Thursday, March 19, 2009

Sintomas

Hindi ko inakala na maaapektuhan ang Pinas ng global financial crisis. Sabi ko, ano ba naman ang yaman ng bayan kong mahal para tamaan ng pandaigdigang problema?

Lalo naman ang pamilya namin! Mas malaking tanong siguro na ano ba naman ang mapapala ng financial crisis sa mga anak pawis na tulad namin na wala namang pinansyal?

Hindi ko lang pala pinapansin, nandiyan lang sila sa tabi-tabi na kung mga ahas eh natuklaw na ‘ko. Hanggang sa hindi na sila nakatiis, nagparamdam na sa akin ang mga senyales na nagsisilbing sintomas sa sakit na noon ko pa pala nararamdaman.

Katatapos ko lang ng masaganang hapunan kasama ang isang pinggang kanin at ilang pirasong alimasag ng makaramdam ng uhaw. Pagsasalin ko sa baso, wala na palang tubig na malamig ang pitsel. Tunaw na din ang yelo.

Tumayo at pumunta ako sa ref para punan sana ang naubos na pamatid uhaw. Pero pagbukas ko ng ref, para akong kinausap nito.


“Kuya alam mo namang matagal na kong hindi sinasaksak, Kung nakalimutan mo na, noong isang buwan pa. Ni hindi na nga ako nilalagyan ng bote ng tubig kahit wala naman akong magagawa para palamigin iyun. Bumabaho lang daw kasi.

“Iyan lang ilang pirasong bote ng gamot ang nananatiling naninirahan dito. Para nga silang nakatira sa mansion kasi ang laki ng tinutuluyan nila gayung wala naman silang kasama. Synonymous ba ang ref sa medicine cabinet?

“Isa na lang po ba akong display? Kung nakakasikip na po ako dito, bahala na po kayo kung gusto ninyo akong dispatsahin,” parang sinabi ng kawawang ref sa akin.

Haaay ano pa ba magagawa ko? Edi ayun bagsak ako ng gri-pure water!

Matapos kumain at maghugas ng pinggan, kailangan kong mag sipilyo ng ngipin kahit na minsan eh kinakatamaran ko itong gawin. Sarap kasing namnamin ng lasa ng ulam sa yosi. Pero kailangan talaga, baka kasi may makausap akong mahalagang tao at tanungin ako kung saan nakakabili ng sea food flavored breath freshener.


Pagtingin ko sa toothpaste, hindi ko agad nalagyan ang aking toothbrush at sa halip ay tinitigan munang mabuti ang sachet na malapit na ring maubos ang laman.

“Salamat po sa pagtangkilik ninyo sa amin. IIlan na lang po kayng loyal customers na tumatangkilik sa tipid toothpaste na tulad namin!” dialogue niya yan na humagip sa utak ko!

Matapos ang lahat ng paghahanda bago ako pumasok sa trabaho, kukuha sana ako ng pamasahe sa wallet. Pero wala palang laman at sa halip ay nasa bulsa lang ng pantalon ang bebentehing natitira sa budget.


Mistulang naluluha naman ang litrato ko sa wallet na tila naging spokesperson ng wallet mismo. Sabi ng litrato;

“Gusto ko lang ipaalam sa iyo na ang wallet mo ay hindi isang pampa-kapal lang ng bulsa sa likod ng pantalon. Alam kong paborito mo ang three folds wallet, pero iparamdam mo naman dito na siya ay lalagyan ng pera.

“Pati ATM mo na lagi kong kaututang dila dito nagrereklamo din. Hindi daw siya daanan lang ng sweldo mo, pwede daw siyang iwan ng laman para meron kang savings!”

Haaay, hindi ko pala ramdam ang sintoman ng krisis…RAMDAM NA RAMDAM!


®

25 comments:

Anonymous said...

ang tinatawag nating global financial crisis or credit crunch ay isang problema na pakana ng mga amerikanong walng ginawa kundi mangutang para sa kanilang bahay, sa UK ganyan din daw ang problema...mga "baby boomers" ata yun...nagkaroon tuloy ng panggipit ang ilang financial institution sa mga kompanyang nakasandig sa kanila...haayss buhay nga naman ohh...

...ang sabi nila solusyon daw ay ang paggastos ng mamamayan...mas maraming gagastos mas maraming perang iikot sa sirkulasyon...kaso sinu naman bang tanga ang gagastos pa kung gipit na...aheks...

...tsk tsk...kawawang ref, kawawang toothpaste...kawawang wallet... ahehehe... takte ganyan din pala ang kalagayan ko ngayon... ahahaha...damay damay pala yan.... :D

gillboard said...

ok lang yan... di ka nag-iisa!!! nararamdaman ko din yan.. malungkot, pero isipin mo na lang at least may aabangan ka pa ring sahod tuwing araw ng sweldo... di gaya ng ibang tao na nabibiktima ng pagbabawas ng mga kumpanya.

p0kw4ng said...

mga ilang pwedeng gawin sa ref pag hindi na ginagamit:

*lalagyan ng sapatos...
*taguan pag may dumadating na maniningil...
*pantakip sa mga dingding na may butas...
*lalagyan ng damit...
*at yung iba eh sinasaliksik ko pa!hihihi

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

hayss pati din d2 sa london maraming affected sa credit crunch
sa awa ng dyos my kinakain pa naman kami kahit hinde puno ang fridge namin ^

Kosa said...

Hindi ko sasabihin kung anung gagawin mo parekoy...

pero ito lang ang masasabi ko, andito ako gipit din..
pero kayang kaya natin yan!
ikaw pa!
sabi mo walang diskarte..
pero imposible naman yun!
tumingin ka nga sa pinanggalingan mo.. tapos magbilang ka ng blessing na dumating sa buhay mo.. dun pa lang maiisip mo na ayus na ayus pa rin!
basta yakang yaka yun!

abe mulong caracas said...

SUPERGULAMAN...patay tayo dyan, lumalim na lalo ang usapan. buti n alang bumawi sa huli na pareho lang pala kami!

GILLBOARD...yun na nga lang ang pambawi. minsan nga hahangaan mo yung taong walang trabaho kung paano sila nakakalusot sa hirap ng buhay!

POKWANG...pwede ring patungan ng photo frame o kaya eh flower base tapos ilagay sa corner ng bahay! ang pangit hehehe

abe mulong caracas said...

KIIKAY...wow sosyal naman ng comment galing london...credit crunch...at fridge hehe!

KOSA...salamat!

eMPi said...

Ramdam na ramdam nga... tsk tsk tsk... yaan mo parekoy makakaraos din tayong lahat... sa ngayon, ngiti ngiti na lang muna para di makalbo... lolz

2ngaw said...

Nasa diskarte mo na yan pre kung paano ka hindi maaapektuhan ng global crisis...di ka nman nag eexport sa US eh, di ka naman katulad ng Intel, o ng Fujitsi...May work ka pa nman dba? may sweldo ka pa? pero ung iba wala na...

Hindi lahat apektado, kaya wag nating idahilan ang Global Crisis...

Seryoso yan pre lolzzz, Inom ka kasi ng inom!!! parang ako!!! Itigil na natin ang pag inom lolzz

Anonymous said...

MARCOPOLO...yun lang! wish ko talagang wag munang makalbo at kung nakukuha lang talaga sa nagiti malamang makapal na ang buhok ko hehehe

LORD...itigil ang bisyo! mukang hindi nga global financial crisis. maliit lang talaga ang sweldo ko!

Dhianz said...

...naaaliw naman akoh sau kuya mulong... nde koh alam kung dapat akoh makiramay sa global crisis at dahil naapektuhan ang buhay moh nitoh... or matawa kc kahit hirap nang buhay eh nagagawan moh pa nang conversation ang mga itoh... hayz may sense bah sinasabi koh... eniweiz kuya you'll be fine... ahh utang ka na lang kay kuya ronz (ronturon) or kay joshang josha (joshmarie) yamin mga yan.. lolz... humirit lang.. ingatz lagi kuya... salamat dahil sa mga post nyah eh napapa-smile nyoh akoh... ingatz! =)

A-Z-3-L said...

Kuya, maganda pa ang wallet mo. Huwag mo sanang maisipang ibenta ito. Mukhang mamahalin kase. hehehehe...

Lahat tayo ramdam natin ang krisis. Pasalamat na lang tayo kahit paano may sweldo tayong nakukuha every month... Kung anong meron, pagsaluhan nyo at ipagpasalamat.

Hamo't makakabangon din tayo. lilipas din ang krisis na to. Huwag mong masyadong buksan ang pinto, dahil baka maging regular visitor mo na... hehehehe...

ISMAYL Kuya... baka ung killer ismayl mo ang magpapayaman sayo... ahihihihi!

Anonymous said...

Mabuti na lang, di pa ko nag-hhallucinate dala ng krisis na yan.

Ayokong makarinig ng nagsasalitang ref, pitaka at toothpaste. Parang awa.

Amorgatory said...

matulog nalang forever para di na maramdaman ang krisis, look at me ,nangangayat na sa wlang kain hahaha..lolness..kaya yan parekoy!! buti kapa may happy akow nga asin na nga lang ttbrush kow eh!

Unknown said...

kahit dati naman, ganyan na din..

yung ref namin may amag na...

yung toothpaste kulang na lang lagyan ng tubig uli tapos gagamitin parang shampoo...

tsk...

pero masaya pa rin naman dito sa Pinas...

kahit walang pera, masaya...

Anonymous said...

lol. totoo yan. parang pareho ang post natin a.

pera. pera. puro nalang pera!!! tsk. problema talaga yan.

nagkakabuhay bigla ang mga gamit mo a. parang night at da museum lol.

Anonymous said...

DHIANZ...sige tawa lang tawa sa buhay, iyun lang ang gamot sa sintomas na ito dahil ayoko nang umutang, hanggang leeg na ang utang ko ayokong mataasan pa ko ng utang hehe!

AZEL...200+ lang yan hulugan pa, parang tela ng maong yan na kulang mosk green (mali spelling ng mosk). muka lang talagang mamahalin!

DYLAN...hindi ako nagha-hallucinate...totoong may sariling buhay sila!

Anonymous said...

AMOR...ayoko pang matulog forever hehehe! kapag naubos na ang toothpaste sabon ang gamit ko para may bula pa rin, ayoko ng asin!

DOTEP...yun na lang ang konswelo parekoy...masaya sa pinas!

PILAR...ang sabi nga dodong cruz: oh ang tao pag walang peray napapraning...di alam ang gagawin...

haaay buti pera may tao ang tao walang pera!

Anonymous said...

ramdam na "ramdam ang kaunlaran" ano? ehehe..ganyan din sa bahay..kung dati eh laging puno ang ref eh mabubuwisit ka pag bubuksan mo..puro yelo..hays, sarap talaga ng buhay sa pinas.. :|

onatdonuts said...

naalala mo yung lagi mong sinasabi sa amin nila cecil nuon?

"naku wala ka na ngang pera, ipapahalata mo pa... nasa pagdadala lang yan." hahaha

si ate nga diba kuya mulong, may karapatang magsabi ng WAH WAS THAT? kahit hindi naman bagay...tayo pa kaya? hahaha

RJ said...

Ang kwentong ito ay isa lamang sa mga napakamaraming kwento ng mga Pilipinong matagal nang naaapektuhan ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya. Buti nga sa kwentong ito may ref, toothpaste, at wallet pa. Sa ibang mga kwento ng buhay, wala na ang tatlong bagay na ito.

tsariba said...

ay ;p global financial crisis, para siyang pneumonia, nung nagkasakit ang US ng ganito halos karamihan ng bansa nahawa. eh wala silang magawa hindi sila well-equipped para hindi tablan ng salit. gaya ng pagpapasa ng sakit na ito sa ibang bansa ipinasa/isinalin din ni Bush kay Obama ang problema na siya namang nagbigay ng kasagutan sa krisis sa pamamagitan ng Stimulus Package.

eh ang tanong kanino bang ref ang siyang lubos na makikinabang? US syempre, mabuti kung may mahita talaga ang mga developing nations tulad ng Pinas..

try mo lagay yung toothpaste at tutbrush sa mansyown wahehehe este sa ref ang sarap itutbrush makakalimutan ang global crisis

;p

The Pope said...

Sa isang krisis na pinagdadaanan natin, bumibigat lalo ang suliranin kung hahanapin natin lagi ang kulang sa buhay natin, sabi nga sa post ni LordCM, huwag mong hanapin ang wala sa iyo, sa halip tignan mo kung ano ang meron ka.

Meron kang ref, ang iba wala;
Meron kang toothbrush, ang iba wala;
Meron kang 3-Fold wallet, ang iba wala;
At meron kang blog at may nagko-comment pa;
ANG IBA WALA

Purihin ka kaibigan.

abe mulong caracas said...

PUGADMAYA...bukas makalawa nga bro...cooler na styro na lang ang gagamitin namin hehehe

ONATS...oo nga pala ano? prinsipyo nga pala natin yun. bakit ba naisulat ko? erase erase madami pala akong pera lols!

RJ...words of wisdom from doc. reklamador lang siguro ako, pero mas mahirap yata kung di na ko
nagrereklamo di ba?

TSARIBA...nose bleed na sana eh, pinalagay lang yung toothpaste at toothbrush sa mansion!

THE POPE...yun ang panalo! at ang nagdala yung nag comment hehehe

Anonymous said...

ako rin damang-dama ko :(

kulang na lang ay itago ko sa lumang wallet ang natitira kong $10 para umabot pa kinabukasan. ang mahal ng pagkain at pamasahe... slice ng melon na nga lang ang madalas na pantawid-gutom ko. kaya lang ang mahal pa rin. isang slice = SG$1.20 o tumataginting na P37... nampating!