Thursday, October 30, 2008

Pang Mahirap

Sa tingin mo ba, napaka-discriminating description yung salitang “mukhang mahirap”? Kung ako ang tatanungin mo, oo ang sagot ko. Lalo na iyung hindi naman talaga kilala ng personal yung pagsasabihan nun.

Minsan kasi gawain ko din yun. Madalas nga yata eh hehe.

Sa trabaho nga, minsan may follow up kami, tinanong ako ng kasamahan ko, “saan nga nakaburol yung nabaril sa payatas?” Ang sagot ko: siguradong hindi sa Funeraria Paz,, malamang sa bahay lang kasi mukang mahirap eh.

Gago ko talaga! Pero tumatawa naman sila.

Yung mga holdaper nga pag nakita sa TV, hindi maikakailang holdaper talag diba kasi mga mukhang mahirap.

Ang sa akin naman eh siste lang. Pampa-anghang lang ba sa buhay na mapait ang lasa.

Pero kanina nang tignan ko yung sarli ko, naisip ko, isa pala ko sa kanila.

Mahilig kasi akong bumili ng mga ja-fake o mumurahing gamit lalo na ng sapatos at pantalon. Pero sa totoo lang, yun lang naman talaga ang kaya budget ko. May logic din naman dun, paniwala ko kasi nasa nagdadala lang yan.


Ilang buwan ko na ring ginagamit yung peke kong vans, yung walang sintas. Wala pa nga akong nakikitang original na katulad ng sa akin na parang balat yata ng uwang-buko ang design kaya ang pagkakaalam ko hindi siya imitation. Sa halagang 300, meron na kong pamorma.

Nauso na yung ganuong style 1980’s yata. May pinsan ako noon na galing Saudi, at siya lang ang may ganun sa amin kaya para siyang artista. Ang design ng kaniya, yung pula at itim na kwadra-kwadrado na pwede nang paglaruan ng chess.

Ngayong in na naman nga ang Vans, di ako nagdalawang isip na bumili…ng fake.


Isa pa, alam mo ba yung mga pantalong checkered? Iyan yung kadalasang sinusuot ng mga artista ngayon. Nung una, kahit gustong gusto ko nang bumili, hindi ko makumbinsi ang sarili ko kasi alam kong mahirap dalhin. Hindi ko mapilit yung sarili ko na “nasa nagdadala lang yan!”

Isipin mo naman kasing naka ganun kang pantalon tapos sasakay ka sa jeep? Dyahe yata dahil dapat may sariling kotse kapag poporma ng ganun. Kung wala kasi at naglalakad o sumasakay lang ng jeep parang pormang mabaho.

Eh gustong gusto ko talaga lalo na nung naglipana na yung fake. 300 lang may tawad pa. Pagkakataon ko na tangina! Kulay muwebles yung nabili ko at pinarepair ko pa sa mananahi sa harap ng bahay namin para mas maiporma sa uso, yung medyo baston ng konti.

Palakasan na talaga ng loob (at pakapalan ng mukha). Pinag-partner ko yung sapatos at yung pantalon kanina . Kahit medyo di ako kumportable, ang sabi ko sa sarili ko, pakapalan na to ng mukha. Kaya ko yan!

Ang kinalabasan…lahat ng pamimintas ko, bumagsak sa akin…pormang mabaho at mukang mahirap (mahirap na nga sa totoong buhay, pinahalata ko pa!)

Ang baduy ko pala!


HAAAAY!®

5 comments:

RJ said...

Kahit ano, basta uso, magandang tingnan.

Pero dapat kumportable ka naman.

bananas said...

kahit mahirap ako, ia-add kita. wahahahaha

Anonymous said...

wag ka mag alala kasi di lang ikaw ang pormang mabaho at mukhang mahirap..marami tayo lol!

maraming salamat pala sa paglundag :)

onatdonuts said...

naalala ko tuloy yung lagi mong sinasabi sa amin...haha walang aamin at pahahalata na tayo ay mga hampaslupa hahaha

ingats lagi ;-)

bagito said...

taena.. hwag na kaseng magpanggap... kung mayaman eh di magastang mayaman.. kung mahirap.. eh di dugyutin ka.. pero kung muka kang artista na mahirap.. yun ang maganda.. atleast muka kang mayaman... matatago mo yung kahirapan mo... yung iba nga mayaman, mukang mahirap nman... di nman nakasulat sa noo yung laman ng bank account mo di ba.. hahaha happy life