Wednesday, October 8, 2008

Parausan...


Nung nasa college ako, marami akong nauuto sa subject na creative writing. Nung binigyan ako ni Ka Roger Ordoñez ng grade na 1.25, kinwestyon iyun ng mga kaklase ko, bakit daw 1.25? Dapat daw kasi uno na! Akalain mo iyun? (yabang!)

Akala kasi nila, magaling akong magsulat pagdating sa tula o kaya maikling kwento, elib sila. Yung nga, akala nila magaling ako…hindi nila alam talagang magaling ako. (gets mo?)

Tanda ko rin nung naimbitahan ako ni Tata Doming Mirasol (di ko alam kung buhay pa si Prof), sa ngalan ng Pandayan ng Literaturang Pilipino (PANDAY-LIPI) sa isang poetry reading. Ang lupet nun tangina!

Just imagine, nasa malaki kaming bulwagan kasama ang iba pang estudyante, guro at iba pang manunulat (wow!) tapos sa isang bahagi ng programa eh nasa stage ako, yung spot light nakatutok sa amin nung lalaking gumigitara at…dyandyararan….nagbabasa ako ng tula!

Ang tagal ko nang hindi nagsusulat ng tula, pakiramdam ko nga kinakalawang na. Wala kasing practice eh. Subok lang baka may ibubuga pa…


nang minsan kitang matikman
hindi ko inasahan kitay babalikan
may kakaiba ka kasing sarap na ipinatikim
hindi ko malaman kung saan hinugot
hindi sinasadya pero parang napulot
ang tikim nais ulit-ulitin

ibang klase kang bumuhay ng dugo
minsay makatindig balahibo
akala koy kiliti lang sa kuko at paa
iyun pala’y mabibigyang buhay,
magpapadaloy ng dugo
at kayang magpangilo ng bungo
mas masarap ka sa ginisang gulay

ikaw ang nagpalabas
nang nararamdamang minsa’y ikinatatamlay
pagkat wala akong parausan
na maaari sanang mapagbuhusan

naramdaman mo rin bang sobra sobra?
buo-buo ba o sago sago pa?
ipagpaumanhin mo kaibigan
sa paglipas ng araw siguro’y mababawasan

siguro ngay dapat aminin
na sa iyong putaheng ipinatikim
nakatulong ka sa muling pagpapatayo…
sa nanlalambot na paninindigan
at nakakalibog na panitikan

sige pa…malapit…lalabas na
salsalin mo pa!
tingnan natin kung papasa
sa mapanuring panlasa
ang mabulaklak kong salita
magustuhan kaya bilang isang tula?

Inaalay ko ito sa iyo blogspot. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon…ikaw ang aking naging PARAUSAN para muling makapagsulat ng walang kakwenta-kwentang tula!

Para kang banyo sa nagmamarekulyo kong tiyan!


NAKS®

No comments: