Thursday, January 8, 2009

Maniniwala Ka Ba Akin?



Sila ang Alabang Boys. Wala na yatang sisikat pa sa kanila ngayon dito sa Pinas.

Para sa kapakanan ng mga kababayan kong makakabasa nito (parang may babasa hehe) na nasa labas ng ating mahal na bansang Pilipinas, ang Alabang Boys ay HINDI BOY BAND at HINDI RIN SILA SHOWBIZ HEARTROBS.

Lalong wala akong koneksyon sa kanila bagamat aaminin ko, hindi rin naman maikakailang tisoy din silang gaya ko.

Pero yung pagiging sikat nila, eh sa kanila na lang!

Nakakulong ngayon ang Alabang Boys dahil mga big time drug dealer umano silang tatlo. As in big time daw talaga.

Pero ang nagpasikat lalo sa kanila eh ang nabunyag na tangka umanong panunuhol ng pamilya ng tatlo sa mga opisyal ng Department of Justice para i-dismiss ang kaso laban sa kanila, at sa tauhan ng PDEA na siya namang umaresto sa kanila.

Umabot sa tumataginting at naghuhumindik (as in tayung tayo!) sa 50 million pesos umano ang halaga ng suhol sa kung sino man. Yun nga lang, may pumutak na isang opisyal ng PDEA at ngayo’y nagmimistulang bayani sa ilan at kontrabida naman sa iba.

May nagtanong sa akin sa isang inuman (as expected!) naniniwala daw ba akong may sinuhulan ang mga pamilya ng Alabang Boys?

Bago ko sagutin iyan eto muna…dyan-dya-raran…


Una sa lahat, naniniwala ako na ang body scrub eh nakakapagpapayat habang ang foot spa naman eh nakakapagpaliit ng paa. Tingin ko kasi, ang mga taong nagpapa-ganiyan eh hindi naghihilod at puno ng banil sa katawan. Kaya naman dahil sa body scrub at foot spa, nabakbak ang mga duming dulot ng katamaran nilang maghilod.

Dugyot ang nagpapa body scrub at foot spa!

May nagtanong naman sa akin kung may internet daw ba ako sa bahay. Dahil wala naman talaga, ang sinabi ko eh siyempre wala. Bakit daw? Eto ang litanya ko… “pangit pangit ng bahay namin eh,” Wala daw koneksyon!

Bakit naman mawawalan? Naniniwala kasi ako na kapag pangit ang bahay, walang karapatang magpakabit ng internet kahit kailangan ito sa trabaho o importante sa mga estudyante. Wala nang tanong. Period.


Naniniwala din ako na hindi nandaya si PGMA nuong 2004 election dahil kathang isip lang ang “Hello Garci scandal.” Walang Garci na nabubuhay ngayon at kung meron man noong nakaraang panahon, isa siyang Emperador, hindi iyung alak ha!

At si Jollibee? Naniniwala akong hindi lang siya basta mascot na minamahal ng mga bata. Kapag gabi, nagiging superhero ang bubuyog na tinatawag na Super J. Iyun ay para bantayan naman ang mga bata mula sa masasamang loob.


Kapag may libreng oras naman sumasama din siya kay Gagambino bilang ika limang miyembro ng Liga Insekta.

Ngayon kung sasabihin kong hindi ako naniniwalang nanuhol ang Alabang Boys dahil mga hampaslupa sila at walang pera ang kani-kanilang pamilya, maniniwala ka ba sa akin?


®

23 comments:

eMPi said...

Hindi ako siguro maniniwala.... PERA PERA lang yan e... sigh!!! yaw ko ng ngang magcomment... hehehehe

abe mulong caracas said...

MARCO...ayaw mo talagang maniwala ha!

2ngaw said...

Ano bang dapat paniwalaan? na si Jolibee ay bubuyog? na sya ay lalake? o kasama sya sa Alabang Boys at nagmaskara lang? SAGOT?!!!

Kosa said...

hahaha
taena.. ang haba.. pero infairness tama ka idol..
tama ka sa lahat ng sinabi mo
pero di ako naniniwala sa ilan..
hahaha

dun lang ako nawindang sa boybands ng alabang.. ahhhh mga mayayaman pala.. este mga kriminal..lols

Kosa said...

Re:alabang boys

hindi sila mga mukang kriminal. mukang terorista pwede pa.. mga terorista kase kagalang galang ang bihis at maayos tignan.. itabi mo yung mga yan kay max alvarado, masmukang krminal pa rin si max albarado..lols

2ngaw said...

Taka lang ako sa pix ng Alabang Boys...san ba kuha yan? may kaso n nga nakuha pang ngumiti :-D ...

kosa, paliwanag mo nga, kakosa mo yan dba? lolzzz

The Gasoline Dude™ said...

Meron ding nahuling drug pusher na estudyante pa lang. Nag-aaral sa DLSU-CSB. Baka matulad din 'yung kaso niya sa Alabang Boys. Mukhang mayaman eh. Chinese pa.

Meron nahuling football player from Ghana dito sa Singapore. Guilty sa drug trafficking. Ang hatol: BITAY.

Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas eh. Tsk. Tsk.

Amorgatory said...

MARE MASASABI KOW LANG ANG GWAFUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUUU NUNG NSA LAST NA PIX HAHAHA, SHETNESS YAN ANG TIFOW KONG BOYLET, KAYA LANG YKO NALANG KSI DRUG DEALER PALA, BAKA MALAMANGAN AKOW SA NEGOSYOW KO,HAHAH,..mare maya nkow super comment ha, lateness nkow eh sa dutyness hakhak..babushness!!tc lage!!!

Amorgatory said...

AY TAE TLGA BKT KITANG TNWAG NA MARE MULONG!!!HAHAHAH SHETNESS NATWA AKOW SITE MO PALA TO HAKHAK..SENYSA PARE KASI LATE NKOW HAHAHAH AMF

Bomzz said...

Di ako naniniwala naka inom ka eh hehehe bukas na lang pag wala ng overhang hehehe

hmmm??? my mind is in two by two pa eh hehe...

yAnaH said...

naghihilod ako ah.. binitbit ko pa nga ung magic bato kong panghilod mula baguio hanggang dito sa dubey eh. pero gusto ko pa rin magpa body scrub hahaha..

tungkol naman sa alabang boys.. may possibility na nanuhol ang kanilang pamilya... naniniwala siguro silang pag dinaan sa kaperahan eh baka makalusot pa sila, money talks ika nga..pero duda ako sa katagintingan ng kaperahan na nabanggit...

yun lang hehehe

I am Bong said...

HINDI AKO NANINIWALA. hahaha. marami akong gustong sabihin tungkol sa mga alabang boys na yan ngunit nagmamadali ako eh...

dumaan lang at nakibasa parekoy!

abe mulong caracas said...

LORDCM...nakow medyo napaisip yata ako sa tanong mo, Sasaliksikin ko pa yan ha!

KOSA...wag naman mga kriminal, give them the benefit of the doubt ika nga. They are suspected criminals hehehe

LORDCM...mug shots nila yan pero si Jun De Leon ang kumuha sa New City Studios wahehe!

abe mulong caracas said...

GASOLINE DUDE...unfortunately, dismissed na rin ang kaso ng taga DLSU due to some technicalities daw!

AMOR...amor, amor, amor. tsk tsk tsk, ganda talaga ni amor hehehe

BOMZZ...pag wala akong hangoverm, maiba kaya ang paniniwala ko? sa tingin mo?

abe mulong caracas said...

YANAH...swerte naman ng panghilod mo...nakarating na ng dubey!

dubai dubai sagot sa nalulumbay!

BONG...bahala ka nga kung ayaw mo madalian...bilisan mo late ka na hehe

poging (ilo)CANO said...

itoy tungkol ba sa paniniwala?

naniniwala ka ba na si garci kumaain din sa jollibee? o yung kamay ni jollibee nakakaway kay garci?hahha

wala ako masabi eh!wala kc ako utak ngayon..

abe mulong caracas said...

POGING ILOCANO...patay tayo dyan naligaw nang lalo ang paniniwala hehehe

Anonymous said...

basta gumawa ng di maganda sa batas ng tao at Diyos ayaw ko.

abe mulong caracas said...

DENCIOS...i agree

pusangkalye said...

ngayon ko lang nakita picture nila. sayang naan~~~~

that's youth and good looks wasted. sana wag silang pamarisan~~~

darkhorse said...

akala ko mga bakla sila...criminal pla?...lol

Rome said...

kala ko nga boy band eh!!! dami nila pera.... mayaman kasing pamilya at maimpluwensya ang alabang boys kaya sikat hehehe... sisikat din ako! pero di sa droga!!!

Anonymous said...

DARKHORSE...hahaha!

ROME...hihintayin ko ang pagsikat mo! naks!