Saturday, November 1, 2008

Panoorin Mo...Sige Na

Isang araw noong 1995, kasama ko ang mga barkada (HUBAD) sa kolehiyo nang manood kami ng sine sa SM. Centerpoint. Kami yung parang mga critic sa klase,. Kapag sinabi naming pangit ang pelikula, pangit talaga at kapag sinabi naman naming maganda, pinapanood din ng mga kaklase namin.

Mga kupal kaming tropa. Isipin mo na lang, kami yung mga maiingay na matatalino (naks kapal) pero hindi umaasa sa libro. Hindi kami lumalaban sa mga quiz bee, pero kami yung nananalo sa debate o kaya journalism contest.


The Cure ang pamagat ng pelikulang pinanood namin kung saan bida si Brad Renfro at Joseph Mazzello. Wala naman kaming idea sa pelikula, siguro nagadanhan lang kami sa poster o kaya wala lang kaming mapili.

Pagpasok pa lang, ang ingay na namin. Iniisip siguro ng konting tao sa loob na baka naligaw lang kami, na baka perya ang dapat na punta namin pero napasok kami ng sinehan.

Sa simula, habang nanonood tuloy ang ingay na para bang inarkila namin ang sinehan. Nasa isang hilera lang kami at konti lang naman din ang tao kaya siguro deadma lang sila sa gulo namin.

Habang tumatagal, unti unti na rin kaming natahimik, Naagaw na siguro ng pelikula yung kaniya kaniya naming atensyon. Paminsan minsan may umeepal pero sandaling agaw atensyon lang.

Ang di ko inasahan, dumating yung puntong wala talagang umiimik. Nasa dulo ako ng linya sa kanang bahagi. Wala naman akong katabi sa right side ko kaya nakahilig ang ulo ko. Pero ang trick nun sinisimplehan kong punasan yung luha ko.

Eh merong isang di nakatiis, (si Don Angelo yata) at nagsalita na. Sabi niya, “huuu naiiyak na talaga ko.” Nabasag ang katahimikan ng bawat isa at nun palang kami nakahinga ng maluwag dahil lahat pala kami eh pinipigilan yung mga luha. Ang bigat sa dibdib nun!

Ang pelikulang The Cure ay tungkol sa dalawang bata na magkaiba pero naging magkaibigan. Si Erik yung parang bosing o siga na medyo di pala kaibigan sa ibang bata. Si Dexter yung parang mahina na nakulong ng karamdaman yung pagiging bata.

May aids si Dexter na nakuha niya sa blood transfusion.

Magkaibang pagkatao pero nagkapalagayan ng loob hanggang nabuo ang malalim na pagkakaibigan. Sa kanilang kainosentehan, at sa pagpupursigi ni Dexter, pinilit nilang hanapan ng lunas yung sakit ni Erik.


Para bang ubo lang na sinubukan nila kahit yung pinakuluang mga dahun-dahon.

Minsang nakasama kay Dexter yung pinainom ni Erik. Pero di sila sumuko at naglakbay patungo sanang New Orleans para hanapin ang doktor na sinasabing naka diskubre ng isang gamut laban sa aids.

Kahit di pa nila nakikita ang doktor, nagdesisyun si Erik na ibalik si Dexter sa Mama niya dahil tila nanghihina na ito.

Maging sa ospital pinilit nilang maging masaya at naglalaro kahit alam nilang malapit na ang wakas.

At ang kwento ng mahiwagang sapatos...

After 13 years, napanood ko ulit yung pelikula. Kung sino man si thoj77 na nag-post ng buong pelikula sa youtube salamat na lang iyo (WALA NA KASI MABILI NITO AT WALA RIN MA DOWNLOAD). Matapos ang maraming taon, hindi ko inakala na maiiyak ulit ako hehehe. Mabigat pa rin sa dibdib whew!

Boring ang pagkakasulat ko nito pero panuorin mo. It makes a lot of sense peksman!


®

Thursday, October 30, 2008

Pang Mahirap

Sa tingin mo ba, napaka-discriminating description yung salitang “mukhang mahirap”? Kung ako ang tatanungin mo, oo ang sagot ko. Lalo na iyung hindi naman talaga kilala ng personal yung pagsasabihan nun.

Minsan kasi gawain ko din yun. Madalas nga yata eh hehe.

Sa trabaho nga, minsan may follow up kami, tinanong ako ng kasamahan ko, “saan nga nakaburol yung nabaril sa payatas?” Ang sagot ko: siguradong hindi sa Funeraria Paz,, malamang sa bahay lang kasi mukang mahirap eh.

Gago ko talaga! Pero tumatawa naman sila.

Yung mga holdaper nga pag nakita sa TV, hindi maikakailang holdaper talag diba kasi mga mukhang mahirap.

Ang sa akin naman eh siste lang. Pampa-anghang lang ba sa buhay na mapait ang lasa.

Pero kanina nang tignan ko yung sarli ko, naisip ko, isa pala ko sa kanila.

Mahilig kasi akong bumili ng mga ja-fake o mumurahing gamit lalo na ng sapatos at pantalon. Pero sa totoo lang, yun lang naman talaga ang kaya budget ko. May logic din naman dun, paniwala ko kasi nasa nagdadala lang yan.


Ilang buwan ko na ring ginagamit yung peke kong vans, yung walang sintas. Wala pa nga akong nakikitang original na katulad ng sa akin na parang balat yata ng uwang-buko ang design kaya ang pagkakaalam ko hindi siya imitation. Sa halagang 300, meron na kong pamorma.

Nauso na yung ganuong style 1980’s yata. May pinsan ako noon na galing Saudi, at siya lang ang may ganun sa amin kaya para siyang artista. Ang design ng kaniya, yung pula at itim na kwadra-kwadrado na pwede nang paglaruan ng chess.

Ngayong in na naman nga ang Vans, di ako nagdalawang isip na bumili…ng fake.


Isa pa, alam mo ba yung mga pantalong checkered? Iyan yung kadalasang sinusuot ng mga artista ngayon. Nung una, kahit gustong gusto ko nang bumili, hindi ko makumbinsi ang sarili ko kasi alam kong mahirap dalhin. Hindi ko mapilit yung sarili ko na “nasa nagdadala lang yan!”

Isipin mo naman kasing naka ganun kang pantalon tapos sasakay ka sa jeep? Dyahe yata dahil dapat may sariling kotse kapag poporma ng ganun. Kung wala kasi at naglalakad o sumasakay lang ng jeep parang pormang mabaho.

Eh gustong gusto ko talaga lalo na nung naglipana na yung fake. 300 lang may tawad pa. Pagkakataon ko na tangina! Kulay muwebles yung nabili ko at pinarepair ko pa sa mananahi sa harap ng bahay namin para mas maiporma sa uso, yung medyo baston ng konti.

Palakasan na talaga ng loob (at pakapalan ng mukha). Pinag-partner ko yung sapatos at yung pantalon kanina . Kahit medyo di ako kumportable, ang sabi ko sa sarili ko, pakapalan na to ng mukha. Kaya ko yan!

Ang kinalabasan…lahat ng pamimintas ko, bumagsak sa akin…pormang mabaho at mukang mahirap (mahirap na nga sa totoong buhay, pinahalata ko pa!)

Ang baduy ko pala!


HAAAAY!®

Wednesday, October 29, 2008

Sa Magkabilang Dulo



Hindi ko sinasadyang nakalkal kanina lang ang blog ni Bananachoked. Cool yung layout and skin, sabi ko. Nang mga sandaling iyun, bagamat may jetlag pa, katabi ko naman si Sandra Aguinaldo habang nagsusulat.

Hindi ko alam kung anong meron sa blog na iyun nang biglang tumugtog yung kantang “Sa Magkabilang Dulo” ng Peryodiko. Unang pasok pa lang ng gitara at ng unang linya ng kanta, para bang may iihip sa batok mo hanggang kilabutan ka. (Pero hindi dahil sa nalilibugan ha!)

Biglang naalala ni Sandra ‘yung kanta tapos nasabi niya sa akin, “uy ginamit namin yung kantang yan ah sa isang episode ng I-Wit.” Dagdag pa niya, ang dami nga raw nagtatanong ng kantang iyun kahit sa youtube. Tinanong pa nga niya ko kung ‘yun daw bang kumanta ang siya ring sumulat ng titik nito.

Dalawang beses ko napanood yung episode na yun (ni-replay kasi maganda yung episode at pinanuod ko ulit) pero di ko rin alam kung sinu-sino ang miyembro ng peryodiko. Basta sa search ko sa multiply, isa si manongvin (pic sa itaas) sa miyembro ng Peryodiko. Pero isa lang ang sigurado ko, ang lupet ng kanta! Basahin mo yung lyrics.

Sa Magkabilang Dulo

Pano pipilitin na pigilan
Ang pangarap ng isang pusong nananabik
Na makita ang isang bagong umagang
Inaasahang makakamit
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa anumang kulay at anyo
Ang pag-ibig, ay pag-ibig
Ito’y mananaig
Mali ba o tama?…
Sa hangaring lumaya
Pikit matang tumatalon
Upang maiahon
Mga pangarap na tila nalunod na sa panahon
Sa kabilang dulo ng mundo
Naroroon kaya ang pangako
Ng pag-ibig?…pag-ibig…
Sa magkabilang dulo ng mundo
Sa anumang kulay at anyo
Ang pag-ibig, ay pag-ibig
Ito’y mananaig
Ito’y mananaig…


Tungkol sa mga Pilipinang nag-aasawa ng mga foreigner ang dokumentaryo ni Sandra kung saan ginamit yang kantang yan. Sila yung mga nga nagkaka-kilala (o umaasa?) sa chat para may makilala ng mga lalaking posibleng magdala sa kanila sa ibang bansa kahit hindi pa sila nagkikita ng personal.

Ipinakita rin doon nang umuwi yung dalawang foreigner at isinama yung dalawang Pinay sa Amerika kahit mabigat sa loob nila. Dramatic, peksman! Lalo na dun sa puntong kailangan nang umalis, iwanan ang pamilya at sumama sa lalaking iilang araw pa lang nakilala ng harapan.

Nang matapos nga yung episode, ang nasabi ko lang…“dalawang pamilya na naman ang nakaahon sa hirap dahil sa mga foreigner.” (di ko alam kung tama nga ba ang reaksyon ko. Baka naman nagmamahalan talaga sila diba at hindi dahil lang sa hirap ng buhay?)

NAKS!®

Teka, gusto mo bang marinig ‘yung kanta?

Saturday, October 25, 2008

Para Ka Palang Ako


Sabado na naman ng umaga (Sa blogspot biyernes pa). Pag ganitong araw at oras, parang ubos na lakas ko. Kung baga sa sex, after ilang round hilahod na!

Isang lingo na naman ng pakikipagsapalaran ang natapos. Mga ilang araw pa at susweldo na naman. Pero di ko makuhang matuwa kasi naman parang yung suswelduhin ko eh pang gastos lang para sa susunod na labinlimang araw.

Parang umiikot lang ba? Ang tawag ko nga sa ATM eh daanan ng sweldo. Buti na lang hindi pwede lumabas sa ATM machine yung less than 100. Baka kung nagkataon hindi ko pa sila pinatawad. Pang yosi din yun!

Sabi ko nga, natutuwa na lang ako sa trabaho ko kasi nakakatulong naman ako sa transport sector.

At dahil pang-gabi ako, maghapon ko na namang lilibangin ang sarili ko para di ako antukin. Kasi naman kapag natulog ako, sabihin na nating mga tanghaling tapat at nagising ako ng mga alas otso ng gabi, edi siyempre kakain ako. Kaso pagka-kain ko ano gagawin ko? Matutulog na naman?

Pag nag mahjong naman, kadalasan talo. Pagdating kasi ng hapon umiikot na paningin ko sa seven character, sablay na rin salat ko sa nine sticks.

Kaya ang nangyayari, pag may patay na oras, ang dami kong pinagmumuni-munihan. Ito yung mga pampaalis antok nga pero pag pumasok naman sa isip ko bigla na lang haaaaaaaaaay! (buntong hininga iyan)

Random thoughts kung baga ng mga nararanasan ko sa gabi. Kasi nga parang binaligtad na ang oras diba?


Iyung mga nagpupuyat dyan ng umaga, baka makasakay kayo!

- Ano na kaya ang itsura ng loob ng mall? Nasa gitna lang ako ng Gateway at Trinoma, pero ang pasok ko 11pm, sarado na ang mall, out naman ako ng 8am sarado pa ang mall)

- Hindi pa nga pala ko nakakarating ng MOA.

- May part three na pala ang High School Musical? Tungkol saan ang Eagle Eye? Nakakatuwa daw ang Mama Mia? Ang huli ko kasing napanood sa sine, Pirates of the Caribbean 2 sa maniwala ka at sa hindi!

- Minsan isang “night off” ko, ang sarap ng tulog ko pero naalimpungatan ako ng bandang madaling araw, bigla kong naisip…ang sarap talagang matulog ng madilim.

- Pagpasok ko naman after ng malinamnam na pahinga, hindi ako dumiretso sa opisina. Huminto ako sa isang lugar malapit sa isang bar. Tumutugtog nun ang isang banda ng Insensitive yata tapos biglang…tagal ko nang hindi nakakapasok ng bar.

- Isang madaling araw, mga bandang 2am yun, pumunta lang ako saglit sa 7-11 tapos bumili ng Siopao at Pineapple Juice. Nagyosi pagkatapos at pagbalik ko tinanong ako ng Senior ko kung saan ako galing, walang kagatol gatol, nasabi ko … “nag lunch lang!”


- At higit sa lahat, dahil wala nga akong gabi…tagal ko na palang tigang!

Naka-relate ka ba? Kawawa ka naman, deprived ka din pala!

NAKS!®

Thursday, October 23, 2008

Dating Kakilala?


Waaaaaaaaaah, matapos ang ilang makabuluhang kwento tungkol sa bagay bagay na nakaapekto sa pang araw-araw nating buhay at sa dinami dami ng tao sa mundo, may nakaisip na mag-iwan ng komento sa blog ko.

Eto ang malupet…na excite ako nyahaha!

Siguro nga bago pa lang ako sa blog kaya ganun. Hindi ko pa nga alam kung anu-ano yung mga che-che buletche dito. Ang dami ko pa ngang gusto siyasatin! Para bang naligaw lang ako dito kaya nangangapa pa ko ng direksyon.

Buklat nga lang ako ng buklat sa blog na iba. Meron naman nakaktuwang basahin at subaybayan, pero meron din namang…sori na lang….boring!

Merong maganda yung pabalat na kapag hinanap ko naman sa mga template na pwedeng pagpilian, di ko naman makita! Ano kaya yun personalized?

Isa sa interesting na nabasa ko yung Encounter ni David Edward. Di ko alam kung may kadugtong pa yun o kung may mangyayari pa ba matapos yung pagtatagpo na iyun. Pero ang gusto ko lang linawin sa sinulat ni David…WALANG TAONG DATING KAKILALA.

Matagal ko nang gustong magsulat ng maikling kwento tungkol sa mga taong dating kakilala. Nag-isip na ‘ko ng mga storylines, plot at posibleng ugali ng mga taong pagagalawin ko. Pero di natuloy.

Baka magtunog namimilosopo pa ko pero gusto ko lang itama yung maling tagalog na iyun.

Sa isang workshop nung college with Jun Lana ko unang nabanggit yung tungkol sa taong dating kakilala na wala naman. Sabi niya nun, sounds mysterious daw. (Sigurado namang hindi niya natatandaan yun eh) Pero ang totoo eh mababaw lang, sobrang babaw.

Sige use “dating kakila” in a sentence!


Naglalakad ka sa mala-paraisong isla ng Maldives nang maisipan mong lumusong sa dagat at lumangoy sabay sisid. Sa pagsisid mo, dahil alam mong malinaw ang tubig dagat ay dumilat ka. Subalit sa dinami dami ng tao at sa dinami dami ng lugar sa mundo ay nasalubong mo pagsisid ang dati mong kakilala. Kinabahan ka. At dahil kinabahan ka, kumaripas ka ng langoy ala Erebus. (Ewan ko naman kung bakit ka kinabahan).

Kilatisin mo ngang mabuti ang talata na yan? Gets mo ba?

Ganito yan. Kung dati mong kakilala ang isang tao, dapat sana hindi mo na siya makikilala. Pero dahil nakilala mo pa siya, hindi mo siya matatawag na dating kakilala kasi nga nakilala mo pa rin siya di ba? Kakilala mo pa rin ang taong sinasabi mong dating kakilala kaya hindi siya dating kakilala.
Sa dinami dami ulit ng tao sa mundo, meron kang kakilala, meron ding hindi kakilala pero walang dating kakilala.

Babaw! Iyun lang….Ang kuleeeeeeeeet!


NAKS!®

Tuesday, October 21, 2008

Beating The Deadline



Walangya, hindi ko inakala na magiging pressure pala ang blog.

Kasi naman eh, nagse-set ako ng araw at date kung kelan ako dapat magsulat. Tapos minsan nasa byahe pa lang ako nag-iisip na ‘ko kung tungkol san ang isusulat ko. Eh kaso yun nga ang isa sa pinaka mahirap…yung kung ano ang magiging subject eh.

Mas lalong pahirap pa yung pag-iisip. Kakapagod kaya yun!

Tapos kunyari may subject na, mag iisip naman ako ng flow ng isusulat ko. Ang kaso minsan nasa isip ko pa lang, nababago na agad! Kung hindi man kasi boring, nawawalan ng direksyon ang kwento. Baka lumabas lang na sa hinaba haba ng kwento, wala naman pala wenta.

Pero ang sinusulat hindi naman dapat pinaplano kasi may pagkakataon na talagang habang sinusulat nababago yung takbo ng kwento. Pag ganon ok lang kasi kapag nababago sa mismong oras na ng pagsusulat, ibig sabihin may bago kang naiisip na mas magandang takbo. Waaaah paulit ulit ka!

Hindi katulad ng kapag nasa isip mo palang tapos dun lumiliko ang istorya. Gets the difference?


Pag nasa mood kasi, parang may sariling isip naman ang mga daliri. Dire-diretso lang ba?

Pati yung number of characters minsan nagsi-siksik din sa isip ko, kung gaano ba dapat kahaba yung post for the day. Natanong ko tuloy, pati ba naman kayo? Langya ano ‘to essay writing contest?

Buti na lang hindi nag-iinarte yung mood ko tulad ng ibang writer na kesyo kailangan daw may yosi at kape habang nagsusulat. Feeling malalim ang sinusulat!

Dahil nasimulan ko yung may litrato, pati litrato iniisip ko kung anong litrato ilalagay ko. Oo, kahit wala namang kinalaman ang litratong ginagamit ko binabasa mo! Ang malupet pa dun, yung ibang litrato eh ninanakaw ko lang naman sa internet.

Yun na nga ang mahirap, sa dami ng pwede kong nakawin, tapos isa lang ang kukuhanin, mas mahirap mamili. Parang sa beerhouse diba? Isa lang pwede i-table dahil pag dinagdagan, mukang manyak na, mas magastos pa!

Aba teka, wala namang rules and regulations sa blog tungkol sa subject, length at picture diba? Langya binibigyan ko lang pala ng problema ang sarili ko kahit na wala namang dahilan. Gago ko talaga!

Para kang “beating the deadline!”

Waaaah tanginang beating the deadline yan, bakit di kita nasagot agad!? Baka lumusot ka pa sa kamay ko! (huwag mong itanong kung bakit….basta lang!)


NAKS!®

Wednesday, October 15, 2008

Move On Pare...


Mahilig talaga ako sa music (normal na kadugtong nyan…ang music nga lang ang walang hilig sa akin.) Pero sa ngayon, nalalaman ko na lang yung mga usong kanta at sikat na banda sa mga pamangkin ko. Pag narinig kong ginigitara o kinakanta nila, tsaka ko pa lang itatanong ang title tapos uuuuy cool pakinggan!

Hanggang sa maisip ko na dapat alam ko to para di naman mapag-iwanan ng husto.

Ang sabi kasi, kapag alam mo daw yung mga usong kanta at mga banda, medyo hindi nahahalata na tumatanda na. Itatanong ko sana kay tooot toooot kung totoo ang teyoryang iyun, kaso baka batukan lang ako o kaya sagutin ako ng pabalang na itanong ko sa sarili ko.

Sa ngayon gusto ko yung Lips of an Angel ng Hinder at The Man Who Can’t Be Moved by The Script. Patunay lang ‘yan na nakakasakay pa rin ako diba?

Minsan nag-anak ako sa binyag at nung inuman na, nanduon ang paborito kong pulutan…videoke. Dahil mga wala pang tama, sounds trip pa lang ang ginagawa namin. Dayo lang ako at karamihan nang mga kaharap ko eh hindi ko kakilala maliban sa kumpare ko at sa isang barkadang isinama ko.

Sa videoke machine nga pala ngayon, di lang yung mga tugtog na sasabayan ng kanta na lang ang laman. Meron na ring mga MTV at concerts. May mga nagpapatugtog ng Rhiana, Chris Brown at kung sinu-sino pang soloista. Ang reaksyon ng isip ko nun, ah siya pala yun o kaya ah siya pala kumanta nun.

Pero siyempre hanggang sa isip ko lang yun at di ako nagsasalita ng ganun.


Siyempre ang di nawawala yung mga MTV ng mga EMO band na uso ngayon. Kung bakit EMO ang tawag sa kanila, ahhhm hindi ko alam. Ang tantya ko lang, derived from the term emotion kaya EMO. Malulungkot na malulupet kasi ang lyrics ng mga kanta nila pero pamatay naman ang areglo. Nagmumura yung mga instrumento.

Siguro, yun lang yung naging generation term pero luma na rin naman. May mga ganung klase din naman ng music dati eh. Sa isang punto siguro may pagkakaiba (di ko alam kung ano) pero evolving ang music diba? Naiiba lang ang tawag.

Dati merong hardcore funks, may alternative rock tapos meron pang grunge. Iba iba ang music nila pero pag pinakinggan at ninamnam mong mabuti, eh may mga pagkakapareho din. Sino nga ba ang di nakakatanda sa Smashing Pumpkins, Nirvana o kaya Pearl Jam?

Batay sa aking marubdob at madibdibang pakikipag-ugnayan at pagkonsulta kay wiki…lyrics of grunge music are typically angst-filled, often addressing themes such as social alienation, apathy, confinement, and a desire for freedom.

O kita mo na? Palaliman lang ng tema!

Tangina, medyo may amats na rin ako pero ayoko pang kumanta. Wala pang bumabasal sa microphone eh. Astig man kung iisipin kung sino ang unang kakapal ang mukha pero tinamaan ako ng hiya ng mga oras na iyun.

Ilang minuto lang at kinuha ko yung song book pero dun din ako sa concert lists page pumunta. Hanap…hanap…sige lang hanap hanggang sa eureka! Tangina puro kayo concert ha, eto ang papatay sa mga concert na nilalagay nyo ngayon!.

Konting kwentuhan lang at kasunod na yung number na nilagay ko. Tagay muna, mamulutan ng papaitan tapos hitit-buga!

At nagsimula nang pumasok ang malakas na sigawan, naglaro ang ilaw sa stage at ang maingay na gitara…Sweet Child of Mine ng Guns N Roses.

Sigawan din ang mga nag-iinuman kasabay ang malutong na “tangina sino naglagay nyan? Baduy…Jologs!” at kung anu-ano pang panlalait sabay tawanan. Nakitawa na lang din ako at nakisali sa kantyawan habang walang umaamin kung sino ang naglagay nun.

Parang nawala ang lasing ko ng bulungan ako ng barkada ko sabay sabing…”Pare alam ko ikaw naglagay nyan…move on pare, laos na si Axel Rose!”


NAKS®