Maliit pa lang ako, mataas na ang tingin sa akin ng mga kapitbahay namin. Akala nila matalino ako. Grade one pa lang kasi honor nako. Kaya ayun, kinalakihan ko na yung paniniwala nilang yun.
Swerte nga daw ng ermat ko dahil ang dalas nitong maka-akyat sa stage noon.
Lalo na nung High School, ako lang kasi sa mga ka-edaran ko ang nasa first section tapos nung fourth year, naging student council president ako. Ang mga nakalaban ko pa kamo nuon, mga anak at apo ng kung sinu-anong opisyal ng paaralan.

Mas lalo na nung gradutation kasi anim ba naman ang medal ko! Nalaglag pa ko sa top 10 niyan ha. Medal is always a medal, sabi nga. Malay ba nila na ang mga medal palang iyun eh katas lang kae-epal ko sa mga extra curricular activities! Astig pa rin ako sa tingin nila.
Lupet ng pressure, parang di ako pwedeng magkamali kasi nga ang akala nila eh matalino ako.
Nung sa kolehiyo, kumuha ako ng kurso na sa tingin ng marami eh hindi pangkaraniwang kinukuha ng mga taga sa amin. At nung nagka-trabaho na, hindi rin pangkaraniwan ang kinalabasan. Malalaking tao kasi ang mga nakakasalamuha ko sa trabaho. Wala lang talaga akong hilig magpakuha ng litrato sa kanila.
Hanggang ngayon, akala pa rin nila matalino ako. Kailan kaya mawawala ang akala nilang ‘yun?
Mali kasi ang akala nila.
Sabi ko nga, akala nila matalino ako. Hindi nila alam, totoong matalino ako!
WELCOME ULIT ANG VIOLENT REACTIONS NYAHAHA!
naks®







