Wednesday, October 15, 2008

Move On Pare...


Mahilig talaga ako sa music (normal na kadugtong nyan…ang music nga lang ang walang hilig sa akin.) Pero sa ngayon, nalalaman ko na lang yung mga usong kanta at sikat na banda sa mga pamangkin ko. Pag narinig kong ginigitara o kinakanta nila, tsaka ko pa lang itatanong ang title tapos uuuuy cool pakinggan!

Hanggang sa maisip ko na dapat alam ko to para di naman mapag-iwanan ng husto.

Ang sabi kasi, kapag alam mo daw yung mga usong kanta at mga banda, medyo hindi nahahalata na tumatanda na. Itatanong ko sana kay tooot toooot kung totoo ang teyoryang iyun, kaso baka batukan lang ako o kaya sagutin ako ng pabalang na itanong ko sa sarili ko.

Sa ngayon gusto ko yung Lips of an Angel ng Hinder at The Man Who Can’t Be Moved by The Script. Patunay lang ‘yan na nakakasakay pa rin ako diba?

Minsan nag-anak ako sa binyag at nung inuman na, nanduon ang paborito kong pulutan…videoke. Dahil mga wala pang tama, sounds trip pa lang ang ginagawa namin. Dayo lang ako at karamihan nang mga kaharap ko eh hindi ko kakilala maliban sa kumpare ko at sa isang barkadang isinama ko.

Sa videoke machine nga pala ngayon, di lang yung mga tugtog na sasabayan ng kanta na lang ang laman. Meron na ring mga MTV at concerts. May mga nagpapatugtog ng Rhiana, Chris Brown at kung sinu-sino pang soloista. Ang reaksyon ng isip ko nun, ah siya pala yun o kaya ah siya pala kumanta nun.

Pero siyempre hanggang sa isip ko lang yun at di ako nagsasalita ng ganun.


Siyempre ang di nawawala yung mga MTV ng mga EMO band na uso ngayon. Kung bakit EMO ang tawag sa kanila, ahhhm hindi ko alam. Ang tantya ko lang, derived from the term emotion kaya EMO. Malulungkot na malulupet kasi ang lyrics ng mga kanta nila pero pamatay naman ang areglo. Nagmumura yung mga instrumento.

Siguro, yun lang yung naging generation term pero luma na rin naman. May mga ganung klase din naman ng music dati eh. Sa isang punto siguro may pagkakaiba (di ko alam kung ano) pero evolving ang music diba? Naiiba lang ang tawag.

Dati merong hardcore funks, may alternative rock tapos meron pang grunge. Iba iba ang music nila pero pag pinakinggan at ninamnam mong mabuti, eh may mga pagkakapareho din. Sino nga ba ang di nakakatanda sa Smashing Pumpkins, Nirvana o kaya Pearl Jam?

Batay sa aking marubdob at madibdibang pakikipag-ugnayan at pagkonsulta kay wiki…lyrics of grunge music are typically angst-filled, often addressing themes such as social alienation, apathy, confinement, and a desire for freedom.

O kita mo na? Palaliman lang ng tema!

Tangina, medyo may amats na rin ako pero ayoko pang kumanta. Wala pang bumabasal sa microphone eh. Astig man kung iisipin kung sino ang unang kakapal ang mukha pero tinamaan ako ng hiya ng mga oras na iyun.

Ilang minuto lang at kinuha ko yung song book pero dun din ako sa concert lists page pumunta. Hanap…hanap…sige lang hanap hanggang sa eureka! Tangina puro kayo concert ha, eto ang papatay sa mga concert na nilalagay nyo ngayon!.

Konting kwentuhan lang at kasunod na yung number na nilagay ko. Tagay muna, mamulutan ng papaitan tapos hitit-buga!

At nagsimula nang pumasok ang malakas na sigawan, naglaro ang ilaw sa stage at ang maingay na gitara…Sweet Child of Mine ng Guns N Roses.

Sigawan din ang mga nag-iinuman kasabay ang malutong na “tangina sino naglagay nyan? Baduy…Jologs!” at kung anu-ano pang panlalait sabay tawanan. Nakitawa na lang din ako at nakisali sa kantyawan habang walang umaamin kung sino ang naglagay nun.

Parang nawala ang lasing ko ng bulungan ako ng barkada ko sabay sabing…”Pare alam ko ikaw naglagay nyan…move on pare, laos na si Axel Rose!”


NAKS®

1 comment:

RJ said...

Papaitan? Wow, na miss ko na yan.