Kung itatanong mo kung “bakit?” ang sagot ko…frustrated writer kasi ako.
Di ko alam kung tamang term yung prus-trey-ted kasi ang ibig sabihin nun eh hindi mo nagawa yung gusto mo tama ba? Para bang isang pangarap na ginawa mo na ang lahat, nagbuhat ng bangko, nagsunog ng kilay, umepal, gumamit ng red ballpen, nagmemorize kahit masama ang loob at kung anu-ano pa. Pero ang resulta…ayun pangarap pa rin!
Parang pagkanta lalo na yung pagiging bokalista ng isang banda. Ilang beses ko na nga bang inimagine na nasa isang gig ako? Pero hindi yung basta nasa gig lang ha…nakaporma kahit pawisan o kaya naka shades kahit gabi at na sa gitna ng stage habang bumabanat. Yun pala ang frustration!!
Buti na lang may Pon-japs naka-imbento ng videoke na inimprub naman ng mga talentadong Pinoy. Dun ko na lang tuloy ibinuhos ang sama ng loob at ang kakayanan ko na malaking kawalan sa ating music industry.
Lalo na kapag lasing!
Ilang beses na ba akong pinalakpakan sa inuman? Maraming session na rin yung eksenang may mga nagre-request pa na kumanta ulit ako habang nagngangalit ang mga ugat ko sa litid. Sige hataw lang, pakapalan lang iyan ng mukha!
May mga kanta nga na considered signature song ko na daw eh. Meron pa ngang nagsabi, eto ha hindi ko naman kakilala, pero pagkatapos kong kantahin yung Wherever You Will Go ng The Calling, nag comment ba naman na para daw original! Walangya…malamang mas marami ang nainom nya sa akin.
Ang maganda pa sa videoke…hindi stereotype na rakista lang ang isang tao. Pwede kang maging balladeer, o kaya eh ala Chris Brown o kahit maging isa sa mga Pinoy rapper na matitinis ang boses ala Crazy Ass Pinoy o Gloc9.
May direksyon ba? O kailangan lang talagang i-justify ang ginagawa kapag nakahanap ng outlet ang frustration ng isang tao. Ang logic, para lumabas na wala ka naman talagang frustration!?
Tangina ang gulo parang bul^$#@!!!!!
Teka kung ganun ang pananaw ko sa salitang “frustration,” hindi naman ako pala ko frustrated writer kasi nagsusulat pa rin naman ako kahit papano. May isang kwento nga akong isinulat na nasa libro na eh.
Eh bakit nga ba ayokong matutong mag blog?
Ah alam ko na…magaling pala akong magsulat, madami lang nga akong angst sa buhay!
NAKS!®

1 comment:
natripan ko magbalik sa mga unang post. kung saan nagsimula ang lahat,,
at akoy nandito.
buti na lang hindi ka natutong magblog! hehe
Post a Comment