Noon, ang computer games gaya ng Pacman o Super Mario at yung Nintendo, larong pang-mayaman lang. Madalang kasi ang may access o yung nakakagamit ng computer nun. Sila yung pinanganak na may pilak na kutsara daw sa bibig. Di ko alam kung balak ‘yung isalaksak sa bunganga nila o ano.
Ang mga batang mahirap, yung mga taga looban o eskinita, may mga larong pang-mahirap na minsan eh hindi keri ng mga batang iba ang kulay sa kanila. Yan ang mga laro namin.
Tulad na lang ng awtang base. Lumalabas pa kami ng kalsada at duon kami naglalaro habang ka patintero din ang mga tricycle. Parang grouping ‘to ng out-an. Lahat ng mga na out na, dumidipa mula sa base sa kalaban hanggang sa magka dugtong dugtong.
Tapos kapag nakalusot ang isang member at nahawakan niya ang dulo ng mga naka dipa niyang kasamahan, puntos ‘yun. Kailangan mabilis tumakbo yung huling kasamahan na hindi pa naa-out kasi kung mabagal ka, give away na yung puntos sa kabila.
Yun ang ginagawa nila sa akin. Pag ako na lang ang natitira sa grupo namin, dahil maliit daw ako, payag na silang iskor na ng kalaban. Tangnang mga iyun, walang tiwala sa akin!
Pwede ring patintero mismo kaso mas enjoy naming yung base eh. May mga dupang daw kasi sa patintero, pag na out sasabihin time out may sasakyan!
Sa bukid naman kami naglalaro ng baseball gamit yung bolang pula. Walang bat yun, kamao lang talaga. Siyempre hindi naman buong taon eh may tanim na palay ang mga bukid kaya pagkatapos ng gapasan, baseball field na ang rice field.
Yun nga lang may kalaban kami, mga bata kasi kaya ‘pag dumating na yung mga binata nung mga panahong yun, sibat na kami kasi teritoryo nila yun eh. Kami naman, takbuhan sa mga dayami at dun na lang kami magpapa-tambling tambling.
Ayun, pagdating ng gabi, galit nag alit ang ermat ko kasi nangangati yung katawan ko. Kahit kasi mahirap, tatablan rin ng kati na dala ng dayami.
Sa mga panahon namang nalalaos ang patintero o baseball, at para halu-halo rin ang mga kalaro, pera perahan ang pantapat dyan. Yung mga balat ng kendi o kaya kaha ng sigarilyo, yun ang mga pera namin.
Ang kending viva, isandaang yun, ang lips dahil pula siyempre singkwenta, at ang stork naman ang limang piso.
Dahil malaki naman ang mga kaha ng sigarilyo, kailangan tatlong tupi yan na pwedeng ikawit sa mga daliri ala drayber o konduktor. Marlboro natural singkwenta, ang Hope at ang Champion ang limang pino habang isandaan naman ang Phillip. Siguro kung ngayon yun, mas tamang isanlibo na ang Phillip kasi mas kakulay diba?
Pero wag ka, hindi laro yun na basta lang may pera ka, siyempre may paraan kung paano lilibangin ang sarili gamit ang mga yun. Dahil taga looban, ano pa nga ba edi sugal! Nandyang nagbeto beto kami gamit ang dice na putik, o kaya eh sakla. Akalain mong bata pa lang eh sugarol na ko?
Pwede pa kaya yung mga yun ngayon?
Pano pa nga ba magpa-patintero sa dami ng sasakyan. Ang mga nasasagasaan nga iniiwan na lang at kung minamalas talaga, aatrasan pa ng tsuper para masigurong patay ang biktima. Pano pa nga rin ba makakapag-baseball kung halos wala nang bukid? Hindi bat halos lahat eh naging subdivision na?
Ang pera perahan? Mas lalong hindi na pwede dahil ayaw na ng mga bata ng di totoong pera ngayon. At ang totoong pera, kahit mahirap, sa counter strike at dota na rin dinadala.
Hindi na siguro pwede.
®
Friday, December 5, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
21 comments:
DH: kakatawa naman tong topic - totoo yan kakaiba na ang panahon...lalo na ngayon hi-tech na mga bata..tsk...tc
hay kakamiss ang mga ganyang laro..sana habangbuhay na lang na bata para laging may pera perahan,hihihi
wehehehe! uu nga. dati laro2 lng ok na tayo. taguan. ngaun di na pwede. ibang iba na ang panahon ngaun :D
uy thanks for visiting, na add pala kita sa blog ko :D hihihi! :D
Oyyy!!! Pare tara laruin natin ulit yan... hahahaha
Wahehehe! Very funny...In our place, we still have this place where we usually play baseball until we now...pro hindi lng baseball ang nilalaro nmin...pati na rin soccer, badminton, at iba pang laro...However, I haven't experienced the candy wrapper thingy...and honestly, it sounds cool...thanks for the experience...
kakatuwa naman itong post mo..naalala ko tuloy ang mga laro ko nung bata pa ako..dahon naman ang nagiging pera namin.kapag tuyo na,sampung piso kapag naman green limang piso..
wahahahahah! wala nang ganyang mga laro! kase kahit mahirap ngayon, nagdodota na! shet na DOTA yan!
hahahaha.. taena.. uu nga agree ako sa kanila... halos bagong panganak na sanggol nakikipag hatakan na sa harapan ng keyboard ng konchuter... nakikipagbakbakan na sa xbox at nakiki-gulo na sa tournament ng wii.. may dede pang psp..
Ka mulong nag mumuni muni na lang tayo hehehe sarap nga yong mga laro nun panahon natin hehehe di talaga ika ila ka mulong damatans na tayo heheheh
isang tagay pa mga senyoresss heheheh
Kanina pa nawawala ang "Comment as".
Ngayon ay ok na.
Tungkol sa laro,lahat siguro tayo naglaro nung bata.
Ang laro ko noon tanching ng tau-tauhan o kaya kalog ng tansan ng softdrink na ang taya goma ng Intsik. Mga babae kalaro ko kasi lagi akong nananalo.
DH...oo nga hi btech, bukas makalawa may computer game ng tumbang preso
POKWANG...pera perahan lang? ayaw mo totoong pera? hehehe
JULES...may ok yung silver taguan na by group!
MARCO...pare aling laro? awtang base? pera-perahan o baseball?
RABSIN...nose bleed ako sa comment mo...peace! lols
BLOOM...di ko natutunan ang DOTA, spider at solitaire lang ako hahaha
BOOMS...yan na naman yang damatands na yan huhuhu
MIKE...oo nga yung tanching ng mga tau tauhan na nakukuka sa pom poms at iba panng chichirya hehehe
wahehehe! hinde nman yan nkaka-nosebleed ah...Hmmp..?
hahak, naalala kow dati, yung plastic nang kendi gnagawa kong pera lol at feeling cashier akow,nyahaha, ata saka naranasan ko dn yang patintero hkahka, ang saya talagang maging bata, kahit na luhaan minsan at madunigs at mabaho game pa dn ksi masaya!!weeeeeee
AMOR isang hahahahaha
oo nga iba na ngayon anak ko computer ang hilig at kung anuano pa mga laruan samantalang ako noon mga lastiko at mga text na maliliit... iba na talaga ngayon...
HAHAHAHa!!taena!!!!....naabutan ko pa ang mga to..lalo na ang pera na kaha ng sigarilyo...ang tanda ko na pala!!!!!lolz.....
Taena talaga....ang ramee ko tuloy naalalang mga kababata...mga jolens mate,kalastikuhan at tumblingan...lolz...
ayos dre!!!!lolz...
Lips candy...ampocha...woooohhhh!!!!lolz...
buti pa ako di pa ganu matanda.
pero di na ako pede maglaro ng ganyan.
kantyaw lang ang abot ko.
hahaha.
parekoy sensya n now lng ulit ako nagka oras mgbasa ng mga blogs nyo!super busi ang inyong kumpadre!!
btw, aq laking patintero!public skul kc aq ngaral puro patintero kami pag reces at lunch break!
anu n balita sa buhay buhay!!^_^
EMOREJ...isa lang masasabi ko...buti ka pa may anak na huhuhu
PAJAY...parekoy ang sama ng insunuation ng post ko, ang tatanda na natin hahaha
KATCHUPOY...yun ang pinakamagandang comment (sa sarili?)yung buti ka pa dipa gaano matanda lols
EMAR...ako din public skul kaya pareho tayo ng lato, larong pang mahirap hehehe
Post a Comment