Tuesday, January 20, 2009
Nananabik...Nagbabalik
Mabigat ang kaniyang loob. Bagamat may dahilan para hindi siya umalis, may dahilan para siya lumisan. Masakit pero iyun ang sa tingin niya’y nararapat.
Ngayon at hindi na pwedeng ipagpabukas, baka wala ng ibang panahon..
Kalkulado ang kanilang bawat galaw, magkikita sila ng gabing iyun sa may Rajah Sulayman sa may Roxas Boulevard. Hindi yun ang unang beses nilang pagkikita pero tila ang mga sandaling iyun ang simula at katapusan ng lahat.
Bago sila magtagpo, ilang minuto pang naghintay si Arjay bago dumating si Carmela sa lugar. Ilang stick din ng sigarilyo ang nahitit niya marahil pampaalis kaba. Hindi siya mapakali.
Sa bawat usok na inilalabas ni Arjay, naaalala niya ang lumipas. Pero mas nagpapabigat sa loob niya ang mga nasayang na panahon. Nagagalit siya sa sarili. Pakiwari kasi niya ay kasalanan niya ang lahat. Siya ang lumayo dahil ‘yun ang tawag ng kaniyang propesyon.
Pero bakit nga ba hindi siya nakatayo nuong kailangang magdesisyun sa buhay niya? Pakiwari niya’y maaari naman siyang hindi umalis kung ginusto niya. Pero nakatango lang siya sa bawat utos sa kaniya na para bang wala siyang karapatang madesisyun.
Duwag ako, naduwag ako, sisi ni Arjay sa sarili.
Hindi na bumaba ng taxi si Carmela. Sa halip binitbit na ni Arjay ang kaniyang bag. Lumingap ng kaunti at agad na sumakay sa likuran ng taxi kung saan nanduon din si Carmela.
Agad niyakap ni Arjay si Carmela na parang batang nagsusumamo. Mahigpit ang kanilang mga yakap sa isat isa. Mahigpit na mahigpit.
Sa bawat halik na hinahabol ng kanilang mga labi, kasabay ang mga luha ni Carmela. Luhang matagal na itinago pero bumagsak mula sa kaniyang mga mata dahil sa kaligayahan.
Nangungusap ang mga halik ni Arjay at ang pagpunas ng kaniyang kamay sa mukha ni Carmela. Gusto niya pawiin ang ano mang dalamhati niyang dala.
Habang lumalayo ang kanilang sinasakyan, namumutawi sa kanilang mga labi ang mga halik na umaangkin sa katauhan ng isat-isa!
Tinangka pang magsalita ni Carmela pero hindi lumabas ang nais niyang sabihin. Pinigil ito ng kamay ni Arjay na wari’y sinasabing wala na siyang dapat sabihin. Kasunod nuo’y ang muling pagniniig ng kanilang mga labi, mas mapangusap, mas mapangahas at mas nananabik.
®
Inudyukan nyo kasi ako eh, o ayan na!
Talking about Mc Donald’s commercial again. Hiwalay na sila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
ay... hiwalay na talaga!!! kalungkot naman... pwede magbakalikan sila? hehehehe
Hehehe :D ang galing...natapos na ang part 1 ng MCDO commercial at eto na ang part 2, maghihintay ako sa part 3...ung sa pagbaba nila ng taxi lolzzz
hanep ang love story mo pareng mulong..mas maganda sana kung sinabi mo ung totoong pangalan mo dun(nagtago ka pa kc eh)..hehehe..
"muling pagniniig ng kanilang mga labi, mas mapangusap, mas mapangahas at mas nananabik" body sharing..lolz...hihihi
Pwedeng gawing nobela ito, ah. (,"o
kelan ilalabas ang sequel neto? hahaha
aabangan ko toh! pwamis! ahihihihi
MARCO...pwede pa naman, di ko pa alam eh depende pa kung anu ang mangyayari.
LORDCM...yan eh kung makakababa pa ng taxi, di ko nga alam kung saan sila papunta eh
POGING ILOKANO...yes pare body sharing!
RJ...parekoy baka mawawalan ng direksyon pag ginawang nobela eh
YANAH...pressure naman, inaabangan agad ang sequel hehe
hehehehe hindi ako nakarelate kasi hindi ko alam yung tungkol sa komersyal lol...gandang pang paket buk yan iskulmeyt!
sana magkabalikan ;-)
makata ka din pala mulong!
may tanong lng ako,,bakit di na nila kasama mga nanay nila? saan na sila? lols
cheers
MANILENYA...play mo lang ang video klasmeyt para makita mo yung video!
DENCIOS...parekoy malabo na yata kasi hindi lang asawa ang iniwan ni carmela kundi pati yung dalawang anak eh.
ANONYMOUS...nakow naglipat ka siguro ng channel hehehe...Nanduon sa paligid lanng di nila nakikita
magaling.. magaling... magaling!!!
hanep.. taena..
sabi ko na nga ba pwedeng gawan ng karugtong yun..
wahehehe.. sige sige
may part 3 pa ba?
lols.. madumi ka pa nmang mag-isip pareko..
taena..alam ma alam ko yung kasunod nyan eh..
hehehe.. kitakits
papuntang pasay yung mga yun! galing ng roxas blvd eh! madami kasing motel dun na mura...
hehe
lufeet sa imahinasyon pareng mulong!...iba ka!...
teka,imahinasyon nga ba to o tunay na storya mo?....lolz..
tulad ng sabi nila..aabangan ko rin ang karugtong nito....sigurado mas maganda yun...bakbakan na!...lolz...
amfufu un na ang ending?sinasabi ko na nga ba eh, may mga mangyayaring kalaswaan sa bawat pagagos nang luha ni carmela,..sureball na yan kung saan ppnta pwdeng sa mcdonalds at kkain muna, pede dn sa airport at silay mgatatanan na, pwede din sa bglang likow, 24 hours or 12hrs na short time,hkahka, yan ay isang palaisipan mulong ksi akoy nagiisp,lol connek mo muna di ko na malaman san hhantong tong comment ko eh.
KOSA...tigilan na daw natin sila, nagtext si carmela. invasion of privacy na daw kapag sinundan ko pa sila eh
DOTEP...swak pare nadale mo!
PAJAY...isa ka pa, mahihirapan na kong sundan sila kailngan nakatago ako!
AMOR...patay binigyan mo pa sila ngayon ng option kung ano ang gagawin nila eh
hanep. wala akong masabi. Arjay?
toinks.
habang hinahabol ng kani-kanilang labi ang bawat isa, hinahabol ko din yung pagbabasa.. ang galing ng pagkakasulat nito..
oo nga, may sequel ba? may prequel na ba ito? na-miss ko ata. hahaha!
DYLAN...nakow may na miss ka nga, pero nandyan lang ang ugat nyan...pinag iisipan ko pa kung kailngan pa bang dugtungan
Post a Comment