Tuesday, January 6, 2009

Gulo Mo, Para Kang....

Nauso’t nalaos ang VHS nang hindi na degrade ang kaniyang status symbol…na siya eh pang mayaman. Aminin mo man at sa hindi, nagkaroon man kayo o hindi, alam mo na may sinasabi sa buhay ang bahay na tinirhan ng VHS.


Nagsulputan ang mga arkilahan ng tape. Iba ang dating kapag bumaba ka ng tricycle tapos may dala kang plastic na may lamang tatlong VHS tape. Movie, marathon, para bang ibang level ka.

Sabi nila alin lang daw sa dati na silang mayaman o kaya naman eh may kapatid o magulang na nagtrabaho sa ibang bansa kaya nagkaroon ng VHS. Pamatay ang conclusion di ba? May deskriminasyon talaga.

Pero nung nauso ang VCD, wala nang status symbol.

Hindi na tatak mayaman ang pagkakaroon ng gamit para makapanood ng pelikula. Kahit maliit na bahay, can afford nila yan. ‘Yung mga nabibili ngang pelikula, kapag napanood na, pwede na ring ipang swap sa kapitbahay para everybody happy.


At ngayon nga, naglaho na sa sirkulasyon ang VCD dahil ipinanganak naman VCD. Meron pa ngang Sony ang tatak sa labas, pero pag ginamit mo, Sonya ang lalabas sa screen ng TV. Kung naging tao yun, dual personality pa.

Sa isang banda, ok na rin na naglipana na ang mga ganyang gamit kahit pa made in Iraq pa ang mga yan. Dahil nga naman pirated electronic gadgets, sa isang bahagi ng buhay eh nagkapantay-pantay ang lahat. Madalang na ngayong ang batang nakikipanood sa labas ng bintana ng mga mayayaman.

Tuwing gabi, kapag papasok ako sa trabaho, halos lahat ng nakakasabay ko sa sasakyan, may mga salpak naman ang tenga. Dahil nga naman iba-iba ang panlasa sa musika, at ini-imagine, mag kaniya kaniya na rin tayo ng pinakikinggan.

Minsan, nakasakay ako ng bus, may pumanhik na nagtitinda ng tubig at mani, nakamputcha at may salpak din ang mga tenga!

Gusto ko sanang sabihing “wow naka walkman!”


Pero sabi nga ng kasamahan ko “move on, wala nang walkman, Ipod na!” At ang dami din palang Ipod na fake kaya lahat eh pwede na ring magkaroon nun. Meron pang MP4 at mga design na wala pa naman ang original brand, Akalain mo yun?

Bukas makalawa nga raw, pwede nang free ang Ipod pag bumili ng isang sakong kornik!

Hindi na rin ito status symbol maliban na lang kung ipagduduldulan mong orig ang Ipod mo sa mga makikita mong nakatingin sa iyo.

Eh kung sagutin ka naman ng “so what naman for me,” edi napahiya ka lang!

Ano ba talaga ang direksyon ng pinagsasabi ko? Ang gulo ko, parang makapal na b-*#@/=

Simple lang…bakit ako walang Ipod? Gusto kong magkaroon ng Ipooooooooood!


®

24 comments:

RJ said...

Nakalimutan nyo po ang metamorphosis ng telepono.

Ako wala rin pong Ipod. =,(

abe mulong caracas said...

RJ...oo nga ano? sige pahabol...ang cellphone, tumingin ka sa kaliwa o sa kanan, may cellphone.

pero wag dalasan ang pagtingin sa kaliwat kanan, dahil malamang, ikaw na ang mawalan ng cellphone! hehehe

Kosa said...

@Doc Aga**
taena ipod? nakakasira ng teanga yun.. oks na yung radyo nalang..

abemulongkarakas**
hahaha taena napakagandang balik tanaw..lols
sige sige goodluck sa pagkakaroon ng ipod! pero nakakasira ng tenga yun! hahaha
natawa ako sa pang-aalipusta mo sa tagatinda ng tubig.. taena.. maabilidad lang yun kaya can afford ang ipod

zebzeb said...

aba aba my sense itong post ha hehehehe. sana dumating yung time n pagbumili ng cornik(boy bawang) my libreng ipod. pero malamang hindi n papansinin yung ipod mo, e halos lahat ata nakakabili ng cornik.

diba nga my kumpitensyon pa ang VIDEO CITY rental at ACA VIDEO hehehehe. minsan pa nga naranasan kong maubusan ng bala nung magrerent ako e paano naka out daw yung gusto kong arkilahin hehehehe.


dont wori mulong hindi ka magulo tulad ng makapal na b-*#@/=

2ngaw said...

Hehehe :D Ako rin wlang IPOD, kasi mas gusto kong ung pinapakinggan ko eh naririnig din ng iba

Anonymous said...

KOSA...parekoy buhay ka pa pala, peace!

hindi ko sila inalipusta, inalipusta ko ang sarili ko hehehe

ZEB...nakow ako inuutusan lang mag rent ng VHS tape sa pipitsuging arkilahan pero pag lumabas ako ng shop, taas noo ako! Kunyari mayaman din kami hehehe

LORD CM...magdala kaya tayo transistor habang nasa bus? palagay mo?

eMPi said...

Ayos ah... dami na ngang fake na mga gadgets na naglipana ngayon... halos lahat ng mga tao na makakasalubong mo may mga kanya kanyang nakasalpak sa tenga... may maliit at may mala-DJ ang dating... hahaha... grabe na talaga ngayon no! minsan nakakainis pa... naka-headset na nga... ang lakas pa ng sound na naririnig ng lahat ng katabi... ano ba naman yan!!!

teka, wala kang ipod? e di bumili ka ng fake na ipod... hehehe

2ngaw said...

Hehehe :D Di ako mapalagay...magdadala na lang ako VHS tapos TV habang nasa bus saka ako manunuod, walang makikinuod ha?!!!Ako lang!!!

Bili k na lang Sony Ericson na CP tas bluetooth na earphone, edi astig...may cp ka na may sounds ka pa :D

Unknown said...

ang hirap mag-renta ng bold dati na pelikula sa mga paupahan ng VHS... bata pa kasi kame nun...

tsk...

ngayun madali na lang.. may taglilimang piso pa nga sa quiapo na porn dvd eh...

Anonymous said...

pahay-tek ng pahay-tek na tayo ka mulong yung mga erpats natin kong ang panahon nila yung malalaking plaka na kulay itim hehehe, sa era natin sumikat ang VHS at walkman.. pero dito sa Iraq ripleys bilibit or not may mga facilities dito na ginagamit nila HVS lalo na sa movie house ng mga US army kasi malinaw na kopya at donated lang..

Enchie said...

At wag kalimutan ang ACA at Video City ang mga tanging paupahan ng VHS nung mga panahon na yun :)

Amorgatory said...

gusto kow betamax yko nang vcd,lol.

PaJAY said...

ipod ko dito pre galing pa jan sa tutuban...lol..

kasi nga tulad ng sabi mo..di rin naman nila papansinin kung orig o hinde ang gamit mo.importante yung features sa gadget na orig ay nasa gadget mo rin na japeyks..basta magamit lang ayos na...kahit warranty card ngayon di na kailangan..pampagulo lng yun....ayan at magulo rin ang kumento ko...nagkagulogulo na dito sa bahay mo...lolz....

.::. Vanny .:. said...

mahilig kami mag rent ng VHS dati nung bata pa kmi. yung mga dog movies. hehehe. masaya naman. :D

abe mulong caracas said...

MARCO...parekoy ang nakakainis sa mga naka headset, akala mo mga egoy eh ang babaho naman ng porma hahaha!

LORD CM...fake na ipod nga di pa ako makabili eh sony ericson pang phone...kaw talaga hehe. Magdala na lang ako ng casette sa bus tapos ilagay ko sa balikat ko hehehe

DOTEP...nakow wag kang bibili ng DVD na tig 5 pesos madali masisira player mo...madalas mababasa!

abe mulong caracas said...

BOMZZ...sabi ko na nasa US facility ka eh...mayaman ang kumpare ko hehehe!

ENCHIE...patay tayo dyan walang ACA at Video City sa Bulacan nun. Sa commercial lang ng Thats Entertainment ko sila nakikita!

AMOR...betamax? may betamax pa rin ngayon, kinakain nga lang, yung isaw na inihaw?

abe mulong caracas said...

PAJAY...pipilitin ko ding bumili ng Ipod, yung fake din ha!

VANNY...never ending story ba yan?

Anonymous said...

ako din wala ipod!T.T

may nasakyan nga kong jeep,
ipod yung ngsisilbing radyo ni manong-astig!

pero gusto ko makilala
si sonya..hahahahah

poging (ilo)CANO said...

marami parin tayo na walang ipod! pag nagkaroon tayo nun, hindi na ipod pangalan niya..ay!pudpud na siya...hahaha

abe mulong caracas said...

STORMY...isa pa yun! yung mga jeep may ipod na rin haaay!

ah si sonya ba? kasama ni samsung...ni kim samsung hahaha

POGING ILOCANO...akalain mo, akala ko mas isa lang ako? sabay sabay nga tayong bumili sa tutuban lols!

Anonymous said...

pasensya na ha! kasi yung pinaglumaan kong iPod nitong 2008 e ipapasa ko sa anak ko kaya..wala ka pa ring iPod lol!

nung nagka VHS yata kami e padating na ang mga VCD kaya kahit na ipangalandakan naming kahit papano e me kaya kami huli na ang lahat lol!

abe mulong caracas said...

MANILENYA...tsk tsk sayang akala ko ba naman pagkakataon ko nang masalpakan ang tenga ko!

The Gasoline Dude™ said...

Nyahaha! Hayaan mo, hindi lang ikaw ang huli sa uso. Ako din walang i-Pod. Wala akong pambili eh. *LOLz*

Anonymous said...

GASOLINE DUDE...nakow ikaw pa? kapitalista ng produktong petrolyo? hahaha