Nakakatamad basahin ang post na ito. Sa porma pa lang eh, tingnan mo, wala man lang litrato na sa tingin ko eh pampaakit sana sa ano mang article. Hindi mo din ito makitaan ng indention na isa sa mga unang itinuturo sa pagsusulat ng pangangusap noong elementary pa lang. Dapat din sana, sa tuwing mapuputol ang mga diwa ng pangungusap o mga pangungusap ay pinaghihiwalay ito upang tawagin talata. Pero wala naman tayong makitang naghihiwalay sa mga diwa at sa halip ay nagmukha tuloy itong isang mahabang-mahabang talata. Kaya tuloy sa unang tingin pa lang eh parang napaka boring nang basahin. Hindi ka man lang malibugan ba sa porma pa lang ng pagkakapresinta. Bakit ka nga naman gaganahang basahin? Ito yung tipong sa halip na pagtuunan mo ng oras para basahin eh hindi na lang tapos mapapalitanya ka ng “magyoyosi na nga lang ako” o kaya eh “pakikinggan ko na lang ang mas mataas na version ng kantang Halik ng Aegis” kahit alam mo namang hindi ito magandang pakinggan. Kung baga sa pagkain naman, mistulang kumakain ka ng monay na walang palaman habang ang ka partner eh tubig na malamig na nakalagay sa plastic na baso, yun bang nilalagyan ng palamig na binebenta sa kanto. Pero baso lang ang katulad ha, take note, tubig na malamig lang ang laman. Langya tigang na tigang na sa flavor, maputlang maputla pa ang kulay. Ganun ang miryendang hindi mo na nanaisin pang muling ihain. Pwede mo ring ihambing ito sa chewing gum na walang flavor. Alam mo ba ang lasa nun? Isipin mo ang lang ang bazooka bubble gum, yung pink…pero hindi yung bagong bili ha, kundi yung mga isang oras nang nginangata. Gugustuhin mo pa bang nguyain ang ganuon katabang na bubble gum kahit ba sabihin nakabalot pa ito? Ano naman ang mapapala mo duon? Dahil alam mo namang walang lasa natural naman na hindi mo na lang pagta-tyagaang panga mo diba? Kung ito ay eksena sa pelikula, paano mo ito ilalarawan. Kung ako ang tatanungin, kahit ako pa ang nagsulat nito, para naman siyang isang eksena sa court room habang nagbabalitaktakan at nagpapataasan ng ihi sa padamihan ng alam na batas ang mga abogado. Hindi nga nila binabanggit ang katagang “it is written in the Constitution that” dahil nga mali daw iyun. Ang dating kasi nuon, isang papel lang talaga ang ating Saligang Batas. Sa halip ang ginagamit ng mga bida sa loob ng korte eh…it is provided for the in the Constitution that ek ek...Minsan ok ang debate sa korte ala The Firm, The Pelican Brief or The Rainmaker. Intellectually stimulating daw. Pero wag naman mula umpisa hanggang huli eh sa courtroom ang eksena. Kakaumay na yun parang itong binabasa mo. At dahil nababato ka nga sa pagbasa nito eh magko-comment ka lang ng general in nature, yun bang parang generic, walang mali para naman hindi halatang hindi mo binasa. Wala namang masama dun eh kasi ang tanong ko nga sa umpisa pa lang eh kung tatagal ka ba. Hula ko nga kaya inumpisahan mo ‘tong basahin akala mo bastos ano!? Na trap ba kita? Hehehe! O teka lang wag ka nang bumitiw, kapiraso na lang o tignan mo. Ngayon ka pa ba hihinto sa pagbasa? Isipin mo na lang na baka may importante at makabuluhan pala akong sasabihin sa huli na kailangang abangan. Kung baga, ito na ang climax kahit hindi naman ka climax-climax ang dating. Ni hindi nga nag wet di ba? Pero napansin mo ba na iba ang kulay ng font na ginamit ko? Unang beses ko lang ginawa yan sa isang buong post. Kunswelo de bobs na ‘yan kumbaga. Maliban dyan hmmmmm, wala ka na yatang mahihita sa binasa mo. Boring ano? Naksnaman natagalan mo!? Ibang klase ka rin ano? Tyaga mo tsong!
®
14 comments:
Oo. Natagalan ko. Wala ako ginagawa sa opisina... Sa tingin ko ganun ka rin.... hahahaha
Sa tingin ko po may nabasa kang mga blogs, bago mo ginawa ito, na ang hahaba ng mga talata. Huhmn! o",)
Nakapagtataka, ni wala ngang isang segundo ang pagpindot ng 'ENTER' sa keyboard. Siguro hindi nagbabago ang diwa ng buong napakahabang talata nilang 'yon. Hahaha!
GILLBOARD...posible o kaya naman ako yung bored na ko sa ginagawa ko hehehe kaya nanghahawa lang!
RJ...oooops not pertaining to any body ha! lols
Ano ba yan?!!!simple simple magtatanong kung tatagal ka ba...
Eh inulit ko pa nga eh lolzz
Pero brod naalala ko ung bazooka sa tindahan ah...putek ang hirap nguyain pag matagal na tapos wala pang lasa :D ...
Nag wet ako dun ah...tulo luha ko tapos sakit pa ng mata ko sa haba ng post mo lolzz
Next time habaan mo pa ah?!!!
grabe... dere-derecho...kung naging katawan lang to...hindi siya sexy... hehehe...
bored ka noh?
pero tumagal naman ako... hehehe!!!
LORDCM...akalain mong nagwet ka pa? saan ba sa bazooka ba? kailangan talagang i wet yung tapos isawsaw sa asukal para magkalasa hehe
MARCOPOLO...oo nga kung katawan ito ang pangit kahit saang anggulo, walang kakorte korte!
pero hinahangaan kita kung tumagal ka!
hindi ako tumagal..paalis na kasi oke eh!
ang haba naman ng talata mo parang north expressway....
tagay na lang tayo..lolz..
basta na nababasa at may nagbabasa...
wala namang masama kung labagin lahat ng indention chuva kasi wala naman na tayong mga teacher ngayun na susulatan ng pulang bolpen ang mga pagkakamali...
kuya Abe, sa tingin ko nasa writer un. kung alam mong magaling ang writer.. kahit makita mong boring pa ang umpisa o isang napakahabang paragraph lang... hahanap-hanapin mo ung thought ng sinulat nya dahil alam mong may mapupulot ka.
kung hindi ka kilala ng maliligaw sa page mo malamang hindi nga babasahin to. pero dahil naniniwala akong mapapangiti mo ako.. ayun na! may climax at "labasan" pang nagpahalakhak saken! isama mo pa ang bubblegum na nginata for hours.. at tubig sa plastic cups!
nakatagal naman ako hanggang katapusan. wala nga lang ako masyadong naintindihan. bakit? kasi malabnaw utak ko ngaun habang binasa at tinatype ko tong komentong toh, pangalawa, hindi ako fan ng bazooka or ng kahit anong bubble gum..pangatlo, tinatamad ako ngayong araw na toh, pang apat, inip na inip na ko. panglima, naiinis ako. pang anim... wala na akong maisip...
pero, nakatagal ako... dalawang beses ko pa sya inulit in the hope na may maiintindihan ako pero talagang wala eh. sadyang walang laman ang utak ko ngayon pang intindi or talgang walang maiintindihan sa entry mo ngayon? alin sa dalawa? pupusta ako nasa una ang kasagutan. at kung bakit prang pahaba ng pahaba tong komento na toh eh wala naman kawenta-wenta ang pinagsasabi ko? at bakit patuloy mo pa ring binabasa toh? may prblema ka rin siguro sa utak gaya ko..
hahahahaha
babushki!
natagalan ko naman.. :)
Sa tingin ko maikli pa nga to..
Nakalimutan mo atang ginamit mo na ang kulay na 'to sa previous post mo, hayun woh.
Na-bore nga ako sa The Firm, Yung Bird Brief okay naman.. Pero yung Rainmaker di kopa napanood.. nabasa ko lang.
Ang hindi ko lang natagalan sa buong post na 'to ay yung pagnguya sa nanguya nang bubble gum! YUCKNESS!
Nihahanap ko yung climax.
POGING ILOCANO...kaw yung nasa middle part ng post pare hehehe. Nag comment kasi hindi binasa pero at least sinabi mong hindi ka tumagal. llols!
DOTEP...naks yan si si dotep. oo nga buti na lang walang teacher. sigurado bagsak ako sa writing.
AZEL...sobra na to. laki ng tiwala mong may mapupulot ka at matatawa ka ha! salamat po!
YANAH...mukang binasa mo nga at naniniwala akong dalawang beses. at sa tingin ko, nahawa ka sa isinulat ko, pilit nilalagyan ng direksyon ang sinasabi pero ayaw talaga nyahaha!
JOSHMARIE...welcome back! mending a broken heart? nyahaha!
DYLAN...yan ang babanat, naiklian pa sa post. At pareho pala tayong john grisham fan...wow lufeeet, pero ako feeling matalino lang hehehe
Post a Comment