Wednesday, December 31, 2008

Tara, Paputok Tayo!



Babala, mabaho ang amoy ng usok na iniiwan ng mga paputok, nagiging sanhi ito ng pag atake ng asthma. Kung mahina-hina ang baga mo, bago mag ahtinggabi, hingal kabayo ka na!

Mas matinding babala, mas mabaho ang putok…na galing sa kili-kili! Kaya ugaliing mag deodorant araw-araw!

Lalo na sa oras ng putukan para salubungin ang Bagong Taon. Medyo nakakahiya naman yatang kasabay ng pagbaho ng paligid eh umaalingasaw ka rin na tila amoy sibuyas na nabubulok.

Pero gaano man kabaho at kasakit sa dibdib ang iniiwang amoy ng pulbura ng mga paputok, luces, fountain, trompillo, watusi at iba pang mga pailaw, hindi talaga sila mawawala sa tradisyon nating mga Pinoy sa tuwing naghihiwalay ang taon.

Paniwala kasi natin, pampaalis ng malas o di kaya naman eh pang welcome daw sa magandang hinaharap ang mga naglalakasang paputok at magagandang pailaw.

Dahil hindi na naman ako makaka-celebrate sa bahay ng pagsalubong ng Bagong Taon, nauna na akong nagpaputok kanina. Ang dami ngang mga bagay at mabilis na pangyayari ang tumakbo sa isip ko bago pumutok. Hanggang sa parang nagulantang na lang ako.

Nakakagulat naman talaga yung putok na wala sa oras eh!

Magkano na nga ba nagastos mo sa pagbili ng mga paputok at pailaw?

Dati kasi simple lang ang mga paluces pero ngayon pabonggahan talaga at hindi yung basta mga puti lang ang ilaw. Halos makabingi naman ang mga nauusong paputok.

Pero ang pinaka gusto kong paputok eh yung kwitis. Una, sa itaas kasi ito pumuputok kaya tingin ko eh medyo mas ligtas maliban na lang dun sa mga kalpot at hindi umaangat.

Sa bawat kwitis kasing sinisindihan ko, may mga bagay na isinasama ko sa paglipad nito. Pwedeng sama ng loob, galit, masamang karanasan at kung anu ano pang kasentihan sa buhay. Mahirap daw kasing kimkimin yun lalo na’t papasok ang Bagong Taon!

Pinalilipad ko ang mga yun para mawala, subukan mo, ok sa pakiramdam.

Yun nga lang, ang gusto kong magkaroon eh yung kwitis na nauutusan kung saan pupunta o kung saan babagsak at dun siya puputok. Pag nagkataon kasi, magagantihan mo kung kanino ka may sama ng loob, kanino ka galit at kung kanino ka nagkaroon ng masamang karanasan.

Edi quits-quits lang diba. Ayos nga eh, kwitis na nagbibigay ng quits!

Ang pla-pla naman na isa rin sa ipinagbabawal ibenta dahil nga sa sobrang lakas nito, sana yung mga hindi pumutok, pwede ring ipirito o kaya eh i-sarsyado, basta wag lang inihaw! Sayang naman kasi diba?


O yung bawang na hindi pumutok, ano gagawin mo? Siyempre sana pwedeng ipanggisa o di kaya naman eh pitpitin at isama sa suka, asin at sili para sawsawan ng chicharong bulaklak.

Siyempre, kailangan may kasamang isang malamig na San Miguel Beer!

Ano pang hinihintay mo? Paputok ka na! Happy New Year!


®

Saturday, December 27, 2008

Anak Ng Kapong Baka



Year of the Ox pala ang taong 2009. Sabi ng mga kaibigan at mga kaututang dila kong mayayaman dyan sa Binondo, may mga ibig sabihin daw ang mga hayop na sumisimbolo sa bawat taon. May dala-dalang swerte, meron din naman daw mga bantang dala.

Kakabit niyan yung mga hulang general naman kung tutuusin. Dadaanin sa background music at malumanay na magsasalita pero ang hula eh mukang nabasa lang sa horoscope na komiks.

Magkakaroon daw ng natural disaster na hahagupit sa bansa natin. Nakamputcha naman eh isang taon iyan, 365 days at sa salita pa lang “natural disaster,” natural nga eh, paanong naikabit iyan sa Year of the Ox? Kahit sino pwedeng hulaan iyan.

Hula hula takla lang yan eh!

Pero ang isa pang tanong…ano nga ba ang ox?

Oh ayan, ang mga Pinoy kasi mahilig sumakay sa mga year of the ano, year of the kuwan kahit minsan hindi naman naiintindihan.

Hindi ko alam kung saan nanggaling pero ayon kay Pareng Wiki, ang tagalog daw ng ox ay “kapong baka.” Paano naman kaya kung ang baka ay hindi kinapon, hindi na siya ox?

Kung bakit naman kasi nakikisawsaw tayo sa year of the ox na iyan eh wala namang mahahagilap na ox dito sa Pilipinas.


Sa litrato, mukang kapatid naman talaga ang baka ng kapong baka. May sungay nga lang ang ox na parang kasinghugis ng sa toro. Hindi ba dapat eh tungkol sa kanila ang mga prediksyon at hindi sa mga kaguluhan na posible daw mangyari sa atin?

Pwede namang sabihin na sa susunod na taon eh bababa ang halaga ng baka, sabihin na nating sa 80 pesos na lang ang kada kilo. Di ba mas maganda yun at siguradong marami ang matutuwa?

At dahil dyan, mas marami ang magluluto ng kare-kare. Magiging mabili ang buntot, maskara, tuwalya, libro at iba pang bahagi ng baka. Madadalas sa inyong hapag ang kare-kare, makikila ng mga foreigner na bisita nyo sa bahay at ipagmamalaki naman nya ito sa kaniyang mga kababayan.

At dahil dyan mapapabilang ang kare-kare bilang isa sa pinakamasarap na pagkain sa buong mundo. Akalain mo yun?

At iyan ay utang natin dahil sa year of the ox.

Mawawala na rin daw ang barbeque na baboy, kasi nga mura na ang baka.

Malulugi na ang mga gotohan, kasi nga mura na rin ang bituka, mata at titi ng baka na nilalagay sa goto. Pipiliin ng iba na magluto na lang kesa bumili.

Malalaos na ang lechong baboy at lechong manok…magiging in ang lechong baka.

Madadalas nyong iuulam ang bistek, lengua, bulalo, kaldereta, papaitan, corned beef…dahil iyan sa mura ang baka.

Hanggang sa nauumay at nagkakandasuka ka na sa kakakain ng baka. Anak ng baka naman oo! Yung kapong baka ha.




®

Wednesday, December 24, 2008

Wish List Ko To!


Iyan (nasa litrato) ang isa sa pinaka gustong regalo na natanggap ko ngayong Pasko. Libro yan ni Eros Atalia na ikinukumpara ngayon kay Mang Jun Cruz Reyes at kay Bob Ong.

Tsaka na natin pag usapan ang tungkol sa kanilang tatlong dahil mahabang debate yan panigurado. Gusto ko lang namang gamiting pasakalye ang natanggap kong libro sa piyesang ito.

Syet piyesa, kinakarir!

Natanong ko na ito pero ang setting eh noong bata ka pa, uulitin ko ngayon ang tanong pero duon tayo sa kasalukuyang panahon: Ano ang pinaka gusto mong natanggap na regalo ngayong Pasko?

Alam nyo ba, kahit na may ilan din akong natanggap na material na bagay (well, kakainis dahil konti lang) meron pa rin naman akong wish list o ‘yung mga gusto kong matupad ngayong Pasko…hindi lang yung makatanggap ng libro.

Para ‘tong kanta ni Ariel Rivera, Sana Ngayong Pasko…isa-isahin natin:

- Sana magkaroon ang mga wala. Kung magkakataon kasi, hindi na sila gagawa ng masama para magkaroon. Pwedeng hindi na sila magnakaw, mang snatch, o kaya eh mangholdap, diba?

- Sana mabusog ang gutom. Hindi ko sinasabing hulugan sila ng maraming pagkain araw araw pero sana magkaroon din sila ng katulad na pagkakataon na nasa iba para magkaroon ng pagkain. Kung hindi kasi yun mangyayari, mananatili silang namamalimos at naghihintay sa labas ng Jolibee habang pinapanood kang kumakain ng Chicken Joy.



- Sana makita na ang mga nawawala. Iyun ay para wala na ring naghahanap. Ala reunion ba sa QTV? Hanggang nanatitili kasi silang nawawala habang ang iba ay naghahanap, kapwa sila mangungulila. Di bali sana kung hinahanap ng nawawala ang daan pabalik, pero paano na lang kung naligaw na siya? Baka hindi na sila magkita.

- Sana magkabati ang magkagalit. Baka kasi ang pinagmulan lang naman ng lahat eh kinalabit ng may laway ang daliri kaya nagalit eh. Kung ganun lang naman, batuhin mo na lang ng tinapay. Kung gusto mo yung putok para mas matigas-tigas.

- Sana makalakad ang pilay, makapagsalita ang pipi, makadinig ang bingi ar makakita ang bulag. Imposible ba? Oo nga pero sana pa rin.

- Sana maibigay ang hinihingi. Yung iba kasi namamanata pa, nagsisimba ng paluhod, sumasayaw sa prusisyon, nagpapahilot, naghahampas dugo, nagpapapako sa krus, nagno-nevena at kung anu-ano pa, matupad lang ang hinihiling. Sapat na siguro yung naibigay nila para maibigay kung ano man ang kanilang hinihingi.


At higit sa lahat…ito ang pinakamataas ang level, todo na talaga, pero kinakailangan lang talagang sa huli banggitin…WORLD PEACE!

Syet world peace! Apir nga dyan Pare para sa kapayaan!

Baka may maidagdag ka pa sa listahan ko…maging makatao naman tayo ngayong Pasko!


®

Saturday, December 20, 2008

Ang Mahiwagang Escalator

Pustahan nitong mga nakaraang araw, napunta ka ng mall. At kung kinapos kapos ka pa sa pamimili at tila nag uumapaw naman ang pera sa iyong kwartamoneda eh pihadong babalik ka pa bukas o mamaya. Nagwawala ang atik!

Habang abala ka naman sa pamimili, hindi ka ba minsan nainis o o kaya ay nakainisan ka sa escalator? Yung tipong tititigan ka ng makakasabay mo at para bang gusto kang lamutakin sa kaniyang palad sabay ihahampas sa sahig.


Ang escalator kasi ay isang mahiwagang hagdan. Kung ang elevator ay kwartong bumababa at umaakyat ng kusa, ang escalator naman ay hagdan na ganun din ang gampanin sa buhay.

Kaya kung mag-e-escalator ka at magmamadali kang humakbang sabay singit sa mga nasa unahan mo, aba edi mag hagdan ka na lang. May hagdan naman kasi sa mall at kadalasan eh nasa gitna pa nga ng mga escalator.

Sa hagdan, pwede ka pang tumakbo kung maluwag luwag din lang. Kahit dun ka pa tumambay habang naghihintay ng ka eyeball mo kung gusto mo.

Sa ganyan kasi madalas makalkal ang inis ko. Pag sumakay kasi ako, laging sa left side lang ako. Palibhasa karamihan sas mga Pinoy eh hindi alam ang disiplina sa escalator, pag may kasabay, tatapatan pa ng kwentuhan. Ibig sabihin sinasakop na nila ang kaliwat kanang bahagi ng escalator.

Yung iba namang parang may hinahabol, sasakalay ng escalator tsaka magmamadaling humakbang at sumingit…sumingit ng sumingit.

Ang nakakainis minsan, kapag tinapatan ka, tititigan pa ng patagilid na para para bang pinompyang mo yung puwet nya para tignan ka ng ganun.


Sa Japan kasi (naksnaman, Japan. Oo nakapunta nako ng Japan pero di ako nag hosto ) laging bakante ang kanang bahagi ng escalator. Lahat ng sumasakay sa kaliwa lumalagay kasi ang kanang bahagi eh para sa mga nagmamadali.

Eh dito sa Pinas mukang di pwede yung ganun. Ang iba kasi ginagawang park ang escalator, lugar na pwedeng pagkwentuhan kesehodang kaliwa yan o kanan.

Kaya kung ako eh isang imbentor, gagawa ako ng escalator na convenient para sa mga Pinoy. Yung tipong hindi pagmumulan ng titigan lalo na sa may hinahabol.

Yun bang pagtapak mo pa lang, may aangat mula sa ibaba na parang tubo, tapos may lalabas na parang manibela ng trolley mula tubo. Tapos nun, aangat naman yung saktong inaapakan mo.

Dahil may sarili ka nang manibela, siyempre dapat may control pero ang control lang eh kanan, kaliwa, abante at walang atras. Sa ganyang paraan, kung nagmamadali ka paaandarin mo lang tapos liko ng kaliwa o kanan kung kinakailangan.

Kung maimbento ko nga yun, magkadisiplina na kaya ang mga Pilipino? Ano sa palagay mo?


®

Thursday, December 18, 2008

Galing Kay Santa


Ano ang da best na natanggap mong regalo mula kay Santa Claus? Teka naniniwala ka pala ba kay Santa?

Kahit kasi mahirap lang kami at bulok ang bahay namin, nuong bata pa ko (at mga pamangkin ko, oo may pamangkin ako na halos kaedaran ko!) pinalaki kami sa pinaniwala kami na nagbibigay ng regalo ang Ninong ng lahat tuwing Pasko.

Kahit taun-taon eh hindi nababago ang ibinibigay niya, masaya pa rin kami na isa ang regalo ng matabang mamang nakapula sa inaabangan namin. Yun nga lang hindi naman namin siya nakita kahit isang beses.

Dyahe naman kasi siguro na pagdating sa kwentuhan eh ang bahay lang namin ang pinuntahan ni Santa gayung ang dami naming magkakapit-bahay.

Pero sa kwentuhan, syempre galing kay Santa ang mga kendi nakukuha namin sa mga medyas na nakukuha lang namin sa pagka-gising sa mismong araw ng Pasko.

Ang siste pa kamo, ang sabi ng mga dakila kong magulang kapag bisperas na, hindi raw magbibigay si Santa hanggang hindi kami natutulog.

“Kaya naman pala hindi nyo nakita eh, tulog kayo!” Ganyan ang litanya nila pag umaga ng Pasko. Walangya at kasalanan pa pala namin. Sila pa ang may katwiran ano?


Suki kami noon ng Christmas candy yata ang tawag dun, yung parang tungkod ng matanda na parang handle ng payong na may stripes na pula or green. Wag mong sabihing di ka nakatikim nun nung bata ka!

Ang nakakatawa, kaniya kaniya pa kaming gulangan. Naglalagay ako ng dalawang medyas na magkaiba ang kulay para di halatang sa akin pareho. Edi pag umaga, 2 ang regalo sa akin.

Eto ang pamatay, gumagawa pa ko ng sulat at pagkagising ko eh wala naman dun kaya ang paniwala ko eh dinala naman ni Santa. Alam mo ang nakasulat? Request yun para sa susunod na Pasko na sana ay may kasamang laruan na hindi ko lubos maisip ngayon kung paano naman kayang magkakasya yun sa medyas na pambata.

Haaay, ngayon ko lang napagtanto kung bakit di ibinigay ang truck na nagiging robot! Hindi pala kasya.

Siyempre kalaunan, nalaman din namin na yung Ate ko lang pala ang nag-uuwi ng mga regalo ni Santa. (Patay na siya ngayon)

Sa darating na Pasko, may wish ulit ako kay Santa at granted na ha! Actually nagkausap na kami (yan ang picture sa gilid tingnan mo), sabi niya for formality magsasabit daw ako ng medyas at ito ang ilalagay ko sa sulat ko sa kaniya:

Dear Santa,

Mahigit 50 po ang inaanak ko, sa 100 na lang po ang bawat isa eh 5,000 na. Pero sa ngayon daw, 200 na ang minimum kaya dun pa lang eh nasa 10,000 na.

Wish ko na lang po na tuparin ninyo ang lahat ng wish ng mga inaanak ko at bigyan nyo na lang sila sulat na yun ay ibinigay ninyo dahil malakas ako sa inyo. At dahil dun ay hindi ko na sila kaialngan pang bigyan ng aguinaldo at hindi na nila kailngang mamasko sa akin.

Sige na po para makatipid lang.


Mulong


Tuesday, December 16, 2008

Reposting Parausan


Sakit ng ulo ko. Di ako makapag isip. Ulitin ko na lang muna itong isa sa mga unang inilathala ko dito sa blog. Hindi ko nga inasahan na magkakatotoo pala yang isinulat ko. Pagdating ko kasi ng trabaho, sisimple lang ako tapos yung blog agad ang inaatupag ko.

Katulad ngayon, masakit na ulo, pero namamasyal pa rin ako hehehe

eto na ang aking PARAUSAN...

nang minsan kitang matikman
hindi ko inasahan kitay babalikan
may kakaiba ka kasing sarap na ipinatikim
hindi ko malaman kung saan hinugot
hindi sinasadya pero parang napulot
ang tikim nais ulit-ulitin

ibang klase kang bumuhay ng dugo
minsay makatindig balahibo
akala koy kiliti lang sa kuko at paa
iyun pala’y mabibigyang buhay,
magpapadaloy ng dugo
at kayang magpangilo ng bungo
mas masarap ka sa ginisang gulay


ikaw ang nagpalabas
nang nararamdamang minsa’y ikinatatamlay
pagkat wala akong parausan
na maaari sanang mapagbuhusan

naramdaman mo rin bang sobra sobra?
buo-buo ba o sago sago pa?
ipagpaumanhin mo kaibigan
sa paglipas ng araw siguro’y mababawasan

siguro ngay dapat aminin
na sa iyong putaheng ipinatikim
nakatulong ka sa muling pagpapatayo…
sa nanlalambot na paninindigan
at nakakalibog na panitikan

sige pa…malapit…lalabas na
salsalin mo pa!
tingnan natin kung papasa
sa mapanuring panlasa
ang mabulaklak kong salita
magustuhan kaya bilang isang tula?

Inaalay ko ito sa iyo blogspot. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon…ikaw ang aking naging PARAUSAN para muling makapagsulat ng walang kakwenta-kwentang tula!

Para kang banyo sa nagmamarekulyo kong tiyan!


NAKS®

Saturday, December 13, 2008

Bike Trip


Ano nga kayang masamang hangin ang umihip sa tenga ko? Kagigising ko lang nang maisipan kong mag-bisikleta. Isang mumog, konting hilamos, sibat na.

Di ko naman hilig talaga ang magbisikleta at matagal ka na rin akong hindi nakakatapak ng pedal pero iba ang bangon ko na yun. Para bang hinihila ko ng paa ko habang nagsasalita na “tara at magpapawis tayo.”

Akala mo ba may sarili siyang isip na at akala mo rin ba, katawan niya ang pinapawisan eh hindi naman. Buti na lang at siya naman ang nangangawit kakadyak. Yun nga lang dahil wala namang magkahiwalay na buhay ang paa at katawan ko, sa kabuuan eh sarili ko rin ang pagod.

Yun ang dahilan kung bakit, hindi ko talaga trip mag bike

Teka di ako yung iniisip mong todo porma na naka helmet, black and neon green tight feet shirt, cycling shorts at bakat bayag na nagbibisikleta ha. Yung tipong pasyal-pasyal lang pampalipas oras. Eh kaso alas dyes ng umaga at tirik ang araw.

Minsan lang namang ganahan kaya sige lang. Diko alam kung bakit trip ko at kung anong meron pero yosi ang partner ko sa biking. Lupet ano? Naghahanap ng lalong pampahingal. Kung baga sa pagkain kare-kare at dinuguan…hindi magka tugma sa panlasa.


Habang nagbibisikleta, napadaan ako sa tulay sa may bayan kung saan naka-agaw pansin ang mga batang naliligo sa ilog sa ilalim ng tulay. Gawain ko rin yun nung medyo bulinggit pa ko. Nagkukulay ulikba nga ako sa kakapaligo sa ilog eh. Pupunta kami sa bayan, tatalon sa tulay at magpapatianod papunta naman sa amin.

Mas enjoy kapag may mga water lily kasi hindi na kailangang kumampay. Kapit lang tapos aanurin na yun ng tuluyan.

Pero nung makita ko yung mga bata, iba naisip ko. Sabi ko, tyaga naman ng mga batang ito, dumi dumi ng ilog eh. Alam ko na ngayon kung bakit ako napipingot noon kapag naligo ako sa ilog nang di nagpapaalam.

Iniwanan ko yung mga bata nang may bumisinang delivery truck, di pala makadaan kasi halos nakagitna pala ko. Kunyari di ko na lang narinig pero sumibat din ako.

Sa tabi ng simbahan, may circle doon na ikutan ng tricycle. Ilang beses akong nagpaikot ikot. Baka nga ang nasa isip ng mga nagsisimba ng mga oras na yun eh may toyo ako. At baka kung ikaw mismo ang nakakita sa akin, malamang ganun din ang isipin mo.

Hindi ko alam na uso pa pala ang lobo sa may gilid ng simbahan kaya napatigil at diretso sa nagtitinda. Bente pesos na pala ang isang piraso ng lobo? Bumili ako ng isa para sa pamangkin kong babae. Sa bente pesos matutuwa na yun.

Alam ko iniisip mo, may nagtitinda ng ice cream? Meron pero alanganing bumili tapos iuwi ko pa sa amin, baka tunaw na pagdating ko.

Umiba ako ng daan pauwi. May mas maluwag kasing kalsada kaya harurot ako pag sikad. Akala mo ba yung sa pelikula na bibitiw pa sa manibela at itataas ang dalawang kamay?

Tangna ko alam na may parte palang ginagawa, may manhole hanggang di ako nakapag- preno…

Nagising ako…pero masayang panginip yun…di kasi ako marunong mag bike.

Oo tama ang nabasa mo, di ako marunong mag bike!



®