Wednesday, October 1, 2008

Parang Kang Sumpa!


Haaaay! Medyo matagal na rin kitang tinitiis. Gustuhin man kitang dispatsahin ng madalian pero hindi naman ganon kabilis.

Aaminin ko apektado ako. Sapul nga eh.

Sa opisina hindi ako makagptrabaho ng maayos dahil sa iyo. Gusto naman sanang matulog kapag nasa bus ako pag pauwi pero hindi rin natutuloy dahil kapag napipikit na ko, umeeksena ka.nararamdaman kita. Hanggang sa pagdating ko ng bahay di ka nawawala, di ako makakain ng maayos. Ganoon ka katindi!

Tanda mo ba yung pagkakataon na minsan sa isang usapan, hindi ako makasabat nang dahil sa iyo. Alam ko magiging bida ko kung pataasan din lang ng ihi kung wala ka lang sana. Iyun nga lang dahil sa iyo, hindi na lang ako nagsalita baka kasi sa halip na maging bida, lumabas lang akong katawa-tawa.

Ang hirap. Sa totoo lang matagal ko nang alam na mahirap. Pero di ko inasahan na ganyan!

Di ko alam kung natutuwa ka sa ganun. Para kang sumpa!

Alam mo kung kelan ka lang nawawala sa sistema ko? Sa inuman!

Hindi ko na kasi pinapayagan na pati dun eh sisirain mo yung diskarte ko. Isang linggo akong nagta-trabaho, hahayaan ko ba naman na pati yung mga araw na dapat eh nakakapagpahinga at nakakapag enjoy ako, eh ikaw ang hahawak ng manibela ko? Hindi na uy!

Minsan nga naiisip ko, kung nagagawa kong wala ka sa katawan ko kapag lasing ako, bakit hindi ko magawa kapag normal?

Naisip ko na lang, siguro wala kang panama sa ispirito ng beer. Kapag nakatagay na ko, habang tumatagal at umiikot ang baso, nakakalimutan na kita. Red horse at Colt45 pala ang katapat mo ha. Kapag pangalawang case na, sabihin na nating minsan naiisip kita pero wala na akong pakialam kasi di na kita nararamdaman.

Hmmm sarap mamulutanano laban ka?

Kapag lasing na at bagsak na bagsak na ang talukap ng mata ko, may nagagawa ka ba? Kung nagagawa mong paikut-ikutin ako sa higaan kapag walang alcohol ang bituka ko, kapag lasing, kahit bantayan mo pa ko, wala akong pakialam sa iyo. Matutulog ako ng mahimbing, mananaginip ng kalibugan, hindi mo ko kayang panghawakankahit magdamag mo pa akong bantayan.

Iyun nga lang pagka gising ko, balik na naman sa dati. At dahil nakainom bago matulog, karaniwang nangyayari, mas malala na.

Hindi lang ikaw, may kasama ka pang plema. Tangina kang sipon ka, isisinga lang kita! Uhog ka lang!


NAKS®

No comments: