Wednesday, December 24, 2008
Wish List Ko To!
Iyan (nasa litrato) ang isa sa pinaka gustong regalo na natanggap ko ngayong Pasko. Libro yan ni Eros Atalia na ikinukumpara ngayon kay Mang Jun Cruz Reyes at kay Bob Ong.
Tsaka na natin pag usapan ang tungkol sa kanilang tatlong dahil mahabang debate yan panigurado. Gusto ko lang namang gamiting pasakalye ang natanggap kong libro sa piyesang ito.
Syet piyesa, kinakarir!
Natanong ko na ito pero ang setting eh noong bata ka pa, uulitin ko ngayon ang tanong pero duon tayo sa kasalukuyang panahon: Ano ang pinaka gusto mong natanggap na regalo ngayong Pasko?
Alam nyo ba, kahit na may ilan din akong natanggap na material na bagay (well, kakainis dahil konti lang) meron pa rin naman akong wish list o ‘yung mga gusto kong matupad ngayong Pasko…hindi lang yung makatanggap ng libro.
Para ‘tong kanta ni Ariel Rivera, Sana Ngayong Pasko…isa-isahin natin:
- Sana magkaroon ang mga wala. Kung magkakataon kasi, hindi na sila gagawa ng masama para magkaroon. Pwedeng hindi na sila magnakaw, mang snatch, o kaya eh mangholdap, diba?
- Sana mabusog ang gutom. Hindi ko sinasabing hulugan sila ng maraming pagkain araw araw pero sana magkaroon din sila ng katulad na pagkakataon na nasa iba para magkaroon ng pagkain. Kung hindi kasi yun mangyayari, mananatili silang namamalimos at naghihintay sa labas ng Jolibee habang pinapanood kang kumakain ng Chicken Joy.
- Sana makita na ang mga nawawala. Iyun ay para wala na ring naghahanap. Ala reunion ba sa QTV? Hanggang nanatitili kasi silang nawawala habang ang iba ay naghahanap, kapwa sila mangungulila. Di bali sana kung hinahanap ng nawawala ang daan pabalik, pero paano na lang kung naligaw na siya? Baka hindi na sila magkita.
- Sana magkabati ang magkagalit. Baka kasi ang pinagmulan lang naman ng lahat eh kinalabit ng may laway ang daliri kaya nagalit eh. Kung ganun lang naman, batuhin mo na lang ng tinapay. Kung gusto mo yung putok para mas matigas-tigas.
- Sana makalakad ang pilay, makapagsalita ang pipi, makadinig ang bingi ar makakita ang bulag. Imposible ba? Oo nga pero sana pa rin.
- Sana maibigay ang hinihingi. Yung iba kasi namamanata pa, nagsisimba ng paluhod, sumasayaw sa prusisyon, nagpapahilot, naghahampas dugo, nagpapapako sa krus, nagno-nevena at kung anu-ano pa, matupad lang ang hinihiling. Sapat na siguro yung naibigay nila para maibigay kung ano man ang kanilang hinihingi.
At higit sa lahat…ito ang pinakamataas ang level, todo na talaga, pero kinakailangan lang talagang sa huli banggitin…WORLD PEACE!
Syet world peace! Apir nga dyan Pare para sa kapayaan!
Baka may maidagdag ka pa sa listahan ko…maging makatao naman tayo ngayong Pasko!
®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
shetness... sa world peace lang ako nakarelate...
sa iba parang mahal na araw na ang tema..lols
joke joke.. sige sige...
merry xmas parekoy!
merry galo ka na ba sa akin? amin na..lols
PARENG KOSA...inaalipusta mo na naman ako ha...yung regalo ko, kapag nakasalubong kita sa edsa, sa taft or sa monumento hehehe...
merry christmas!
Wow... daming wish ni Mulong ah... wish para sa lahat yan ah... ang bait na lolo to....hahaha PEACE!!!!
matagal na akong naghahanap nyang world peace na yan hanggang ngayon di ko alam kung saan makakabili???
saan nga ba at papaano mararating?
hapi pasko po!
MARCO...oo pare para sa lahat yan, para sa sangkatauhan...taena para wala sa identity ko!
POKWANG...kailangan kasi may dating ang pag wish mo ng world peace tapos sasabayan mo ng kaway...try mo hehehe c",)
Hindi selfish ang mga nasa wishlist mo, ah! Good... How I WiSH matupad lahat 'yan.
Merry Christmas, Abe Mulong Caracas! o",)
PARENG RJ...salamat sa wish mo sa wish list ko hehehe (redundant ba? hehehe)
sana makuha mo ang nasa wish list mo :) maligayang pasok din sayo!
Ala Mel tiangco a...hehehe..Kapuso...may Reunion pa...lol.
Una sa laht ang galing ng mga wish mo pre...kaya ang wish ko na lang e sana matupad ang wishes ni Mulong para dalawa na tayo...ayos ba?..
Maligayang pasko pare...
maligayang pasko bro!
yan na ung librong sinasabi ko sayo dati :) nabasa mo na rin ba yong una nyang libro?
yehey!! uuwi na ako ng pinas mamaya..
funiboi:)
merry christmas bro.
and yes... we are all praying for....
WORLD PEACE!!!
dahil sa inyong mga SANA...malamang magkaroon na nga ng WORLD PEACE...at ang mangunguna dito ay ang out going president ng US na si george w. bush
NAKNANGBAOG! SA WORLD PEACE AKO!hehehehehe, kuya mulong, pareho tayo, gusto ko yang libro ni eros...naglalagay pa lang sa shelf ang crew ng powerbooks sa megamall ng makabili ako niyan. sulit siya, pinakagusto ko yung malanding aswang..na in the end kaya pala nagtatalo yung dalawa, kasi gustong kainin ang puso niya..hahahaha
ang sa akin naman, yung dvd copy ng the love of siam, entry ng thailand sa oscar's, kalaban ng ploning, tsaka yung tumatalon na dvd ng 100...
sana mapanood mo yan kuya, maaaliw ka...(wickedlynice.blogspot.com kuya nag blog ko..hehehehe)
Post a Comment