupet ano? Naghahanap ng lalong pampahingal. Kung baga sa pagkain kare-kare at dinuguan…hindi magka tugma sa panlasa.


Habang nagbibisikleta, napadaan ako sa tulay sa may bayan kung saan naka-agaw pansin ang mga batang naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay. Gawain ko rin yun nung medyo bulinggit pa ko. Nagkukulay ulikba nga ako sa kakapaligo sa ilog eh. Pupunta kami sa bayan, tatalon sa tulay at magpapatianod papunta naman sa amin.

Mas enjoy kapag may mga water lily kasi hindi na kailangang kumampay. Kapit lang tapos aanurin na yun ng tuluyan.

Pero nung makita ko yung mga bata, iba naisip ko. Sabi ko, tyaga naman ng mga batang ito, dumi dumi ng ilog eh. Alam ko na ngayon kung bakit ako napipingot noon kapag naligo ako sa ilog nang di nagpapaalam.

Iniwanan ko yung mga bata nang may bumisinang delivery truck, di pala makadaan kasi halos nakagitna pala ko. Kunyari di ko na lang narinig pero sumibat din ako.

Sa tabi ng simbahan, may circle doon na ikutan ng tricycle. Ilang beses akong nagpaikot ikot. Baka nga ang nasa isip ng mga nagsisimba ng mga oras na yun eh may toyo ako. At baka kung ikaw mismo ang nakakita sa akin, malamang ganun din ang isipin mo.

Hindi ko alam na uso pa pala ang lobo sa may gilid ng simbahan kaya napatigil at diretso sa nagtitinda. Bente pesos na pala ang isang piraso ng lobo? Bumili ako ng isa para sa pamangkin kong babae. Sa bente pesos matutuwa na yun.

Alam ko iniisip mo, may nagtitinda ng ice cream? Meron pero alanganing bumili tapos iuwi ko pa sa amin, baka tunaw na pagdating ko.

Umiba ako ng daan pauwi. May mas maluwag kasing kalsada kaya harurot ako pag sikad. Akala mo ba yung sa pelikula na bibitiw pa sa manibela at itataas ang dalawang kamay?

Tangna ko alam na may parte palang ginagawa, may manhole hanggang di ako nakapag- preno…

Nagising ako…pero masayang panginip yun…di kasi ako marunong mag bike.

Oo tama ang nabasa mo, di ako marunong mag bike!



®

Wednesday, December 10, 2008

Isang Mahabang Paglalakbay


Hindi naman kita kilala, pero malamang nagkasalubong na kita. Ni ha ni ho wala, pero oo naman, bakit nga naman? Makulet ka pala, eh hindi nga magkakilala.

May nagtaas ng kamay, may laging kumakaway. May sumusutsot, may laging bumubuntot, kaya silay bumabantot, san ka man magsuot

I can’t stand to fly
I’m not that naive
I’m just out to find
The better part of me

I’m more than a bird...i’m more than a plane
More than some pretty face beside a train
It’s not easy to be me

Natutu kang lumipad…lumipad nang lumipad. Paghakbang ay namasyal…namasyal nang namasyal. Sa bawat galaw, sila’y nakatingala, nakatunganga at nagmumuta.

Wish that I could cry
Fall upon my knees
Find a way to lie
About a home I’ll never see

It may sound absurd...but don’t be naive
Even heroes have the right to bleed
I may be disturbed...but won’t you concede
Even heroes have the right to dream
It’s not easy to be me



Di ka naman naligaw. Batingaw nga la’y umalingawngaw. Aalis ka daw pala, madami ka bang dala? Wala din daw pasabi kundi ilang mga hikbi.

Up, up and away...away from me
It’s all right...you can all sleep sound tonight
I’m not crazy...or anything...

I can’t stand to fly
I’m not that naive
Men weren’t meant to ride
With clouds between their knees

Sabi nila duwag ka, di naman siguro. Tingin ko kasi matapang ka. Matapang na matapang! Mabibilang lang sa daliri, ang handing umalis nang hindi na uuwi.

I’m only a man in a silly red sheet
Digging for kryptonite on this one way street
Only a man in a funny red sheet
Looking for special things inside of me
Inside of me
Inside of me
Yeah, inside of me
Inside of me

I’m only a man
In a funny red sheet
I’m only a man
Looking for a dream


I’m only a man
In a funny red sheet
And it’s not easy, hmmm, hmmm, hmmm...

Para sa pag alis na punong puno ng katanungan.

It’s not easy to be me...


®

Monday, December 8, 2008

Si Pacman at ang Araw ng Linggo

Wala namang duda na sa ngayon eh laman ng lahat si Manny Pacquiao.Mula TV hanggang sa trabaho pati na sa mga tambayan. Si Pacman ang magaling at si Pacman ang mayaman. Sino kaya ang susunod na kalaban? Lahat ng iyan siguradong pinagdedebatehan.

Pero gawa tayo ng side stories, yun bang wala sa mainstream ng Pacquiao mania pero tungkol pa rin sa kaniya o sabihin na nating sa kanila ni Oscar Dela Hoya.

Ito siguro yung mga puntong hindi makikita nina Quinito Henson at Al Mendoza. Ilalabas ko lang yung pagiging sports analyst ko, tingnan ko kung ano panama nila.

Akalain mong pinagdudahan ko si Pacman! Bandang alas onse kasi ng tanghali habang naghihintay ng laban na kanilang pinagkaperahan, may pumunta sa aking Kristo at nagkakasa ng pustahan.900 lang naman. May sumasama na sa akin na 500 kaya 400 na lang ang ipupusta ko at kay Pacquiao kami.

Ilang beses na kong natalo sa mahjong at hindi lang 400 ang naipatalo ko na. Pero si Pacman hindi ko napustahan dahil sa totoo lang eh diskumpiyado ako. Kung baga kasi sa sabong eh llamadong llamado si Dela Hoya. Kung naging tres man ang pustahan, kakanain ko na!

Pasensya na Pareng Manny ha!

Eto na, habang nasa inuman, imposible namang mawala ang matatalinong diskusyon. Habang pinagpi-piyestahan ang sisig na ipinagmamalaki ni Pareng Jho, narinig ko ang isa sa pinaka malupet na komento tungkol sa dream match na iyan.

Ang sabi ba naman; “swerte ni Pacquiao hindi sumusuntok si dela Hoya. Yun na nga lang eh hindi pa niya napabagsak, paano pa kaya kung sumuntok pa yun?” Classic di ba? Oo nga naman, paano kung sumuntok si Pareng Oca, baka siya pa ang nanalo di ba!?

Lahat nga naman ng talunan may ekskyus, parang sa sabong, kapag natalo ang manok… naunahan lang eh. Para bang nakalimutan na ang sabong eh unahan lang naman talaga!

Sa pagkakapanalo ni Pacquiao, tingin ko nagkaroon ng kalaban si US President Elect Barrack Obama, hindi sa world domination ha, bomalabs tayo dun. Sa pagiging man of the year ng Time Magazine.

Sabihin na nating nasa history na si Obama, pero ibang history pa rin ang ginawa ni Pacquiao eh. Ano sa tingin mo? Kanino ka? Obama o Pacquiao?


Pagpatak ng gabi…kumalat na ang balita na nagpabago ng takbo ng debate habang nadadagdagan ang Colt 45 na itinatagay namin. Namatay na si Marky Cielo. Aba lintek at mga tagahanga pala ng isang apo ni Shaider ang mga kainuman ko.

Paano na daw ang sangkatauhan, ang mundo kung maghahari ang lagim sa ilalim ni Puma Ley-Ar. Ano pa ba ang isasagot ng lasing? Mga hunghang nandyan ang Liga Insekta, di tayo pababayaan nina Gagambino.

Nakupo nalintikan nang lalo!

Buti na lang bago ako magkandasuka sa harapan, natapos ang gabi ng may magandang balita…tumama ako sa ending! Sarap ng Linggo!


®

Friday, December 5, 2008

Larong Pang Mahirap

Noon, ang computer games gaya ng Pacman o Super Mario at yung Nintendo, larong pang-mayaman lang. Madalang kasi ang may access o yung nakakagamit ng computer nun. Sila yung pinanganak na may pilak na kutsara daw sa bibig. Di ko alam kung balak ‘yung isalaksak sa bunganga nila o ano.

Ang mga batang mahirap, yung mga taga looban o eskinita, may mga larong pang-mahirap na minsan eh hindi keri ng mga batang iba ang kulay sa kanila. Yan ang mga laro namin.

Tulad na lang ng awtang base. Lumalabas pa kami ng kalsada at duon kami naglalaro habang ka patintero din ang mga tricycle. Parang grouping ‘to ng out-an. Lahat ng mga na out na, dumidipa mula sa base sa kalaban hanggang sa magka dugtong dugtong.

Tapos kapag nakalusot ang isang member at nahawakan niya ang dulo ng mga naka dipa niyang kasamahan, puntos ‘yun. Kailangan mabilis tumakbo yung huling kasamahan na hindi pa naa-out kasi kung mabagal ka, give away na yung puntos sa kabila.

Yun ang ginagawa nila sa akin. Pag ako na lang ang natitira sa grupo namin, dahil maliit daw ako, payag na silang iskor na ng kalaban. Tangnang mga iyun, walang tiwala sa akin!


Pwede ring patintero mismo kaso mas enjoy naming yung base eh. May mga dupang daw kasi sa patintero, pag na out sasabihin time out may sasakyan!

Sa bukid naman kami naglalaro ng baseball gamit yung bolang pula. Walang bat yun, kamao lang talaga. Siyempre hindi naman buong taon eh may tanim na palay ang mga bukid kaya pagkatapos ng gapasan, baseball field na ang rice field.


Yun nga lang may kalaban kami, mga bata kasi kaya ‘pag dumating na yung mga binata nung mga panahong yun, sibat na kami kasi teritoryo nila yun eh. Kami naman, takbuhan sa mga dayami at dun na lang kami magpapa-tambling tambling.

Ayun, pagdating ng gabi, galit nag alit ang ermat ko kasi nangangati yung katawan ko. Kahit kasi mahirap, tatablan rin ng kati na dala ng dayami.

Sa mga panahon namang nalalaos ang patintero o baseball, at para halu-halo rin ang mga kalaro, pera perahan ang pantapat dyan. Yung mga balat ng kendi o kaya kaha ng sigarilyo, yun ang mga pera namin.

Ang kending viva, isandaang yun, ang lips dahil pula siyempre singkwenta, at ang stork naman ang limang piso.


Dahil malaki naman ang mga kaha ng sigarilyo, kailangan tatlong tupi yan na pwedeng ikawit sa mga daliri ala drayber o konduktor. Marlboro natural singkwenta, ang Hope at ang Champion ang limang pino habang isandaan naman ang Phillip. Siguro kung ngayon yun, mas tamang isanlibo na ang Phillip kasi mas kakulay diba?

Pero wag ka, hindi laro yun na basta lang may pera ka, siyempre may paraan kung paano lilibangin ang sarili gamit ang mga yun. Dahil taga looban, ano pa nga ba edi sugal! Nandyang nagbeto beto kami gamit ang dice na putik, o kaya eh sakla. Akalain mong bata pa lang eh sugarol na ko?

Pwede pa kaya yung mga yun ngayon?

Pano pa nga ba magpa-patintero sa dami ng sasakyan. Ang mga nasasagasaan nga iniiwan na lang at kung minamalas talaga, aatrasan pa ng tsuper para masigurong patay ang biktima. Pano pa nga rin ba makakapag-baseball kung halos wala nang bukid? Hindi bat halos lahat eh naging subdivision na?

Ang pera perahan? Mas lalong hindi na pwede dahil ayaw na ng mga bata ng di totoong pera ngayon. At ang totoong pera, kahit mahirap, sa counter strike at dota na rin dinadala.

Hindi na siguro pwede.


®

Tuesday, December 2, 2008

Puro Malay Mo!


Kung merong kang kakaibang talento, ang Talentadong Pinoy daw ang dapat na puntahan mo. Palabas yan sa TV5 tuwing Sabado. Nakakatuwa! Merong tatoong nagpapakita ng natatanging galing at meron din namang mga nagmumukhang tanga.

Pero kahit ganun, makikita mo yung magandang intensyon ng palabas, yun bang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nating ipakita…at pagkakitaan yung mga ginagawa nila. Malay mo nga naman, yun ang maging pinto sa mas malaking pagkakataon para sa kanila di ba?

Naalala ko tuloy nung minsan napasok ako sa isang kulasese sa may Pasay. Matapos ang mga nakabuyang na kuwan habang sumasayaw sa saliw ng mga makabagbag damdaming awitin kabilang ang Its All Coming Back To Me, meron palang intermission number!? At hindi basta intermission number, acrobatic show!

Akalain mo yun? Matapos ang mga bundok ibok ibok eh may mga magtatalunan na para ka namang nanunuod ng children show! Walang duda na sa perya sila nagsimula at parang promotion na yung mapunta naman sila sa beerhouse. Nasan na kaya sila ngayon? Malay mo nasa Hong Kong Disneyland na pala sila.

Yun kasi ang isa sa natutunan ko noon sa Values Education, kung ano daw ang talento mo, pagyamanin mo. Ang kasunod niyan, walang kamatayang puro malay mo…puro malay mo.


Tulad na lang ni Celino Cruz, ahead lang ako sa kaniya ng isang taon nung high school, noon pa lang magaling na yan sa volleyball. Tingnan mo ngayon nasa PBA na. Nabago man ang sports niya, mayaman naman.

Ganun din si Chris Baluyot na kababaryo ko rin. Dahil matangkad pinagbuti niya ang paglalaro ng basketball. Nagbunga, ngayon nasa Air 21 siya, reserve nga lang!

Halos lahat naman ng magaling sa maliit nagsimula eh. Kahit yung mga singer, dancer, gitarista, piyanista, kahit masahista. Hasa lang talaga ang kailangan.

Pero paano kaya sa tulad ko na ang talent eh makipag-inuman?

Bakit naman kasi nung nagbuhos ng talent ang siyang Lumikha eh nakapayong ang ermat ko. Baka daw kasi mahamugan ako kaya kahit ambon tuloy, di ako nabiyayaan ng talent.

At dahil pagpapayabong ng talento nga ang prinsipyo isinasabuhay ko, ayun at ginawaga kong libangan ang inuman session. Tuwing Sabado at Linggo nasa inuman ako. Ang sabi ko nga eh baka dun kami yumaman at magbukas ito ng pinto na kung saan man patungo.

Eto na…

Malay mo, magpa-promo ng Red Horse o Colt 45 ng “Pera s Tansan.”
Malay mo padamihan ng makukulekta o kaya eh babakbakin lang yung kulay gray na nasa loob nito at naduon pala ang karampatang premyo.

Malay mo ako makakuha ng winning tansan na may tumataginting na premyong isang milyong piso?

Malay mo maging milyonaryo ako dahil sa pagiging manginginom ko!

Malay mo…malay mo…puro malay mo! Kawawang beer, walang kamalay malay!

®