Thursday, October 2, 2008
Bakit Nga Kaya?
Nakasakay ko ulit si Taba, yung babaeng kawawa naman! (alamin mo kung bakit sa iba kong sinulat…dyan lang o sa ibaba) Sabi ko na nga ba matatawa ako eh, buti na lang at nasa unahan ako ng van na nasakyan ko papasok.
Kakasawa na yung mukha ng mga nakakasabay ko. Tuwing papasok na lang ako, sila’t sila na lang nakakasabay ko sa sasakyan. Minsan magsasalit-salit lang depende sa oras. Pag na leyt ako, may iba sa kanila na nale-leyt din.
Basta hindi mo man makasabay lahat ngayon…kinabukasan yung iba naman ang makikita kong nag-aabang ng sasakyan. Pero kami kami pa rin.
Yun bang hindi lang siguro kami nagkakasabay sabay ng dating.
Pero teka, ako nga lang kaya ang nagsasawa sa pagmumuka nila? Baka kaya kung ano yung naiisip ko eh ganun din ang naiisip nila? Na sila din pala eh nagsasawa na rin sa pagmumukha ko?
Aba eh talagang ganyan, ang alam ko lang karangalan nilang makita at makasabay ako!
Basta lahat sila kuntodo porma kahit dis oras ng gabi. Kung di nga lang 20th century na ngayon baka isipin mo pang mga mababa ang lipad ng mga yun eh.
Pero pihadong mga call center agents yung mga yun. Aba eh sino pa ba ang karaniwang empleyado ng gabi sa ngayon? Nagta-tyagang gawing araw ang gabi at gabi naman ang araw di ba? Isa ko sa taong panggabi pero linawin ko lang hindi ako call center agent.
Minsan nga yung dispatcher, tinanong ako kung sa call center ako pumapasok, isang mabilis at malakas na iling ang isinagot ko. Sa lakas ng pagkaka-iling ko akala ko mapupunta sa tagiliran yung mukha ko eh. Muntik nang di makabalik.
Nothing against call center agents, but I never dreamt of becoming one of them. Although I know I can be a good one considering my professional and educational background, but nuhhhh thanks! (yabang!)
Parang pakiramdam ko nga naiinsulto ako kapag napapagkamalan akong call center agent eh. (Peace to all mankind!)
Di ko rin maintindihan kung bakit eh pero patuloy pa rin naman akong magninilay- nilay at inaalam ang lohika sa likod ng paniniwala kong ito.
Stereotype kasi sila, aside sa pagiging maporma, lahat sila naka earphone at nagpapagandahan ng ipod. Minsan nga naiisip ko kung magka-trip kaya kami ng music? Alam kaya nila na ang gaganda ng kanta ng The Script?
Ooops linawin ko lang din, wala akong ipod.
Meron pa silang nalalamang team building na kailangang mag out of town na libre lahat. Minsan nga daw dahil isang araw lang at kulang sa oras, instead na mag out of town iinom na lang sila ng wan to sawa sa isang araw. Basta kailangan maubos ang budget.
Teka may nagtext sa katabi kong halatang halata sa porma na agent din…
Putangina naka N-96…may nag ring sa nakasakay sa likod, nung sumagot nakita ko naka N93i…lahat sila halatang call center agent. Yung mga cellphone nila, sa website ng Nokia ko lang nakikita na gusting gusto kong mahawakan at magkaroon!
Ako hindi ako taga call center at ang sama pa nun, naka 6600 lang ako. Kaya kahit may magtext sa akin ng 15 beses kapag kasabay ko sila hinding hindi ko, ilalabas ang cellphone. Nakakahiya.
Sino nga ba ang dapat mainsulto? Ako nga ba? O sila dahil inaakala ng iba na I am one of them eh high end sila samantalang napag iwanan na ko?
Di kaya naiingit lang ako sa kanila?
Teka may pamangkin pala kong call center agent…naka N95 naman siya.
NAKS®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment