Tuesday, March 10, 2009

Sana Nakausap Ko Muna Si Francis M.

Nung Biyernes pa lang nang ibalitang namatay na si Francis Magalona, gusto ko nang magsulat tungkol sa kaniya. Hindi ko lang malaman kung paano sisimulan.

Hindi naman ako die hard fan ni Kiko. Pero bilib ako sa galling niyang niyang sumulat, talento at prinsipyo sa buhay.

Ang tanging encounter ko lang yata kay Francis eh nung ginamit ko ‘yung kanta niya niyang Kabataan Para Sa Kinabukasan (Ito ang Gusto Ko!) nung tumakbo ako bilang SK Chairman sa barangay namin. Inspiring kasi ang kanta.

Natalo nga lang ako nun. Teka, walang kinalaman si Francis sa naging resulta ng eleksyon ha. Talo lang talaga ako!

Pero sa pagkamatay niya, parang sumama ang loob ko na hindi ko maintindihan. Mabigat. (Parang ngayon habang sinusulat ko to)

Lahat naman darating sa dulo. Kahit pisi o lubid may dulo. Kahit ang isang makapal na makapal at hard bounded na libro, may huling page pa rin. Everything must come into its end, sabi nga natin.



Pero sana nakausap ko man lang si Francis, kahit sandali lang ba. Sana nagkaroon ng pagkakataon na nakasalubong ko siya sa Megamall, o kaya eh nakita ko siya habang kumukuha ng litrato sa Quiapo.

Kung nangyari yun, yayayain ko siyang magyosi. Kung hindi man siya nagyo-yosi, kahit soft drinks lang at kwek-kwek, basta nanduon lang ‘yung pagkakataong masabi ko sa kaniya kung ano yung gusto kong sabihin.

Gusto ko kasing iparating sa kaniya na huwag muna siyang bibigay. Be strong. Kung gaano katapang at katatag yung mga kanta niya, dapat ganun din siya sa labang kinakaharap niya. Na kahit may leukemia siya, nanduon yung paniniwalang mabubuhay pa siya ng matagal.

Singko tamang piso, pero kung nagkataon, walang dudang marami pa siyang magagawang kanta, marami pang rapper wannabes ang mabubuhay sa pangarap nilang maging isang Francis Magalona baling araw.

At dahil magkakaroon pa siya ng pagkakataong sumipat sa kaniyang camera, marami pang magagandang eksena ang makikita ng kaniyang snake eyes.

Gayunman, lahat naman yata ng gusto kong sabihin eh may ibang nagparating naman sa kaniya. Iyun nga lang, di natin talaga hawak ang panahon.

Pero sana hindi muna nangyari...

Bakit nga ba mabigat ang loob ko? Habang hindi kasi namin masyadong pinag-uusapan sa bahay ang nangyari kay Francis Magalona, may nagtanong sa pamilya namin…“ano ba talaga ‘yung sakit ko?”



®

14 comments:

eMPi said...

KIKO is very talented... Ngayon ko lang nalaman yan... ang alam ko kasi rapper lang siya... pero noong nakita ko mga contribution niya... wow! napahanga ako... lalo na sa photography... grabe! ang galing niya pala... I salute him!


Condolence to his Family!

Kosa said...

tama ka dya pareko, lahat ng bagay dumarating yung hangganan...

lets just be happy for him nalang... ganun din dun sa mga taong mahal nya sa buhay...
kung ako ang kapamilya ni FM, hindi ko kayang makita syang naghihirap ng matagal pa.. kaya (sa aking simple at payak na pananaw) ok na din yun... sabi kase nila, Leukemia ang isa sa mga sakit na mahirap labanan..
Dont get me wrong.. pananaw ko lang yun..

teka, di ko maintindihan yung pinakahuli mong sinabi...

gillboard said...

magandang parangal kay kiko ito...

pero matanong ko lang, may sakit ka nga ba?

Dhianz said...

... yeah ganonz tlgah ang buhay... pana-panahon lang.. and any second could be our last... kaya nga madalas na kasabihan.. at sobrang cliche nah eh live ur life to d' fullest.. and live everyday as if it ur last... we are so blessed na magising pa tayo every morning... itz a miracle and God's gift for us... kaya we should always be thankful about it... funny we all know dat... pero nde naman naten ma-apply all d' time.. syempre tao lang.. may emosyon.. nagiging emo sa mga bagay bagay... nde maiwasan mamublema sa mga problema... hayz.. pero kahit ganonz... letz all try to use d' time dat we still have wisely... like sa pagiging blessing sa ibang tao... sometimes kc we are so selfish.. all we think about is us us us... parang ganonz... pinariringgan koh lang sarili koh.. wehe.. eniweiz ano bah point koh.. basta pahalagaan moh lang bawat oras na meron kah... try to do d' things dat u wanna do while u still have d' opportunity to do it... and may mga times na magiging roller coaster ang buhay moh pero you'll be fine.. God has you in d' palm of His hand... and hmmnnzz.. may sakit kah?.. hope 'ur feelin' ok kuya Mulong... btw cigarette is dangerous for ur health.. advice lang kuya =).. ingatz lagi.. Godbless! -di

Unknown said...

hay, nasa bus ako nung malaman ko to. sa wowowee ko pa napanuod. nagulatnga ko sa balita eh.
pero isa lang nman ang tanong ko.

bakit kung kelan siya namatay tska naisip ng mga tao(kasama na ako) na isa siyang rapper na dapat tularan ng iba, ung pagiging makabayan niya. yung mga nagawa niya sa ating bansa. ganun ba tlga? kung kelan ka namatay? tska ito lhat maiisip ng mga tao?(kasama na ako.)

Amorgatory said...

yup indeed hes a good photographer pare astig ung mga pix at nanalow na din sya sa camera club contests weee!! pare daan lang akow sobrang pagoski ahuhu

PaJAY said...

medyo catchy yung huling linya pareng mulong..paki explain nga....haha..

Tagay na lang para kay pareng KIko!...may he rest in peace..

poging (ilo)CANO said...
This comment has been removed by the author.
admin said...

He will be missed...salamat sa post mo...

Anonymous said...

hehe! ako mulong i personally met kiko sa isang event na inorganize at co-produced ng tito ko... alam mo ba ung AWIT AWARDS? hehe tito ko kc ang co-producer nun eh... ayun wala lng... na meet ko c francis m sa dressing room ng camp aguinaldo, dun kc ginagawa un. (hindi ako artista ha? pinapasok kc kmi ng tito ko para makita nmin mga artista dun and francis M is one of them.) ayun, mabait sha, makulit, palatawa sa mga tao sa loob nun. sayang tlga c kiko, BIG LOSS TO THE MUSIC INDUSTRY...

Anonymous said...

♥♥ kiko.. kht wla kna.. nand2 kpa rn sa puso nmin.. ♥♥

♥♥ hndi ka nmin kakalimutan ♥♥
♥♥ we love you francis m.. ♥♥

♥♥ sana masaya ka kung saan ka man naroroon .. ♥♥

Anonymous said...

nakakalungkot yung huli mong sinabi..."ano ba talaga ang sakit ko?" kasi natanong ko na rin yan sa sarili ko two years ago bago ako mapadpad dito sa Canada...

ako man nalungkot nung nabalitaan ko pagkawala ni kiko feeling ko nawalan ako ng isang kaibigan...feeling ko lang.

hey skulmeyt! kumusta ka na? ako? la pa ring balita lol!

Anonymous said...

i hope ull be okay...

Unknown said...

pero maganda na rin ang naging ending...

sulit ang buhay niya..