Hindi naman sa nangongolekta pero, iba ang tama sa akin ng sapatos.
Bago ang violent reaction, supalpalin na muna kita kung iniisip mong marami akong pambili. Malakas man ang tama sa akin ng sapatos, prinsipyo ko naman na hindi kailangang maupod ang bulsa para magkaroon ng higit sa isa. Nasa diskarte yan.
Nabili ko yan sa Japan noon pang December 2005. Dahil winter nuon, bargain at halos ipamigay na ang mga sapatos na wala sa panahon. Kaya kahit magkamukha, pinatos ko.
Dapat nga tatlo pa yan eh. Inisnab ko na lang yung kulay mocha kasi parang napaka redundant na ng arrive kung sa tatlong araw na magkakasunod eh magkakamukha ang sapatos ko bagamat iba iba ang kulay.
Pero siyempre, sa mga sapatos meron akong paborito. Hindi ko pa sigurado kung bakit, pero malamang may halo silang magic---Magic Foot Powder kaya na hindi nakakapag laway ang amoy ng paa ko kapag bagong hubad.
Wala mang dating sa mata ng iba, sa tingin ko naman, nasa nagdadadala yan!
Dahil nabanggit ko na rin naman na nasa diskarte lang din ang pagkakaroon ng karagdagang sapatos, yang dalawang yan eh hindi totoong VANZ kundi VANZ-VANZAN lang. Sa Monumento, 350 lang yan pero ang sabi ng iba, namahalan pa raw ako.
Walangya ano, mahal pa pala yun? Kaya ayan, dalawa na rin sila at kung mangangati-ngati yung paa ko at muling mapadpad sa bilihan eh malamang magkaroon pa sila ng pangatlong kapatid.
Naibulatlat ko lang yan kasi nung elementary ako hanggang sa makarating ako sa kolehiyo (sa loob ng labing apat na taon), mabibilang sa isang kamay kung ilang beses lang ako naibili ng sapatos. Dahil na rin yan sa hirap. (madrama yan kaya wag nang ituloy).
Kaya nung unang nagka-trabaho ako, sapatos ang una kong napag diskitahan hanggang magtuloy-tuloy na. Madali namang intindihin kung bakit di ba? Sabi ko nga, hindi ko ide-deprive yung mga paa.
Sa isang buwan pa ang birthday ko pero kung may magbigay man ng tsinelas eh will be highly appreciated naman. Lalo ngayon na pamorma na rin ang tsinelas at mas in pa nga yata eh.
Ang hindi ko lang maintindihan, may nagbigay o nakaiwan yata sa bahay ng tsinelas pero isang piraso lang. Ano naman ang gagawin ko sa isang pirasong HAVANAS? (oo hindi Havaianas!)
Yun yata ang mahiwagang tsinelas pero pasensya na… Hindi na po ako naglalaro ng tumbang preso!
May nag tip lang sa akin, may isang piraso din daw ng tsinelas na naiwan kina PARENG RJ, POGING ILOCANO at YANAH? Lupet ha, ang lalayo na nila napuntahan pa ng mahiwagang tsinelas!?
ITO PO AY NAG-UGAT SA TAG NI LORDCM HEHEHE
®
21 comments:
sabi ko na nga ba eh! malakas ang kutob ko na eto eh produkto ng kagagawan ni CM ahihihihihi..cgeh, at dahil sa nasa mood ako..lalo na't meron talaga akong recent na karanasan dyan sa lelas na yan, ill make patol na rin ahihihihi
Hehehe :D Salamat sa paggawa ng tag...
Pre pwedeng mong gawing tsinelas steak ung naiwang tsinelas sa bahay mo gaya ng ginawa ng lola ni marco sa tsinelas nya lolzzz
YANAH...sige go go go
LORDCM...pagtatagain muna? hehehe
hehehe... ayan ayan... dumarami na!!!
matindi sa isang sapatos nakagawa ng storya...tc
wow.. parami ng parami..
hehehe
the more the merrier..
lols.. taena. totooo ba to o gawa gawa lang?
umamin ka!!!!
hehehe
peace:))
hahaha..mamaya na ako kc hectic skedz ko ngayon..alam mo na yun..hmmmmm...
hahanapin ko muna ung tsinelas na yan..
OK, ayun nabasa ko na rin kahit may musika rito. Whew! Sorry sanay ksi akong magbasa ng matahimik.
Sige, gagwa ako ng sariling kwento tungkol dito sa tsinelas at sapatos. Meron din akong kwento nyan.
para namumukhaan ko ang wento eh hahahah, kagagaling ko lang kay Kosa, tsinelas din sabi ko na nga ba.. ayusss patoss payongg rin ka mulong kulit talaga mga banat mo heheheh
MARCO...oo nga dumadami ang mga alagad ni lord hehehe
DARKHORSE...correction po, maraming sapatos! lols
KOSA...pare hindi ako marunong magsinungaling (minsan lang)totoo yan peksman!
POGING ILOKANO...hindi mo yan makikita kasi lasing ka! hapi berdey
RJ...pare hintayin ko yan, tsinelas sa manukan mo ha
BOMZZ...oo nga nagkakapasa pasa na yung mga tsinelas
hehehehe wag naman sanang dumating ang panahon na ikaw ang tawaging Imelda Marcos ng mga kalalakihang pinoy lol!
para ka palang bayaw ko mas marami pa ang sapatos kesa sa kapatid ko.
Aba!!!paano ako nasama dito? Sinong mga alagad ko? lolzzz
pasa lang pasa...para buong blogosphere naka tsinelas :D
sapatos pala ang obsession u ha.mahal n bisyo yan...keke
nways. nalaman ko kay Joshmarie na sa isang network lang pala ku work.hmmmm....mukhang dumadami ang mga bloggers dyan ha. keke
hahah pare!!buti kapa may sapatos akow nakapaa nlang haha,tas sapatos kow 2 lang kawawa donation naman dyan hahah,anyways tsnelas gsto mow?yaan mow bili kita havanas sa qiapow 30 lang isang dozena ayus na un,lol..napansin kow ha ung music mow dtiow parang ang sarap matulog ulan kasiw ngaon eh, hahah.babaushness muna pnta muna ako sa mga post na tsenelas wakakka,,
panu mag-ipon sa sapatos?
kailangan ko rin eh.
:)
MANILENYA...nakow malabo yun, ang pangit yata ng rubber shoes na may dyamante hehe
LORDCM...oo nga tulad ngayon nasa trabaho ako pero naka tsinelas!
PUSANG GALA...dun lang ako sa mura. yap si joshmarie nakita ko na ng di nakatalikod
maganda yung vanz-vanzan :)at tama k,a nasa diskarte at idagdag...nasa nagdadala iyan :)palit-palitin lang oks na.
AMOR...wag naman havanas, pwede naman yung nike or yung tommy na 35 ang isa hehehe. wala ba sa character ng blog yung music?
KATCHUPOY...tumambay ka lang sa bagsakan ng mga fake pare dadami sapatos mo. magkakaroon ka pa ng design na wala pa naman ang original brand. mauuna ka pa sa kanila
ENCHIE...korek vanz-vanzan. meron ding nike-nike-an, converse-conversan, adidas-adidasan at marami pang iba
mwahahaha! gusto ko yan Rubber shoes na may dyamante tapos gusto ko nasa swelas yung dyamante tignan natin kung mapupudpod lol!
Post a Comment