Hindi ko talaga maumpisahan ito sa ibang paraan kundi sa…natawa talaga ako sa Alyansa Sabungero na nagtungo sa Comelec para daw magpa-accredit bilang isang party list group.
Maliban pa sila ibang grupong nakasabay nila at iyung iba pang nagpupulong-pulong ngayon na siguradong susugod din sa Comelec sa mga darating na araw.
Ayan kasi, malamang kasalanan ito ng dalawang Party List Congressmen na umamin na nakasama ng ating butihing Pangulo sa kanilang magarbong (huling) hapunan sa Estados Unidos.

Edi ayan, pati tuloy grupong kinabibilangan ni Mang Tacio at Don Patrick Antonio eh gustong maki-party este…maki-parte sa pera ng gobyerno.
Ayoko namang maliitin ang nasa loob ng mga bungo ng mga sabungero, dahil once upon a time eh nahilig din ako sa tupada (kahit ginugulangan kami ng Kristo namin.) Kaya lang, ano naman kayang panukala ang ihahain ng Alyansa Sabungero Mababang Kapulungan kung saka-sakali?
Alam ko na. Bigyan ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng manok na panabong na kumain ng Thunderbird? Kasi daw ang iba eh ordinaryong mais at conditioner lang ang nilalantakan.
Pwede rin siguro nilang isulong na mabigyan ng health insurance ang mga kristo at sintensyador? Panalo ano?
Batay sa Republic Act 79-41 o ang Party List Act, maaaring tumakbo bilang isang sectoral group ang mga grupong kumakatawan sa isang "MARGINALIZED SECTOR"
Abe eh kung ganiyan pala, at dahil pinangunahan na ng Alyansa Sabungero, hindi nakapagtatakang habang bumabarik ngayon ang mga sunog baga, pinag-uusapan din nila ang pangangalap ng pirma at tantyahin kung pwede silang sumabak sa darating na eleksyon!?
Sa dami nga naman ng manginginom, pihadong mas llamado sila sa mga sabungero!
Wag ka ring magtaka na may makikita kang streamer sa kung saan na may nakasulat na “SUGAROL---PINAGKAISANG SAMAHAN NG MGA MAHJONGERO, NAGTO-TONG-ITS AT NAGSASAKLA.”
Susugod din daw sila sa Comelec bukas! Naku po nalintikan na!
Mukang kailangan ko nang tawagan ang mga dabarkads ko lalo na sina Fernando Zobel de Ayala, Lance Gokongwei at Henry Cojuangco. Hindi kami dapat magpahuli.
Patok kayang party list name ang “ANAK MAYAMAN”?
naks®
Maliban pa sila ibang grupong nakasabay nila at iyung iba pang nagpupulong-pulong ngayon na siguradong susugod din sa Comelec sa mga darating na araw.
Ayan kasi, malamang kasalanan ito ng dalawang Party List Congressmen na umamin na nakasama ng ating butihing Pangulo sa kanilang magarbong (huling) hapunan sa Estados Unidos.

Edi ayan, pati tuloy grupong kinabibilangan ni Mang Tacio at Don Patrick Antonio eh gustong maki-party este…maki-parte sa pera ng gobyerno.
Ayoko namang maliitin ang nasa loob ng mga bungo ng mga sabungero, dahil once upon a time eh nahilig din ako sa tupada (kahit ginugulangan kami ng Kristo namin.) Kaya lang, ano naman kayang panukala ang ihahain ng Alyansa Sabungero Mababang Kapulungan kung saka-sakali?
Alam ko na. Bigyan ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng manok na panabong na kumain ng Thunderbird? Kasi daw ang iba eh ordinaryong mais at conditioner lang ang nilalantakan.
Pwede rin siguro nilang isulong na mabigyan ng health insurance ang mga kristo at sintensyador? Panalo ano?
Batay sa Republic Act 79-41 o ang Party List Act, maaaring tumakbo bilang isang sectoral group ang mga grupong kumakatawan sa isang "MARGINALIZED SECTOR"
Abe eh kung ganiyan pala, at dahil pinangunahan na ng Alyansa Sabungero, hindi nakapagtatakang habang bumabarik ngayon ang mga sunog baga, pinag-uusapan din nila ang pangangalap ng pirma at tantyahin kung pwede silang sumabak sa darating na eleksyon!?Sa dami nga naman ng manginginom, pihadong mas llamado sila sa mga sabungero!
Wag ka ring magtaka na may makikita kang streamer sa kung saan na may nakasulat na “SUGAROL---PINAGKAISANG SAMAHAN NG MGA MAHJONGERO, NAGTO-TONG-ITS AT NAGSASAKLA.”Susugod din daw sila sa Comelec bukas! Naku po nalintikan na!