Thursday, December 18, 2008

Galing Kay Santa


Ano ang da best na natanggap mong regalo mula kay Santa Claus? Teka naniniwala ka pala ba kay Santa?

Kahit kasi mahirap lang kami at bulok ang bahay namin, nuong bata pa ko (at mga pamangkin ko, oo may pamangkin ako na halos kaedaran ko!) pinalaki kami sa pinaniwala kami na nagbibigay ng regalo ang Ninong ng lahat tuwing Pasko.

Kahit taun-taon eh hindi nababago ang ibinibigay niya, masaya pa rin kami na isa ang regalo ng matabang mamang nakapula sa inaabangan namin. Yun nga lang hindi naman namin siya nakita kahit isang beses.

Dyahe naman kasi siguro na pagdating sa kwentuhan eh ang bahay lang namin ang pinuntahan ni Santa gayung ang dami naming magkakapit-bahay.

Pero sa kwentuhan, syempre galing kay Santa ang mga kendi nakukuha namin sa mga medyas na nakukuha lang namin sa pagka-gising sa mismong araw ng Pasko.

Ang siste pa kamo, ang sabi ng mga dakila kong magulang kapag bisperas na, hindi raw magbibigay si Santa hanggang hindi kami natutulog.

“Kaya naman pala hindi nyo nakita eh, tulog kayo!” Ganyan ang litanya nila pag umaga ng Pasko. Walangya at kasalanan pa pala namin. Sila pa ang may katwiran ano?


Suki kami noon ng Christmas candy yata ang tawag dun, yung parang tungkod ng matanda na parang handle ng payong na may stripes na pula or green. Wag mong sabihing di ka nakatikim nun nung bata ka!

Ang nakakatawa, kaniya kaniya pa kaming gulangan. Naglalagay ako ng dalawang medyas na magkaiba ang kulay para di halatang sa akin pareho. Edi pag umaga, 2 ang regalo sa akin.

Eto ang pamatay, gumagawa pa ko ng sulat at pagkagising ko eh wala naman dun kaya ang paniwala ko eh dinala naman ni Santa. Alam mo ang nakasulat? Request yun para sa susunod na Pasko na sana ay may kasamang laruan na hindi ko lubos maisip ngayon kung paano naman kayang magkakasya yun sa medyas na pambata.

Haaay, ngayon ko lang napagtanto kung bakit di ibinigay ang truck na nagiging robot! Hindi pala kasya.

Siyempre kalaunan, nalaman din namin na yung Ate ko lang pala ang nag-uuwi ng mga regalo ni Santa. (Patay na siya ngayon)

Sa darating na Pasko, may wish ulit ako kay Santa at granted na ha! Actually nagkausap na kami (yan ang picture sa gilid tingnan mo), sabi niya for formality magsasabit daw ako ng medyas at ito ang ilalagay ko sa sulat ko sa kaniya:

Dear Santa,

Mahigit 50 po ang inaanak ko, sa 100 na lang po ang bawat isa eh 5,000 na. Pero sa ngayon daw, 200 na ang minimum kaya dun pa lang eh nasa 10,000 na.

Wish ko na lang po na tuparin ninyo ang lahat ng wish ng mga inaanak ko at bigyan nyo na lang sila sulat na yun ay ibinigay ninyo dahil malakas ako sa inyo. At dahil dun ay hindi ko na sila kaialngan pang bigyan ng aguinaldo at hindi na nila kailngang mamasko sa akin.

Sige na po para makatipid lang.


Mulong


25 comments:

p0kw4ng said...

hahaha buti pa ako at wala pa yatang lima ang inaanak ko..

dati kasi ayaw akong kunin kahit nagpiprisinta na ako..tambay lang kasi ako at mukhang walang magiging kinabukasan..hahaha

may mabuti din palang epekto yun!

=supergulaman= said...

bwahehehe...andami nmn ng inaanak mu... santang santa dating mo nyan...ahehehe...mayaman ka daw siguro kya dami mo inaanak....ahehehe...buti na lng malalayo mga inaanak ko d2...safe ako...bwahehehe... :)

abe mulong caracas said...

POKWANG...tama ka may mabuting epektu yun. ako kahit itsurang patay gutom wa epek pa rin hehehe

SUPERGULAMAN...mayabang daw ako kaya madami inaanak hindi mayaman lols

zebzeb said...

nice nice akala ko ako lang yung napaniwala ng mga magulang ko n may santa claus, isa ako s mga bata dati n nagsasabit ng MEDYAS sa bintana namin, and linya din ng mga magulang ko ay "matulog n kayu bahala kayu hindi maglalagay si santa ng pera/pagkain dyan sa medyas ninyo" ang kakatuwang sitwasyon ay maniniwala namn kami at xempre sa mura naming mga isip maniniwala nmn kami kay mommy. hehehehehehe.


grabe ngayun pag pasko PERA really MATTERS hehehehehe. sa kabilang banda mas gusto nmn talaga ng mga bata ang regalo kesa sa pera. AND MGA MAGULANG ANG NAGEEXPECT NG PERAAAA.... ihihihi.


merry christmas mulongggggggg.

eMPi said...

hindi raw magbibigay si Santa hanggang hindi kami natutulog.

***
Ito rin ang sabi ng tita ko noon e... noong ako'y bata pa lamang... natutulog naman kami para ma-candy... pero wag ka!!! Nahuli namin sila kung sino naglalagay ng candy sa medyas namin... hahahaha sila lang pala... kaya dehinz na kami naniniwala na si santa ang naglalagay hehehehe

***
Aba! Aba! Ang daming inaanak mo dre ah... wag ka ng magtipid dre... mayaman ka naman eh. lolz

Anonymous said...

ZEB and MARCO...madami pala tayong biktima este mga character sa alamat ng mahiwagang medyas sa tabi ng binta hehehe

Joel CJ Senico Aba said...

Hay.. Christmas makes mmy world go crazy.. i dont have gifts yet.. sinong pwede jan mamigay?

Anonymous said...

una, napakaswerte ko pala kasi dahil sa ako'y dakilang tambay noon, alam yan ng mga kapitbahay ko tapos mabibilang pa sa mga daliri ko ang mga kaibigan ko, ibig sabihin nun, bilagn din sa daliri ko yung mga kumukuha sa king ninang lol!, ang madalas kunin na ninang nun sa amin e yung kapatid kong sobrang galing.. nuknukan ng galing as in, sarap nga patayin sa kagalingan e.

So wala akong gaanong problema sa inaanak, saka wala na ko sa pinas..bahala na yung bunso kong kapatid na magtago para sa kin lol! Ganun kasi sa tundo e, kahit alam na wala ang ninang, pilit pa ring dinadala ng mga nanay yung mga anak lol!

Pangalawa..la na ko masabi lol! isang beses lang yata kami nagsabit ng medyas tapos nadiskubre pa naming tito ko ang naglagay ng mga barya at kendi sa mga medyas namin.

Randy Santiago said...

Maglagay ba ng dalawang medyas! MAutakzzzzzz! Hahaha!
NGayon kailangan naman eh, utakan ang mga inaanak. Hahahah. LOLz.
Pwede na siguro ang sakwe jan. LOLz

Hindi mo ba inaanak ang anak ko?

Randy Santiago said...

Maglagay ba naman ng dalawang medyas! Mautakzzz.... Hahahaha.LOL
Ngayon, kailangan nating utakan ang mga inaanak natin, lols.

Anonymous said...

hirit muna bago mag-alasa balutan pauwi ng probinsiya

familiar ang santa na yan saken. yan ba si santa na nakatayo sa entrance ng skyline canteen sa gma? hehehehehehehehehehehehe.

RJ said...

Hahaha! Ayos ang liham mo kay Santa Claus, ah! Buti ka bilang mo kung ilan ang inaanak mo, ako yata nakalimutan ko na kung ilan! Masama!

Ako noon nabaliw din ako dyan kay Santa Claus! Ang sarap ng pakiramdam na pagising ko ay nandu'n na sa medyas ang mga hiniling ko.

Minsan dahil fairy tale book ang hiniling ko, ang ipinasabit sa 'kin ng tiya ko ay pillowcase na! Hahaha! Yon ang pinakamagandang regalong natanggap ko mula kay Santa Clause noon.

darkhorse said...

wow santa medjo pumayat ka ata? heheheh....lol

Merry Christmas dre!

PaJAY said...

Ayos sa posing dre a..lol...parang pumayat ka ata kumpara sa tagay pix mo?..lol...

takte!...Ang ramee ng inaanak mo a..malamang mga tatay nyan klasmeyt mo sa inuman....ang ramee mo palang kainuman....hahahahaha...

Maligayang pasko Pareko!...

abe mulong caracas said...

ROYALTY...si Santa namimigay ng regalo hehehe, magsabi ka ng medyas.

MANILENYA...hindi ba uso ang aginaldo kapag white christmas? hehehe

PARENG MIKE...pasilip nga ng anak mo at baka nga siya ang nawawala kong inaanak. lols

abe mulong caracas said...

JOSHMARIE...akalin mong nakila mo pa ang Santa Claus hehehe

RJ...akalain mong talagang nagawan ng paraan na maibigay sa iyo ang fairy tale book? at sila din mismo ang nag suggest na pillow case ang gamitin, bait talaga ang mga Santa sa buhay natin!

PAJAY...akalain mong di pa tayo nagkikita eh natama pang malaki nga pinayat ko...tama ka rin na karamihan sa mga kumpare ko eh mga kainuman ko hehehe

DARKHORSE...may pinansyal kraysis daw kaya pumayat si santa

Anonymous said...

same comment din kay pok4wang...

dahil suplado raw ako at mas mailap, walang kumukuha sa akin.

okey lang din naman e...

kaya nga nainis ako nang bigla silang dumaming inaanak ko simula nang magkaroon ako ng trabaho...
maski di ko naman ka-close, bigla akong kukunin.

e ayaw ko pa naman na mag-ninong kung wala kang konek sa akin...

kung di lang dahil sa bata ang pinag-uusapan dito... mahirap silang tanggihan

abe mulong caracas said...

TOPLATSI...dadating talaga yung time na kapag may trabaho dadami inaanak kahit di mo ka bagang ang magulang...kakatamad tuloy aginalduhan ang mga anak hehehe

Anonymous said...

hahaha.. taena.. halos lahat yata ng dumaan sa pagkabata eh naniwala kay santa.. ako wala pa akong sulat para kay santa sa paskong ito pero gagawa ako... di pwedeng palampasin ang paskong ito na walang wish para s susunod na pasko...

naks nman... ikaw ba yung nasa tabi ni santa?
taena.. wala akongmasabi..close nga kayo..lols

Amorgatory said...

Pre penge gift lol..ako ata yung nawawala mong inaanak eh,hkahkahka

Dyilyan Oh said...

ninong!

uhm candy cane po ang tawag dun, hihi
peyborit ko yan nung bata pa ko :D sana nga bata pa ko eh, nung bata pa ko ako lang ang inaanak, ngayon pati ako may inaanak na din!

abe mulong caracas said...

KOSA...pare ako nakagawa na ng sulat...oo close nga kami hehehe

AMOR...oy kumare pagmanuhin mo muna yung inaanak ko lols

DYILAN O...candy cane pala yunkaya pala C is for the cany cane around the xmas tree hehehe...bopols ko talaga

mavs said...

mukhang nakapagcomment na ako dito ah...
peru baket wala?
ahy naku, bangag na naman...
kala ko kasi tapos na akong magcomment dito e di pa pala...
nahuli tuloy ako...
basta pahabol na lang pareng mulong...at makikipare na rin ako if you dont mind..hahaha
nice post...

abe mulong caracas said...

MAVS...salamat parekoy...yung inaanak ko hehehe

Unknown said...

santa santito yung matabang nakapula na yun eh, magbibigay lang ng regalo, yung mumurahin pa...

minsan na nga lang eh,

dame mo inaanak.. gastos niyan... sosyal pa naman mga bata ngayun, gusto ng psp, ds, celpon,,, tsk