Saturday, January 17, 2009
Lagkit Ng Mga Tingin
Mga mata ko yan, pamatay ano?
May kasabihan nga tayo “the eyes are the windows of a person’s soul.” Kung tatagalugin ang mga mata daw ang bintana ng kaluluwa ng isang tao. English na lang, pangit palang pakinggan ano?
Hindi ko alam kung paano i-describe ang mata ko pero parang ang amo-amo na parang sobrang bait na parang nangungusap na hindi man kulay asul o brown eh parang nanaisin mo na magkaroon din ng matang katulad ng mata ko.
Yun bang matang hindi ka mananawang titigan at nakapikit ka na lang sa pagtulog eh mata ko pa rin ang nasa isip mo. Ang sabi nga eh mata pa lang ulam na!
Yan eh hindi ko pa alam kung paano ilarawan ang mata ko ha, paano pa kaya kung alam ko pa.
Teka lang, hindi yung mata ko ang malagkit ang mga titig ha. Panoorin mo yang video sa ibaba.
Ilang araw pa lang lumalabas ang commercial na yan. Singko tamang piso, pustahan tayo napangiti at napa – “naks naman” ka nung napanood mo yan. Di mo alam kung may naalala o may pumitik sa puso mo pero parang may kung anung kiliti diba?
Nandun na tayo. Maganda talaga yung ad, thumbs up nga eh.
Lalo na yung pagkakalapat ng musika ng Eraserheads, masang masa ang dating na kahit na fast food ang subject eh may recall kahit dun sa mga taong madalang namang kumain sa McDo.
Ito yung commercial na kahit na ang bida eh hindi yung mga lagi mong nakikita sa TV tulad nina Kris Aquino, Manny Pacquiao o kaya yung kambal nina Zoren at Carmina, eh patok na patok ang dating. Walang umay, ika nga.
Pihado din naman na nakuha mo yung istorya --- na ang lalaki at babae eh childhood sweethearts pero hindi sila nagkatuluyan. At sa muli nilang pagkikita, may pamilya na ang babae.
Gayunman, hindi man sinasadya, nandun pa rin yung kumbinsayon ng french fries na sinasawsaw sa sundae…na nagpaalala ng lahat.
Dun na nagsimula ang problema sa tingin ko. Nakita mo ba yung mga tingin nila sa isa’t isa? Ang lalagkit!
Ano na ang kasunod niyan? Magkukuhanan sila ng cellphone number. Itetext ng: “NAKAUWI N B U?” Iyun na ang simula ng panibagong komunikasyon na masusundan pa ulit ng text na “KITA NMAN TAU.”
At sa kanilang pagkikita, mararamdaman nila ang kuryenteng minsa’y nawala sa kanila…na nanduon pa rin pala.
Hanggang sa makarating sila sa alam mo na.
Ayaw man nila, may nagkasala na dahil sa malalagkit na tinginan nila. Sasabayan pa ng kantang “we have the right love at the wrong time” habang nakahiga. Patay tayo dyan!
Gago ko talaga. Ayaw ko sanang lagyan ng malisya, pero meron talaga eh!
®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
25 comments:
Sigurado kung ipinakita pati ilong at mga labi, buong mukha kumbaga, mas lalong maraming mamamatay! Nakakamatay nga ang mata lang, whew!
Matagal na rin talaga akong hindi nakakita ng medyo matinong patalastas, ang mga ads kasi rito amateur ang dating. Mas mura kasi ang ganu'n, napakamahal daw kasing gumawa ng magandang TV advertisements dito. Kaya kapag makakarating sa Pilipinas at makita ng mga Australians ang mga TV ads natin dyan, parang mata ni Abe Mulong Caracas ang epekto nito sa kanila, tiyak mababanggit nilang "pamatay!" o",)
eh kasi naman eto ang namutawi sa kanilang mga labi at kaisipan mula nung huli silang nagkita.. "somewhere down the road our roads are gonna cross again...." kaya ngayon eh napapa- "we have the right love at wrong time" naman sila.. tapos masesegundahan pa ng "Sa puso ko'y nag-iisa
Kahit mayroong iba
Kahit hindi tama ang ginagawa, sinta
Basta ba'y makasama lang kita
Kahit kapiling mo pa siya"....ayun oh! at ginatungan ko pa yung pagbibigay malisya nya. hahaha..
nakiki epal lang...
panga anim na blogger ka na na nabasahan ko ng entry about sa bagong commercial na yan :d mabenta ang commercial, eh ang produkto kaya? :D
Hahaha ayos! I-propose mo na 'yang Part Two ng McDo Commercial, kaya lang baka maging mahalay 'yung dating, harangin ng MTRCB. *LOLz*
RJ...parekoy nasobrahan sa papuri.joke lang yung pamatay hehehe.
YANAH...alam ko yung kantang yan ha. crazy ass pinoy di ba? yung may halong rap na nakakatulig ang boses ng mga rapper? paborito mo pala sila ha!
GASOLINE DUDE...rated X na ang part 2 hehehe
Pamatay nga!!!
haha, can't seem to control but say "you got really gorgeous eyes in there"
hehe, cheers!
-DYLAN DIMAUBUSAN
DYLAN...akalain mong sumakay ka na pamatay nga ang mata ko? ibibigay ko na lang bayad mo hehehe
mantakin mo yun...
ang lupit!
advance ang pag-iisip.. hehehe
sige sige good luck sa prediksyon.. sana magkatotoo.. lols
kitakits
KOSA...pare hindi naman advance, madumi lang mag isip! lols!
may sana magkatotoo ka pa ha
Ayos... may bago ng story ang commercial ah... kulang na lang i-act ng mga bida... aabangan namin yan pare... hehehehehe
dahil sa mga post niyo ayoko na sa commercial na ito. haha.
kuya ambaet mo! akala ko kasi tatakbo ka nang makita mo ako nang di nakatalikod! buti di ka natakot sakin hehe!
'ung eyes moh parang ala-echo ahh... naks naman!... guwapo 'ung eyes... 'ung eyes lang.. lolz... peace! =)... hmmnnzz... commercial... okz naman... kaso nga lang nde silah nagkatuluyan... may part 2 siguro... lolz.. napadaan lang po... have a nice day and Godbless! -di
ang lagkit ng tingin ah? parang may mightybond na kasama... hehehe nice post!
waw! ;)
pang apat kang blogger na nabasahan ko nito.. awesome talaga ang komersyal kasi talaga.. ibang klase.. gnda talaga,. with erasrheads
haha grabe nagkaroon ng twist yung commercial :)) lol ang ganda nga nung commercial eh, xmpre e-heads song ba naman
naks naman...mata pa lng halatang may hang-0ver na naman..hahaha
naka nang.....masyadong malaman ang post nato a..di ko alam san sisimulan....
sa piktyur...hang-over nga ba yan?...lolz...
di ko na papatulan pagiging malisyoso mo..minsan kasi ganun din ako...lol..
sa tv ad...di namin napapanood dito yan pero parang sikat jan a....mapanood nga mamya..
kapansin-pansin diyan yung pagkatakot nung nakasalamin sa asawa nung babae... laking tao nung asawa nung babae eh, napaatras tuloy yung nakasalamin... tsk...
wala naman sigurong halong libog yung tingin niya, kasi ganun din sila magtinginan nung bata pa sila.. pwera lang kung ma-L na din sila dati.
ang mga mata mow mulong sadyang ka akit akit, lagkit na lagkit prang akoy nakuryente na ewan na prang nasundot ung pwet kow, prang nalaglag ang brief ni idol pjay ,buti nlang walang pustiso sureball madadawit din yun if ever, hahaha, tagay muna para sa mapupungay mong mata,lolness ung commercial na yan sadyang kay lufets, doon ata magccimula ang kalandian at kalaswaan nang dalawang nilalang at nahantong pa sa kama ha,tila sa kanilang malagkets na tinginan sila pala ay magkakasala sa mata nang madla, nyahaha...lolness
MARCO...yun din ang inaabangan ko kasing gagawin daw 30 mins ang commercial na yun hehehe
JOSHMARIE...bakit naman ako tatakbo? hey pipz, nakita ko na si joshmarie ng nakaharap!
DHIANS...echo as in "the echo"? yung horror movie? lols
KENO...muntik nang dumikit ano?
PUGADMAYA...salamat!
JENNIFER...hulaan ko di mo binasang buo! peace!
DYILYAN...x-rated ang twist hehehe
POGING ILOKANO...walangya akalain mong napansin mo pa yung hangover nyahaha! mamula-mula ba?
PAJAY...isa ka pa hehehe...sarap uminom eh
DOTEP...observant ka rin pala, oo nga takot yung nakasalamin. pero nakita mo ba yung pagpikit ng mata niya habang nakatingin sa babae? may libog!
AMOR...sabi ko na nga ba may tama eh! teka yung sa commercial nga pala, in 2 to 3 weeks eh maghihiwalay na sila. teka isipan ko ng plot at maisulat nga dito
malisyoso ka...minsan lang hehe
btw nice stare.. pang akit ba yan? o natural lang? ;-)
DENCIOS...natural yan...pag lasing pare hehe!
ang likot namn ng isip mo...gumana agad...well iba ksi nasa isip ko sa tinginan nila...ehehehe... "ganda ng kulang buhok nya, san kaya xa nag paparlor?"
Post a Comment