Wala namang duda na sa ngayon eh laman ng lahat si Manny Pacquiao.Mula TV hanggang sa trabaho pati na sa mga tambayan. Si Pacman ang magaling at si Pacman ang mayaman. Sino kaya ang susunod na kalaban? Lahat ng iyan siguradong pinagdedebatehan.
Pero gawa tayo ng side stories, yun bang wala sa mainstream ng Pacquiao mania pero tungkol pa rin sa kaniya o sabihin na nating sa kanila ni Oscar Dela Hoya.
Ito siguro yung mga puntong hindi makikita nina Quinito Henson at Al Mendoza. Ilalabas ko lang yung pagiging sports analyst ko, tingnan ko kung ano panama nila.
Akalain mong pinagdudahan ko si Pacman! Bandang alas onse kasi ng tanghali habang naghihintay ng laban na kanilang pinagkaperahan, may pumunta sa aking Kristo at nagkakasa ng pustahan.900 lang naman. May sumasama na sa akin na 500 kaya 400 na lang ang ipupusta ko at kay Pacquiao kami.
Ilang beses na kong natalo sa mahjong at hindi lang 400 ang naipatalo ko na. Pero si Pacman hindi ko napustahan dahil sa totoo lang eh diskumpiyado ako. Kung baga kasi sa sabong eh llamadong llamado si Dela Hoya. Kung naging tres man ang pustahan, kakanain ko na!
Pasensya na Pareng Manny ha!
Eto na, habang nasa inuman, imposible namang mawala ang matatalinong diskusyon. Habang pinagpi-piyestahan ang sisig na ipinagmamalaki ni Pareng Jho, narinig ko ang isa sa pinaka malupet na komento tungkol sa dream match na iyan.
Ang sabi ba naman; “swerte ni Pacquiao hindi sumusuntok si dela Hoya. Yun na nga lang eh hindi pa niya napabagsak, paano pa kaya kung sumuntok pa yun?” Classic di ba? Oo nga naman, paano kung sumuntok si Pareng Oca, baka siya pa ang nanalo di ba!?
Lahat nga naman ng talunan may ekskyus, parang sa sabong, kapag natalo ang manok… naunahan lang eh. Para bang nakalimutan na ang sabong eh unahan lang naman talaga!
Sa pagkakapanalo ni Pacquiao, tingin ko nagkaroon ng kalaban si US President Elect Barrack Obama, hindi sa world domination ha, bomalabs tayo dun. Sa pagiging man of the year ng Time Magazine.
Sabihin na nating nasa history na si Obama, pero ibang history pa rin ang ginawa ni Pacquiao eh. Ano sa tingin mo? Kanino ka? Obama o Pacquiao?
Pagpatak ng gabi…kumalat na ang balita na nagpabago ng takbo ng debate habang nadadagdagan ang Colt 45 na itinatagay namin. Namatay na si Marky Cielo. Aba lintek at mga tagahanga pala ng isang apo ni Shaider ang mga kainuman ko.
Paano na daw ang sangkatauhan, ang mundo kung maghahari ang lagim sa ilalim ni Puma Ley-Ar. Ano pa ba ang isasagot ng lasing? Mga hunghang nandyan ang Liga Insekta, di tayo pababayaan nina Gagambino.
Nakupo nalintikan nang lalo!
Buti na lang bago ako magkandasuka sa harapan, natapos ang gabi ng may magandang balita…tumama ako sa ending! Sarap ng Linggo!
®
Monday, December 8, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
Hindi ka man tumaya sa pustahan sa boksing. Nanalo ka naman ng ending. Good talaga ang Linggo mo pareng abe. Namimiss ko na ang drinking session.
Wow!!! e di inuman na naman yan pareng Mulong.... lolz
Aba lintek at mga tagahanga pala ng isang apo ni Shaider ang mga kainuman ko. (natawa talaga me dito seriously heheheheh).....
sino n kali ang lalaban kay Puma Ley-Ar(baka magrerecruit cla ng bagong kakampi para lumaban kay PUMA LEY-AR nyahahahaha.)
balato nmn hindi lng pala c pacman yung nanalo pati ikaw nanalo ka tumama k sa ending nyahahahhaha.
balato naman dyan..pang ticket lang para makipaglibing sa apo ni shaider!
Na-update ako rito sa post nyo. Pacquiao (di ako nakapanood) and Marky (may TFC na ako last Saturday lang, wala akong Kapuso channel)...
Miss ko na ang sisig, ahh! (,"o
MIKE...oo nga buti na lang nahabol ang ending
MARCOPOLO...tuwing weekend naman parang marco kahit may pacquiao o wala hehehe
ZEB...yun lang...ang info na nakarating sa akin semilya pa lang daw ang susunod na saido...
POKWANG...naku patay tayo dyan malayo layo din kasi dadalhin daw sa mt province eh
RJ...parekoy ang chicharon miss mo rin ba? goto kaya? ah alam ko puto bumbong at bibingka (nang inggit pa hehe) peace bro!
obama? o pacman? PACMAN NA! LOL!
congrtas manny! and to all pinoys! hehe
kay marky sayang yun, mukang mabait at matino pa naman....tas tas..
soli pacman ka talaga DENCIOS ha!
go go go!
nanghihingi po aco ng donation para sa pagpanaw ng isa sa pulis pang kabaklaan. .
kay oscar na lang aco. . nabubwisit aco sa mukha ni pacman. . !
OBAMA pala. . hehe. .
PAPERDOLL...wahaha at biglang namali pa hehe
nakakalungkot naman na nawala agad ang isang pulis pangkalawakan!
Post a Comment