Umalis ako para maglibang. Sa imbitasyon ng kaibigang si Abner, naisipan kong mag take a rest ng konti. Dumating ako doon sakto sa tanghalian pero dahil bisita ko, bumili na rin ako ng lechong manok pandagdag chibog.
Noon ko nakaharap agad sina Wyn-Wyn at Teng. Ok naman, masaganang tanghalian na habang kanin at ulam pa lang ang inuupakan pinaplano na agad ang oras ng inuman. Pero may dumating na iba pang bisita na hindi kasama sa
Sinamantala ko na lang yung oras para makapagpahinga. Noon ko naman nakilala si Alex at ang kapatid niyang babae na nakitawag na lang din ako ng Dichie.
Sa wakas dumating na din ang oras ng inuman nung pagabi na. Nagsimula sa dalawang granma, tokwat baoy (pero hindi yung nasa litrato), pepino at chicaron. Nadagdagan na ng kainuman, dumating yung dalawang kuya ni Alex, sina Joel at Sherwin.
Dalawang granma ulit…nadagdagan naman mga kainuman, mga pinsan naman nila Alex ang kahalu-bilo ko. Siya nga pala, sa kanila kami nag iinuman.kaya wag ka nang magtaka.
Paluan na! Si Wyn bumunot na ng pangbanlaw, isang kahong red horse daw! Habang umiikot sumasaya ang usapan, dumadami na rin ang nagpapayabangan at nagkaksiyahan. Mau sumulpot namang Cyrus at Bunso daw ang pangalan.
Pero ang pinaka cool, yung magkakapatid. Basta! Sila na yata ang pinaka cool na magkakapatid na nakilala ko. Pati si nanay nakiki ride sa kanila.
Isang kahon pa ulit, labasan na ng angas tangina sige! Nang magkaubusan, hindi pa kami nasiyahan, si Sherwin, si Dichie, si Teng, Abner at ako, tig-iisang bote raw sa videoke. Pasaid na rin lang ang bulsa ko, isagad na!
Mapayapang gabi na ang kasunod.
Nagising na lang ako ng may nanggigising na! Uuwi na
Huwag na nating idetalye pa.kung ano pa nangyari, kwentong inuman lang naman. Basta masaya dahil sa mga taong nakilala. Yun nga lang di ko alam kung makakabalik pa ulit ako dun.
Nang makabalik ako sa amin kinabukasan pa ulit, akala ko hindi na ko malalaban dahil pagod sa biyahe, puyat tapos parang may hang over pa. Kaso hindi nakatiis eh, adik talaga.
Kinagabihan, mga totoong tropa naman ang kalaban, may kwentong mayor, kwentong artista, kwentong mahjong, kwentong pulis brutality at kung anu-ano pa.
Naalala ko lang yung kaibigan kong pulis na gustong madestino sa lugar namin. Nakasakay ko kasi siya minsan, naka uniform pa nga tapos sinaluduhan ko pa. Nabanggit ko ngayon sa isang harapan namin.Naging kaibigan ko kasi yun simula nung grade two.
Kilala pala siya ng isa kong kainuman…patay na pala si Edwin halos dalawang buwan na raw ang nakakalipas!
Mahirap pagdugtungin, pagtagpi-tagpiin. Iba-ibang character. Ang daming nakilala, may isa palang umalis na pala. Hindi ko na alam paano ito tatapusin.
No comments:
Post a Comment