Saturday, February 28, 2009

Toilet Humor


Classic ‘yung dalawa kong mahjong buddy tuwing Sabado at Linggo, sina Kagawad Ver at si Pekto. Pareho kasi silang ututin. At hindi basta utot, malakas at yung parang may halong bumubulwak na!

Sa isang banda, nagbibigay buhay sa sugalan ang mahiwagang tunog na nagmumula sa magic short ni Kagawad at ni Pekto. Umaatikabong salitaan kasi sa tuwing matatapos ang pagpapasabog.

Iyun nga lang, hindi lang isang beses iyun, libangan nila ang pag utot habang naglilibang na kami. Hindi ko nga alam kung anong power meron ang tiyan nila at kaya nilang magpatunog ng suot nilang short na napapaangat pa sila ng kaunti mula sa pagkakaupo.

Nagiging redundant tuloy ang sugalan. Diba connotation na nga na ang sugalan eh amoy utot. Tapos uutot pa ulit,edi doble doble na.

Di naman pwedeng ipagbawal ang umutot sa sugalan kasi natural na amoy utot naman nga talaga.

Pero kahit anong luwag sa pakiramdam ang naibibigay ng ganuong pagpapasabog, iba pa rin ang ligayang bigay kapag umupo ka na sa enodoro at ibabagsak ang masagang jebs.

Ako pa naman eh madalas magkaroon ng release order kunyari nakainom ako. Lalo na kung red horse ang pinagsaluhan ng aming mga baga, pihadong kinabuksan, magluluwat sumuba ako sa banyo para umupo sa mahiwagang trono.

Di ko alam kung pareho ang trip natin pero mas gusto ko iyung pagkakataon na kapag andyan na eh may taong nauna sa toilet. Tapos gugulo ang isip ko, kakatok, maglalakad ng pabalik balik, magyoyosi, maglalabas ng usok na parang huling pagbuga na at kung anu ano pa.

Hanggang sa hindi ko na kayang maglakad at tatambay na ko sa pintuan ng banyo. Huwag na huwag mo kong gugulatin dahil baka bigla na lang…may sumambulat at magulat ka din!


Kapag hindi ko na kaya, kakatok ulit at sisigaw na ko ng “bilisan mo naman!” Pagpasok, halos hindi na umabot dahil sa lintek na di butones at di zipper pala ang short.

At sa aking pag upo…heaven!

Gayunman, sa dinami dami ng dumi na nailabas ko na, na ikinatutuwa naman Malabanan brothers, (para sa kanilang Pancit Malabanan) iba pa rin kapag bumalik ang ganuong nakakakiliting pakiramdam…pero wala ka naman sa bahay.

Sa Farmers Plaza ang hintayan namin nuon bago tumuloy sa pag-aanak sa binyag sa Marikina. Dahil nakainom ako bago ang naturang araw, uminom muna ako diatab bago umalis ng bahay. (hindi naman dumating sa puntong naging maintenance ko ang gamot na yan.)

Eh hindi umipekto. Yari!

Para akong si Samuel Bilibid, lakad ng lakad sa mall na hindi ko naman kabisa. Malapit na, ramdam ko na!

Nagbubutil na ang pawis ko kahit aircon pero hindi ko makita ang kubeta. Halos naglalakad ako nang iniipit ko na yung hita ko ng suot suot kong maong. Pakiramdam ko kasi…tunaw!

At nang marating ko ang dapat kong paroonan, hindi nga ako nagkamali. Ang tunog niya eh para lang akong nagbukas ng giripo! Sabay ngiti.

Tangina, walang tisyu at lalong wala namang timba at giripo. Pero eh ano, lumang resibo lang ang katapat nyan!


®

Thursday, February 26, 2009

Analyze This




Woman without, a man is nothing!

Tuesday, February 24, 2009

Ang EDSA Bow!


Hindi pa ko tuli nang mangyari ang Edsa People Power I, pero parang may libog na ko sa mga isyung bumabalot sa ating lipunan. Baka nga isa ito sa nag-udyok sa akin para pasukin (at lisanin kalaunan) ang magulong mundo ng pulitika.

Lintek kasi mataas ang paniniwala ko…may magagawa ako!

Kaya ayun, nasa elementarya pa lang ako nasabak na ko sa pangangamay sa mga kapwa ko estudyante. Kinanta pa nga namin ang “Magkaisa” sa miting de avance. ‘Yun ang isa sa dalawang theme song ng People Power I. (pangalawa yung Handog ng Pilipino sa Mundo)

Nung High School, sa isang report sa klase kinonsider kong bayani si Tita Cory. Napuri ako ni titser (naks!) dahil hindi naging tradisyunal ang report ko. Socially relevant daw!

Ganun kataas ang respeto ko sa ipinaglaban ng Edsa People Power I. Kalayaan at kapayapaan.

Nuong huling gabi ng Edsa Dos bago bumaba si Erap, nasa Ortigas Flyover ako. Sarap sumigaw!

Ramdam ko kasi na bahagi ako ng isang pagbabago na oras na lang ang binibilang at magaganap na. Hindi naman nabigo ang milyun-milyong taong nagbuhos ng oras para kondenahin ang katiwalian sa gobyerno. Buhay ang espirito ng Edsa.

Sa Miyerkules, 23 taon na pala ang nakalipas nang ililok sa kasaysayan ng mahal kong bayan ang Edsa People Power. Siguro nga noon, trip ko lang yung kanta, pero sa bandang huli, naintindihan ko ang lalim ng kwento sa likod nito.

23 taon na unti unti nang binubura ng mga taong nasa likod din pangyayaring hinangaan ng buong mundo. Mga taong nangondena pero sa huli’y halos kasing sahol pala ng mga taong sinundot nila sa pwet

Haaaaay!

Asan na nga ang Edsa? Nasa Edsa pa rin. Nagsisimula sa Monumento sa Bonifacio at nagtatapos sa Pasay Rotonda!

Kumusta na ba ang Edsa? Edsa pa rin. Isang mahabang kalsada na dinadaanan ng mga rumaragasang sasakyan. Bawal nang tumawid sa Edsa kaya ang malalakas ang loob, parang nakikipagpatintero kay kamatayan.

Marami na ngang nagbago sa Edsa. Puno na ng kulay asul at rosas footbridge ang kahabaan nito na siyang tamang tawiran daw ng mga tao.

Minsan mabigat ang trapiko mula Balintawak hanggang sa may SM North dahil ginagawa ang LRT extension para naman idugtong sa Edsa-MRT. Kung lalagyan ng loop ang LRT extension? Di ko alam eh!

Haaaay Edsa! Isa kang mahabang kalsada…at mananatili ka na lang sigurong kalsada!


®

Saturday, February 21, 2009

First Time...



Paalala, mababaw lang ito! Peksman!

Bakit kaya pag may ginawa ka sa unang pagkakataon eh may halong kaba?

Walang nakakaalam kung masarap ba o masama ang kalalabasan ng gagawin mo kaya parang naghahabulan ang tibok ng puso. Sasabay pa dyan yung pag-aalinlangan kung itutuloy ba o hindi kaya lalo na tuloy iba ang lukso ng dugo.

Baka nga yung iba eh di magkamayaw sa pagkagat ng labi para ma relax lang. At habang hindi ganap na natatapos ang ginagawa, nanunuyo pa yung kinakagat na labi.

O teka lang, sinabi ko nang mababaw na usapin lang ha kaya ialis mo yang maduming eksenang pumapasok at unti unti nang nagkakabuhay sa malisyoso mong utak.

College na ko nang masalta ng matagal sa Maynila. Nakarating naman ako sa eskwelahan nung nung unang araw ng pasok pero nung pauwi na, nakalimutan ko kung saan ba ko dapat lumiko, sa kanan ba o sa kaliwa?

Edi ayun, pawisan nang makarating sa bahay na tinutuluyan ko. Para nga akong nag ano sa tanghaling tapat habang nasa loob ng masikip na kwartong walang kisame na yero ang bubong!

Isipin mo na lang kung paano magbubutil ang pawis ang sa ganuong sitwasyon at lugar… habang nagbubunot ng sahig diba?

Natawa na lang ako pero first time ko namang magbiyahe mag isa at magpalipat-lipat ng jeep sa Maynila eh kaya charge to experience na lang.

Kung anu yung kabang naramdaman ko nuon, hindi na rin nalalayo sa kaba nuong unang beses akong nasasakay sa roller coaster sa Star City. Hanggang perya lang kasi ako dati kaya di ko alam na may ride palang may 360 degree loop.

Bakit nga naman di ka kababahan, paano kung habang nasa itaas ka ng loop eh makalas yung pinakaharang sa inuupuan ko?

Ibang klaseng kaba naman ang naranasan ko nung unang beses akong inutusang mag withdraw sa ATM. Ang bilin kasi, wag daw ipapakita ang pin. Kaya ayun, kahit may kalayuan naman ang kasunod sa pila, sinabihan ko pa yung dalawa kong kaklase na tumayo sa gilid ko.

Aba malay ko namang hindi naman pala lalabas sa screen ang mismong pin number na pinindot ko! First time eh!

Pero may isang first time ang talagang nag-iwan ng tanong sa isip ko na hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon…sa elevator!

Excited ako nung unang beses ako nakasakay sa elevator pero habang papataas kumalog na parang lumilindol kaya ibang kaba ang naramdaman ko. Nung pababa na, nag-alanganin ako at binalak kong maghagdan na lang.

Dahil nasa 6th floor ako, binalewala ko na lang ang kaba dahil marami naman akong makakasabay. Kung mahulog man, ang sabi ko, madami kaming maaaksidente!

Pero bago muling sumakay sa elevator, isang eksena ang tumatak sa isip ko na nag-iwan sa akin ng tanong. Madalas ko pa ring makita ang ganung eksena aya hanggang ngayon kaya hindi ko pa nasasagot ang tanong…

Ang elevator ba, kapag pinindot kahit naka red na ang up or down button…at kung may isa pang nagmamadali talaga at pindot pa ulit ng pindot, bibilis ba itong bumaba o umakyat?


®




Friday, February 20, 2009

A Comeback With An Agony




"Indeed, life is an endless struggle. And yet, most of the time, life is also unfair."


-mulong®

Saturday, February 14, 2009

Patalastas Muna Ngayong Balentayms!

Dahil araw ng mga puso at kiskisan ng mga nguso, at puno ang mundo ng blog tungkol sa pag-ibig eh mayroon lang ako patalastas.

Una, kung may speaker ka, namnamin mo muna ang unang kanta diyan sa cassette ko dyan sa gilid…ung Love Me. Tingin ko eh isa sa pinakamadamdaming kanta yan bagamat may kalumaan na.

Kung wala kang speaker, hhhm sorry na lang!

Ngayon naman eh maitanong ko lang, sino nga ba ang mas dapat piliin, ang taong mahal mo pero hindi ka naman mahal o ang taong mahal ka pero hindi mo naman mahal? Naks, baduy!


Sa pelikulang My Best Friend’s Wedding, hindi ba medyo huli na ng ipaalam at iparamram ni Julianne (Julia Roberts) sa kaibigan niyang si Michael (Dermot Mulroney) na mahal niya ito. Nangyari lang iyun nung sinabi ni Michael na magpapakasal na siya kay Kimberly (Cameron Diaz).


Sa hinaba-haba ng nakakatuwang kwento nilang tatlo, bumigay din si Julianne. Pero sa palagay mo, kung talagang hindi nag give up si Julienne at talagang ipinaglaban niya hanggang pitpitan ng ano ang kaniyang pag-ibig, magkakatuluyan kaya sila?

Para kasing mas magiging maligaya kung sina Julianne and Michael ang nagkatuluyan kesa kina Kimberly and Michael di ba?

Haay pag ibig nga naman!


Teka kailangan ko daw sumigaw sabi ni Punky at ni Poging Ilokano, eto na…

Ngayong balentaym ang mga kwento, kailangan ko ba talagang makisawsaaaaaaaaaaaaw!

ihabol ko lang itong sigaw na ito

TANGINAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!

Grrrr!


®

Friday, February 13, 2009

Ang Alamat Ng...Tapos Na 'To!

Parang binuhusan ng malamig na tubig sa Mang Ador sa pangyayari. Isang araw ng kamalasan ba naman ang nangyari sa kaniya eh. Maya-maya pa…


“Pareng Ador, ano naman ang naisipan mo at pinutol mo yung puno ng ipil ipil sa pagitna ng bahay natin?” humahangos na tanong ni Mang Canor sa noo’y nanlulumong si Mang Ador.

Mistulang nabunutan ng kutsilyong isinaksak sa likod si Mang Ador. Puno ng ipil-ipil ang pinutol niya at hindi ang puno ng narra sa harapan ng kaniyang bahay!? Sa halip na salita, isang ngiting aso ang naisagot niya kay Mang Canor.

‘Para ka namang nang iinis Pare, nakuha mo pa akong ngitian. At ano naman yang dalawang bilog sa tabi mo? Ke taas ng araw tumitira ka ng gin? Baka mamaya eh mag-huramentado ka na at hindi lang puno ang tagain mo!”

Noon na napansin ni Mang Canor ang nabaling sagwan sa tabi ni Mang Ador. Inusisa niya ang kumpare kung ano ang plano hanggang sa dalawa na silang tumatagay.

“Tangina naman Pare, paano mo gagawing bangka ang puno ng ipil-ipil eh ang nipis nyan? Edi ngayon kahit sagwan eh hindi na natin papakinabangan dahil bali na,” bulalas ni Mang Canor nang marinig ang kwento ng kumpare.

Kahit daw bangkang pambata eh hindi naman magagawa ang puno ng ipil-ipil

Umikot ang baso at isa pang bilog ang nabuksan na dala naman ni Mang Canor. Matatag si Mang Ador, marahil ay dala ng pagkadismayang hindi naman pala dapat ika-dismaya.

Dala ng espirito ng alak, kaliwat kanang usapin na lumiko sa ibat ibang direksyon ang napag-usapan ng dalawa. Hindi nila napansin na salitan pala nilang nililiha ang naputol na sagwan hanggang sa mapakinis nila ito.


TEKA TEKA NAGPURO WENTO NA WALA NAMAN WENTA! NILOLOKO LANG TAYO KASI HINDI NAMAN PALA NARRA ANG PINUTOL EH. KALAUNAN MGA LASING NA YUNG UMEEKSENA. WALA TAYONG MAPUPULOT NA MAGANDANG ARAL KINA MANG ADOR AT MANG CANOR.

SA TOTOO LANG DI BA NAIINIS KA RIN? SINASALSAL NANG SINASALSAL ANG KWENTO PARA HUMABA, HINDI NAMAN MALAMAN KUNG ANO ANG KAHAHANTUNGAN.


PINANGHUHULA PA TAYO KUNG TOOTHPICK BA, PALITO NG POSPORO, CHOPSTICK O KUNG ANO PA ANG POSIBLENG IMBENSYON ANG KALALABASAN NG PROJECT NA HINDI NAMAN BIBIGYAN NG GRADE!

GIN BULAG PA ANG INIINOM? LINTEK WALANG PULUTAN WALANG CHASER? ANG LAKAS KAYANG MAKAPAG-PAPANGIT NUON!

BAKA KUNG NAISIPAN AKONG TAGAYAN NG DALAWANG MATANDANG IYAN EH BAKA NAIPALO KO PA SA KANILA YUNG KINALABASAN NG PUNO NG NARRA NA NAGING PUNO NG IPIL IPIL!

AYUN, ALAMAT PALA ITO NG PALU-PALO!


®