Nakakatawa naman ang naging bunga ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng buto na naging bunga, na lamang ugat pala, na dinurog ang naging palaman kahit mukang jebs na giniling at pinalapot. Peanut butter ba!?
Yung daw kasing isa sa kilalang peanut butter eh mayroong salmonella, isang uri ng bacteria na posibleng magdala ng sakit.
Parang larong domino, sinasapol nito ngayon ang iba pang tindang tingi-tingi sa palengke. Siyempre una na diyan yung peanut butter mismo. Simpleng lohika lang daw, kung ang kilalang brand eh may bacteria, mas lalo na daw yung mga tingi-tingi na di alam kung saan ginawa.
Kaya naman babala ng matatalino, ipagbabawal daw ang pagtitinda ng mga tingi-tingi dahil nga banta daw sa kalusugan!
Naisip ko lang, ewan ko kung naisip mo rin o kasalukuyang sumasagi sa isip ng katabi mo pero…pinag-isipan kaya nila ang babalang iyun?
Kung ipatutupad kasi, saan na kaya pupulutin ang mga kapwa ko mahihirap at anak pawis?
Napagtanto kaya nilang wala sa kalingkingan ang bilang ng mga Pinoy na nagpupunta sa palengke at pinagkakasya ang kakarampot na pera kumpara sa mga pinagpalang namimili sa Cash and Carry o sa Puregold?
Sa dinami-dami ng bakteryang nabubuhay sa mundong ibabaw lalo na sa palengke, at sa di mabilang na pangangailangan nating nabibili naman na walang tatak, iisipin pa ba ng mga taong kumakalam ang sikmura ang bakterya?
Eto ang eksena: may isang bumibili ng kalahating long neck ng mantikang nanggagaling sa balde, may isang lumapit at nagmagaling at naglitanya…“alam nyo po ba na ipinagbabawal na ang tingi-tinging mantika dahil may kung anu-ano pong bacteria na natatagpuan diyan na posibleng magdulot sa inyo ng karamdaman?”
Wag kang umasa na sasagot ang mamimili ng “ah ganun ba, sige yung mamahaling Minola cooking oil na lang bibilin ko!” At sa halip baka nga banatan ka pa nila ng…“ano ang magagawa namin eh ito lang kasya, kung gusto nyo bigyan niyo kami ng pambili!”
Aba eh kung ipagbabawal ng magagaling ang tingi-tingi o de takal na peanute butter, ipagbawala na rin ang tokwa, suka, de blokeng yelo, bagoong, mantikilya at iba pa! Kasi nga, walang tatak at hindi alam kung saan ba sila ginawa.
Mas makakabuti na rin siguro na ipagbawal ang pagbili ng dirty ice cream dahil sa pangalan pa lang madumi na!
Ang mga bulig, tilapia, kangkong at iba pang nabubuhay sa tabang, aba teka at baka sa mga nakalubog na libingan nanggaling ang mga iyan!
Haaaay banta daw sa kalusugan!
Pataasan lang yan ng immune system!
®
35 comments:
ang alam ko, basta sanay ka na, di ka na rin tatablan... kita mo yung kumakain ng fishball... dumi dumi nun, la naman namamatay o nagkakasakit... usually yung mga mayayaman lang naman apektado nun eh.. di sanay na madumihan ang bituka... hehehe
siguro parekoy,
Hindi mo na kailangang pataasin ang immune system mo kase tayu mismo eh immune na sa mga mikrobyo...
heehehehe
very nice!
mabuhay ang mga Batang Yagit katulad ni Kosa
di na pala ako bibili ng 1 day old, wala naman brand eh lolzzz sarap pa nman nun tapos sawsaw mo sa garapon ng sukang kung sino sino na ang nagsawsaw....
Kaya mahirap ng masyadong matalino eh...tsk tsk tsk
GILLBOARD...tama, basta sanay ka. eh nakalimutan yata ng ilan na mas marami ang sanay sa pagkain ng mahihirap eh
KOSA...pag minalas malas nga baka sila na ang ma-immune sa mga taong mahirap eh!
MABUHAY!
LORDCM...wow mayaman! hahanap hanapin mo yan parekoy pag tumigil ka. lalo na yung pag pumatak sa daliri tapos didilaan pa! nyahaha!
ang daming bakteryang nagsulputan sa mundo...
lately lang pinagbawal ang karne ng baboy dahil may "ebola" ba tawag doon (correct me if im wrong)...
tapos ngayon sa peanut butter naman...
hmmm ano kaya ang susunod dyan... baka sa isda...
gulay...
bigas...
at kung anu ano pa...
langya! di na lang tayo kakain!
HB ka na naman- sabi nga ni AMor... hehehe!
naka-ban prin dito yan eh...dahil sa salmonella? anyways fav kdin peanut butter dahil masustansya tlga at masarap lalo na kung may saging!...tc
Nakakatawa naman ang naging bunga ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng buto na naging bunga, na lamang ugat pala, na dinurog ang naging palaman kahit mukang jebs na giniling at pinalapot. Peanut butter ba!?-HAHAHA! AYOS ANG DESCRIPTION AH!
MARCOPAOLO...tama...ang dami kasi nilang inaalam na bakterya eh lumabas ika lang ng bahay kaliwat kanang bakterya na ang masasalubong mo eh!
mag-abang ka parekoy, siguradong may kasunod iyan.
DARKHORSE, bagong combo, peanut butter and saging!
JOSHMARIE...ayos ba?
dameng bacteria sa pinas...
mga lolo nga natin ang tatagal nabuhay sa mundo...
eh hindi pa naman uso safeguard dati..
matagal nang kinakain yang peanut butter na yan, bakit ngayon lang sinabi na may bateria...lintik..
sa tindi ng kahirapan ngayon, hindi na uso ang bacteria...hayaan mong mamatay din ang bacteria sa kahirapan..lolz..
sus.. sanay naman ang pinoy na lumabag sa kung anong bawal! bawal lang naman saten pag nahuli!
ewan ko ba... kala naman nila mayaman ang lahat! hala sige.. bili lang ng tingi.. akong bahala!
mabuti nang mamatay sa bacteria (atleast medyo sosyalan!) kesa mamatay sa gutom! (poor na poor ang dating!)
sanayan lag yan kung hindi ka sanay sa bilihing pang mahirap magkakasakit ka talaga kaya ngayon pa lang magsanay na kayo bumili sa palengke.
wahehe sintomas na naman... ay nako sino bang magaling na matatalino na may matatabang utak na yan ang nagbababala na ipagbabawal na ang pagtitinda nang tingi-tingi.. ay nako may bacteria utak nila.. ansarap-sarap ng derte ice cream e hehe
naawa lang akow sa bacteria n yan if pumasok sa katawan kow kasi sureball sya ay maghihirap lamang hahaha, ay leche!!bacteria di na yan uso!!hahahah!!uwo ngayon ay durog na kaluluwa at butas na bulsa..bow
tulad ni Kosa isa din akong
sertipayd Batang Yagit...
kaya yung mga ganyang paalala
ng mga di umano ay bakterya...
kebz lang kami jan...
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos
eh lagi naman kaming bumibili ng
produktong alang brang kasi nga
yun lang ang kaya, pero alayb and
kiking pa rin naman til now ah...
bat di kaya nila atupagin
yung mga bakteryang nagkalat sa
pulitika, lalo na ngayong palapit
na ang eleksyon, hays! marami na
naman ang magbabalat kayong malinis!
oops...parang sobrang yawyawyow
na ang comment ko...
paxenxa na po, nadala lang...//_'
Ang taong gobyerno, sanay sa politika, mas mabilis gumalaw ang kanilang bibig kesa sa kanilang utak. Isang eye opener itong post mo sa mga anti-mikrobyo.
Ang tetra packaging at refill packs ay desenyo para sa mabigyan ng halaga ang kalusugan ng iilan, ang iilang may pera.
Ang takal-takal at tingi-tingi ay desenyo para mabigyan ng halaga ang nakararami, nakararaming walang pera.
Walang maduming tinapay sa kumakalam na sikmura. May dapat pa bang katakutang mikrobyo ang mga mahihirap?
Saan na 'ko kukuha ng pang Kare-kare ko!!!??? Ugh!
Kung magpapaapekto ang mga mamimili eh talagang wala nang bibili. Parang yung siopao na gawa sa China na ang palaman daw ay karton, parang shampoo ng Palmolive na nakakalbo daw, parang yung issue din ng gatas, ng noodles na gawa daw sa wax, ng candy , at ng kung anu ano pang produkto!!! Pambihira! Mas mamamatay ata ang mga tao sa gutom kesa sa bacteria..
Hayz.
Kung tutuusin marami din naman tayong bacteria sa katawan. Pero syempre iba na pag galing sa labas, at aaminin kong di ako pala bili ng mga tingi tingi dahil sa sinabi mong dahilan, may choice naman. Isa pa, magagalit si Inay, "Saan galing yan?!!"
Masarap ang peanut butter at saging! Try mo. Lalo na yung Ludy's peanut butter! Wehehe.
bwahahaha! natawa ako dun sa libingan. actually sa sementeryo pinakamatamis ang mangga. bakit kaya?
at tama ka. lahat ng walang tatak. dapat sa mercury drugstore na lang itinda kase generic weeeeeeh =)
nice one!
DOTEP...tama, mas lalo nga sigurong hindi kumakain ng branded sina lolo at lola di ba?
POGING ILOCANO...hahaha, mas mauunang mamatay ang mga bacteria dahil sa hirap ng buhay!
TAMA...paano kaya kung pati ang mahihirap sa supermarket bibili? malamang mas lalong lumaki ang problema!
reax kay AZEL pala yung TAMA hehe
ROME...patatagan ng sikmura di ba? buti na lang sanay ako sa palengke!
TSARIBA...bumalik na naman sa sintomas lols! oo nga ano, dapat pala sa utak muna nila ginawa ang test, baka mas matindi ang salmonella.
AMOR...alam naman ng lahat na mas matindi ang dating mo kesa sa bacteria! mabuhay ka!
MAVS...simple lang naman kasi di ba, kung may pera ka, edi mag supermarket ka, kung mahirap at mag palengke at mag tingi tingi, may magagawa ba sila?
THE POPE...sa mga pulis nga, hindi natatakot ang mga mahihirap sa mikrobyo pa?
DYLAN...sabi ko na nga ba eh, isa ka ring dugong bughaw at isang prinsesa na apo ng Duke! nyahaha!
POGING PAYATOT...talaga? mangga sa sementeryo? bago yun ha!
kung sa mercury nga kaya nakakabili ng tuyo? mangamoy kaya?
*palakpakan!
haha ganda ng point mo kuya mulong. panalo!
di na uso ang nagmamaselan ngayon...mahirap ang buhay. hehe tingi kung tingi ang labanan ngayon at walang magagwa ang gobyerno na itigil yan.
unang una wala silang ginagawang magandang programa para sa mga mahihirap. sabay sabay natin isigaw ang litanya natin nila Cecil dati... 'UM putang inang mga pulitiko yan, ambobobo!" hahaha
sa totoo lang nalungkot ako ng malaman kong pati ang ludy's ay naapektuhan ng salmonella. mas gusto ko kasi yun kesa sa ibang peanut butter na lumabas. pinoy ang lasa na kung ayw mong bumili ng tingi pero gusto mo ng ganung lasa, ludy's na lang ang bibilhin mo.
sobra na ang epekto ng krisis sa buhay natin na pati ang mga bacteria ay nakikilamon na rin sa mga tingi at mumurahing consumer products.
ONATS...basta ako kukakain ng kahit tirang pagkain sa canteen basta hindi pa kinukuha ng mga serbidero! joke! nyahaha
ENJOY...maukhang apektado ka nga tsk tsk tsk!
Nagustuhan ko ang last sentence. U
Ang galing niyo sa Immunology!
masarap ang peanut butter...isa itong maganda materyales na pwedeng gamit ng mga gustong magpapayat...sa kugn anung paraan inde ko pa alam... ahahaha...
OMG...takteng mga salmonela yan...pero mukhang masarap ang salmonela ah... ahahaha... :D
amf napa smile akow.hahahha lol
naisip mo din pala yon..parang masyado lang kasi nila pinalala at sinensationalize ang nangyari..salmonella, e coli..eh humawak ka nga lang sa lababo o sa pihitan ng gripo sandamakmak na eh 'di pa din tayo tinatamaan diba? bakit? hindi lang naman yung peanut butter ang mabibili sa palengke ng may germs pero kinakain at wala namang nangyayari sa atin..
..hindi naman sa dapat palagpasin yung contamination pero kung magpapalabas sila ng ganung babala eh bakit ngayon lang? db? ampf
Dugong bughaw? Prinsesa? Apo ng Duke?
Wahaha! Di ko pinangarap yun kahit libre lang ang mangarap.
Kumusta na?
naguluhan ako sa description mo ng peanut butter ah.ilang beses ko binasa.
:)
he he. actually, naisip ko rin kung paano na nga lang yung sari-sari store ni manang kung wala ng tingi-tingi. halos yun na kasi ang ginagawang ref ng buong bayan - bibili lang kung magluluto na. :-)
bossing alam mo lahat naman na ata ng tingi tingi e may mikrobyo kahit noon pa e bakit ngayon lang naglalabasab ang mga iyan? kawawa naman yung cant afford ng minola o yung sealed peanut butter ano?
hahaha...natumbok mo dre!...
Pataasan lang ng immune sysytem....
isang tagay lang yan!..patay lahat ng bakterya na yan!...lolz..
saludo ako sa sinabi mong yan parekoi!!!
Post a Comment