Saturday, October 25, 2008
Para Ka Palang Ako
Sabado na naman ng umaga (Sa blogspot biyernes pa). Pag ganitong araw at oras, parang ubos na lakas ko. Kung baga sa sex, after ilang round hilahod na!
Isang lingo na naman ng pakikipagsapalaran ang natapos. Mga ilang araw pa at susweldo na naman. Pero di ko makuhang matuwa kasi naman parang yung suswelduhin ko eh pang gastos lang para sa susunod na labinlimang araw.
Parang umiikot lang ba? Ang tawag ko nga sa ATM eh daanan ng sweldo. Buti na lang hindi pwede lumabas sa ATM machine yung less than 100. Baka kung nagkataon hindi ko pa sila pinatawad. Pang yosi din yun!
Sabi ko nga, natutuwa na lang ako sa trabaho ko kasi nakakatulong naman ako sa transport sector.
At dahil pang-gabi ako, maghapon ko na namang lilibangin ang sarili ko para di ako antukin. Kasi naman kapag natulog ako, sabihin na nating mga tanghaling tapat at nagising ako ng mga alas otso ng gabi, edi siyempre kakain ako. Kaso pagka-kain ko ano gagawin ko? Matutulog na naman?
Pag nag mahjong naman, kadalasan talo. Pagdating kasi ng hapon umiikot na paningin ko sa seven character, sablay na rin salat ko sa nine sticks.
Kaya ang nangyayari, pag may patay na oras, ang dami kong pinagmumuni-munihan. Ito yung mga pampaalis antok nga pero pag pumasok naman sa isip ko bigla na lang haaaaaaaaaay! (buntong hininga iyan)
Random thoughts kung baga ng mga nararanasan ko sa gabi. Kasi nga parang binaligtad na ang oras diba?
Iyung mga nagpupuyat dyan ng umaga, baka makasakay kayo!
- Ano na kaya ang itsura ng loob ng mall? Nasa gitna lang ako ng Gateway at Trinoma, pero ang pasok ko 11pm, sarado na ang mall, out naman ako ng 8am sarado pa ang mall)
- Hindi pa nga pala ko nakakarating ng MOA.
- May part three na pala ang High School Musical? Tungkol saan ang Eagle Eye? Nakakatuwa daw ang Mama Mia? Ang huli ko kasing napanood sa sine, Pirates of the Caribbean 2 sa maniwala ka at sa hindi!
- Minsan isang “night off” ko, ang sarap ng tulog ko pero naalimpungatan ako ng bandang madaling araw, bigla kong naisip…ang sarap talagang matulog ng madilim.
- Pagpasok ko naman after ng malinamnam na pahinga, hindi ako dumiretso sa opisina. Huminto ako sa isang lugar malapit sa isang bar. Tumutugtog nun ang isang banda ng Insensitive yata tapos biglang…tagal ko nang hindi nakakapasok ng bar.
- Isang madaling araw, mga bandang 2am yun, pumunta lang ako saglit sa 7-11 tapos bumili ng Siopao at Pineapple Juice. Nagyosi pagkatapos at pagbalik ko tinanong ako ng Senior ko kung saan ako galing, walang kagatol gatol, nasabi ko … “nag lunch lang!”
- At higit sa lahat, dahil wala nga akong gabi…tagal ko na palang tigang!
Naka-relate ka ba? Kawawa ka naman, deprived ka din pala!
NAKS!®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Hump! Kaya siguro lumalabo ang mata ko.
Hahahah!
ano kaba kuya mulong, pwedeng pawiin ang pagiging tigang kahit katanghalian, hahaha
kurtina lang ang katapat niyan, haha joke bihira na kitang makita sa gazeebo na nagyoyosi.
Sino bang hindi tigang??Ako rin here.
Anyways I love being a callcenter agent,Im studying to be a callcenter agent again sa ano naman cvg.
Gusto ko kasi doon eh.
Anyways,Ganyan yata talaga.Lagi kang pagod pag callboy
rj baka guliti lang yan nyahaha
jo bandang 2am nandun ako. kurtina lang ba lang ba? akala ko bowl lang hehehe!
blacksoul may sinulat ako bout call center agents, bakit nga kaya title....PEACE nyahaha!
hehehe... ok nakaka-relate!
pero tama si onats, kayang gawan ng paraan ang pagiging tigang. maniwala ka!
Post a Comment